-
PamahalaanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Salita ng Diyos ang mga buhay anupa’t yaong mga tumutugon sa pag-akay nito ay nagiging mababait, maibiging mga tao na may matatayog na moral, isang lipunan ng mga tao na tumatangging humawak ng sandata laban sa kanilang kapuwa at na nabubuhay sa tunay na kapayapaan at pagkakapatiran bagaman sila’y buhat sa lahat ng bansa, lahi at wika.
Kailan wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang kasalukuyang pamamalakad sa daigdig? Tingnan ang mga paksang “Mga Petsa” at “Mga Huling Araw.”
-
-
Pampatibay-loobNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Pampatibay-loob
Kahulugan: Isang bagay na nagbibigay ng tibay-loob o nagdudulot ng pag-asa. Lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob. Ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng pag-uukol ng personal na tulong o ng pagpapahayag ng pagpapahalaga. Madalas itong nagsasangkot ng pagtulong sa isa upang makita niya kung papaano haharapin ang isang mahirap na kalagayan o kaya’y ng pag-uusap kung bakit maaari tayong magtiwala sa isang higit na mabuting hinaharap. Ang Bibliya ay naglalaan ng pinakamagaling na saligan ukol sa pampatibay-loob na ito, at ang mga tekstong sinisipi sa ibaba ay malaki ang maitutulong sa mga taong napapaharap sa iba’t-ibang situwasyon. Madalas na ang pagiging madamayin lamang ay malaki na ang nagagawa.—Roma 12:15.
Para sa mga dumaranas ng pagsubok dahil sa KARAMDAMAN—
Apoc. 21:4, 5: “ ‘Papahirin [ng Diyos] ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at mawawala na ang kamatayan, pati na ang dalamhati at ang panambitan at ang hirap. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At Siyang nakaluklok sa luklukan ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At sinabi pa niya: ‘Isulat mo, sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’ ”
Mat. 9:35: “Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo . . . at nangangaral ng mabuting balita ng kaharian at nagpapagaling ng sarisaring sakit at ng sarisaring kapansanan.” (Sa pag-uugnay niya ng pagpapagaling sa pangangaral niya tungkol sa Kaharian ay naglaan si Jesus ng isang kagilagilalas na pananaw hinggil sa gagawin niya para sa sangkatauhan sa kaniyang Sanlibong-Taong Paghahari.)
2 Cor. 4:13, 16: “Kami man ay nagsisisampalataya . . . Kaya nga hindi kami nanghihimagod, bagama’t ang aming pagkataong labas [ang aming pisikal na katawan] ay humihina, nguni’t ang aming pagkataong loob ay nababago [o nabibigyan ng panibagong lakas] sa araw-araw.” (Maaaring humihina tayo sa pisikal na diwa. Subali’t sa espirituwal na paraan ay nababago tayo samantalang patuloy tayong pinalalakas ng mahahalagang pangako ng Diyos.)
Tingnan din ang Lucas 7:20-23.
Para sa mga inulila ng kanilang mahal sa buhay dahil sa KAMATAYAN—
Isa. 25:8, 9: “Sasakmalin niya ang kamatayan magpakailanman, at papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang luha mula sa lahat ng mga mukha. . . . At tiyak na may magsasabi sa araw na yaon: ‘Narito! Ito ang ating Diyos. Tayo ay umasa sa kaniya, at ililigtas niya tayo. Ito ay si Jehova. Umasa tayo sa kaniya. Mangagalak tayo at mangatuwa sa kaniyang pagliligtas.’ ”
Juan 5:28, 29: “Huwag ninyong ipanggilalas ito, sapagka’t dumarating ang oras na lahat niyaong nasa alaalang libingan ay makaririnig sa kaniyang tinig at magsisilabas, yaong mga nagsigawa ng mabuti ay sa pagkabuhay-muli sa buhay, yaong nagsigawa ng masama ay sa pagkabuhay-muli sa paghatol.”
