Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ssb awit 76
  • Si Jehova, Ating Kaibigang Pinakamatalik

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Jehova, Ating Kaibigang Pinakamatalik
  • Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Inaanyayahan Ka ng Diyos na Maging Kaibigan Niya
    Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Pagpapaunlad ng Pinakamainam na Pagkakaibigan sa Buong Sansinukob
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagkakaibigan?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Umawit ng mga Papuri kay Jehova
Ssb awit 76

Awit 76

Si Jehova, Ating Kaibigang Pinakamatalik

(Isaias 41:8)

1. Ang Diyos na Jehova ay Tunay,

Tapat na Kaibigan.

Naglaan ng lupang tahanan,

Buhay, walang hanggan.

Iniwanan man nina Adan

Landas ni Jehova,

Kinakaibigan pa, tayong

Sabik sa Araw niya.

2. Sa buong buhay ni Abraham,

Ang Diyos Kaibigan.

Nagtapat nga siya nang subukin,

Hanggang katapusan.

May tiwala siyang kanyang anak

Buhay ibabalik.

Kung kaya sa Diyos si Abraham

Kaibigang matalik.

3. Ang Anak ng Diyos nang maglaon

Sa lupa’y dumating.

Ang buhay niya ay ibinigay

Nang tayo’y tubusin.

Tinangka man na ilihis siya

Nitong si Satanas,

Nagpatunay si Jesu-Kristo

Tapat hanggang wakas.

4. Walang kaibigang hihigit

Sa Diyos at kay Jesus.

Kanilang pag-ibig ay tunay

Nang tayo’y matubos.

Kaibigan ng sanlibutan,

Sa Diyos ay kaaway.

Kung kaya Diyos ang kaibiganin,

Habang nabubuhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share