Juan 11:25, 26: “Sinabi ni Jesus sa kaniya: ‘Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay muling mabubuhay; at bawa’t nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamamatay kailan pa man. Sinasampalatayanan mo ba ito?’ ”
Awit 146:5, 9: “Maligaya ang isa . . . na ang pag-asa ay na kay Jehova na kaniyang Diyos. . . . Inaalalayan niya ang ulila at ang babaing balo.” (Ngayon pa lamang ay may gayong maibiging pagmamalasakit ang Diyos para sa mga namimighati.)
Tingnan din ang Lucas 7:11-16; 8:49-56.
Para sa mga napapaharap sa PAG-UUSIG dahil sa pagganap ng kalooban ng Diyos—
Awit 27:10: “Sakali mang pabayaan ako ng sarili kong ama o ng sarili kong ina, si Jehova mismo ang kukupkop sa akin.”
1 Ped. 4:16: “Nguni’t kung siya’y nagbabata bilang Kristiyano, ay huwag siyang mahihiya, kundi patuloy niyang luwalhatiin ang Diyos sa pangalang ito.”
Kaw. 27:11: “Anak ko, magpakatalino ka, at pasayahin mo ang aking puso, upang masagot ko siya na tumutuya sa akin.” (Sa pamamagitan ng katapatan ay naglalaan tayo ng sagot sa maling mga paratang ni Satanas na di-umano’y walang taong dumadanas ng matinding paghihirap ang maglilingkod pa sa Diyos.)
Mat. 5:10-12: “Maliligaya ang mga pinag-uusig dahil sa katuwiran, sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Maligaya kayo kapag kayo’y inaalimura at pinag-uusig at kapag kayo’y pinagbibintangan ng sarisaring kasamaan dahil sa akin. Magalak kayo at magsilukso sa tuwa, yamang malaki ang gantimpalang naghihintay sa inyo sa langit; sapagka’t sa gayon ding paraan ay kanilang pinag-usig ang mga propeta na nangauna sa inyo.”
Gawa 5:41, 42: “Kaya nga, [ang mga apostol] ay nagsialis sa harap ng Sanedrin, na nagagalak sapagka’t sila’y itinuring na karapatdapat magbata ng kaalimuraan dahil sa kaniyang pangalan. Kaya’t araw-araw sa templo at sa bahay-bahay ay hindi sila naglubay sa pagtuturo at paghahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo, si Jesus.”
Fil. 1:27-29: “Magsigawi lamang kayo sa paraan na karapatdapat sa mabuting balita tungkol sa Kristo . . . at sa anomang paraan ay huwag kayong masindak sa inyong mga kaaway. Ang bagay na ito ay tanda mismo ng kapahamakan para sa kanila, nguni’t ng kaligtasan para sa inyo; at ang katiyakang ito ay mula sa Diyos, sapagka’t ang pribilehiyo ay ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Kristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alang-alang sa kaniya.”
Para sa mga nasisiraan ng loob dahil sa KAWALANG-KATARUNGAN—
Awit 37:10, 11: “Sandali na lamang, at ang masama ay mawawala na, at tiyak na hahanapin mo ang kaniyang dako, subali’t siya’y wala na. Nguni’t ang maaamo ang siya mismong magmamay-ari sa lupa, at tiyak na makakasumpong sila ng katangi-tanging kasiyahan sa kasaganaan ng kapayapaan.”
Isa. 9:6, 7: “Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang sanggol, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang maharlikang pamamahala ay iaatang sa kaniyang balikat. At ang pangalan niya ay tatawaging Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. Ang kasaganaan ng kaniyang maharlikang pamamahala at ang kapayapaan ay hindi magwawakas, sa luklukan ni David at sa kaniyang kaharian upang itatag at upang alalayan ng katarungan at ng katuwiran, mula ngayon hanggang sa magpakailanman. Isasagawa ito ng sariling sikap ni Jehova ng mga hukbo.”
Dan. 2:44: “Sa mga kaarawan ng mga haring yaon ang Diyos sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian mismo ay hindi ipagkakaloob sa ibang bayan. Pagdudurugdurugin at wawakasan nito ang lahat ng mga kahariang ito, at ito lamang ang mananatili magpakailanman.”
Tingnan din ang Isaias 32:1, 2; 2 Pedro 3:13.
Para sa mga ginigipit ng MGA SULIRANING PANGKABUHAYAN—
Isa. 65:21, 22: “At tiyak na sila’y magtatayo ng mga bahay at kanilang tatahanan ang mga ito; at tiyak na sila’y magtatanim ng mga ubasan at magsisikain ng bunga nito. Hindi sila magtatayo at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim at iba ang kakain. . . . Ang aking mga pinili ay lubusang makikinabang sa gawa ng sarili nilang kamay.”
Awit 72:8, 16: “Siya [ang Mesiyanikong Hari] ay magkakaroon ng mga sakop mula sa dagat at dagat at mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ito’y aapaw.”
Mat. 6:33: “Kaya nga, hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at lahat ng iba pang bagay na ito [mga materyal na pangangailangan sa buhay] ay pawang idaragdag sa inyo.”
Roma 8:35, 38, 39: “Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Ang kapighatian ba o ang kahapisan o pag-uusig o gutom o kahubaran o panganib o ang tabak? Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamahalaan, kahit ang mga bagay na nangaririto ngayon, kahit ang mga bagay pang darating, kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin pa mang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Kristo Jesus na ating Panginoon.”
Tingnan din ang Hebreo 13:5, 6.
Para sa mga nasisiraan ng loob dahil sa sarili nilang MGA PAGKUKULANG—
Awit 34:18: “Si Jehova ay malapit sa kanila na may bagbag na puso; at inililigtas niya ang mga lugami.”
Awit 103:13, 14: “Kung paanong ang ama ay may awa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa si Jehova sa mga natatakot sa kaniya. Sapagka’t nalalaman niya ang ating anyo, kaniyang naaalaala na tayo’y alabok.”
Neh. 9:17: “Ikaw ay Diyos na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob.”
2 Ped. 3:9, 15: “Si Jehova ay hindi mapagpaliban tungkol sa kaniyang pangako, gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba, kundi siya ay matiisin sa inyo sapagka’t hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak kundi ang lahat ay magsipagsisi. Kaya, ariin ninyo na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas.”
-
-
Mga PanaginipNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Panaginip
Kahulugan: Mga pag-iisip o mga larawang pangkaisipan ng tao habang natutulog. Ang Bibliya ay bumabanggit ng likas na mga panaginip, mga panaginip mula sa Diyos, at mga panaginip na nagsasangkot ng panghuhula.—Job 20:8; Bil. 12:6; Zac. 10:2.
Ang mga panaginip ba’y may pantanging kahulugan sa ating kapanahunan?
Ano ang natuklasan ng mga mananaliksik tungkol sa mga panaginip?
“Lahat ay nananaginip,” sabi ng The World Book Encyclopedia (1984, Tomo 5, p. 279). “Karamihan ng mga nasa hustong gulang ay nananaginip ng mga 100 minuto sa loob ng walong oras na pagtulog.” Kaya ang mga panaginip ay normal na karanasan ng tao.
Sinabi ni Dr. Allan Hobson, ng Harvard Medical School: “Ang mga ito ay mga pampasigla na walang tiyak na kahulugan at na maaaring ipaliwanag ng isang manggagamot sa alinmang paraan na kinahihiligan niya. Subali’t ang kahulugan nito ay nasa mata ng nakakakita—wala sa mismong panaginip.” Nang iniuulat ito, ganito ang idinagdag ng seksiyong “Science Times” ng The New York Times: “Sa grupo na nag-uukol ng malaking pagpapahalaga sa mga panaginip, may iba’t-ibang paraan ng pagtuklas sa sikolohikal na mensahe ng isang panaginip, at bawa’t isa ay nagpapaaninaw ng magkakaibang teoretikong pangmalas. Ang isang tagasunod ni Freud ay makakasumpong ng isang uri ng kahulugan sa isang panaginip, samantalang iba naman ang matutuklasan ng isang tagasunod ni Jung, at ang isang nagtuturo ayon kay Gestalt ay makakasumpong ng iba pa ring kahulugan. . . . Subali’t tumanggap ng mahigpit na pag-atake mula sa mga neuroscientist ang paniwala na ang mga panaginip ay may tunay ngang sikolohikal na kahulugan.”—Hulyo 10, 1984, p. C12.
-