Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 9/1 p. 29-31
  • Pahalagahan ang Iyong Banal na Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pahalagahan ang Iyong Banal na Paglilingkod
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nang Unang Matutuhan Natin ang Tungkol sa Diyos
  • Talaga bang Sakripisyo ang mga Iyon?
  • Pag-isipan ang mga Gantimpala
  • Ang Hakbangin ng Pag-aalay
  • Iba Pang Gantimpala sa Tapat na Paglilingkod
  • Tulungan ang Bible Study Mo na Mabautismuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Tulungan ang mga Bible Study na Sumulong at Magpabautismo—Bahagi 2
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Kung Bakit Nagdudulot ng Kaligayahan ang Maka-Diyos na Pamumuhay
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • ‘Iligtas Mo ang Iyong Sarili at Yaong mga Nakikinig sa Iyo’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 9/1 p. 29-31

Pahalagahan ang Iyong Banal na Paglilingkod

UPANG matamo ang anumang mahalagang tunguhin, tayo’y kailangang handang magsakripisyo. Upang maging isang doktor ay kailangan ang mga taon ng pag-aaral at determinasyon, gayundin ng salapi. Ang isang matagumpay na gymnast ay gumugol ng karamihan ng mga taon ng kaniyang kabataan na nagsasanay sa patuloy na nagiging mahirap ng mga rutin sa walang-lubay na pagsisikap na mapahusay iyon. Ang isang dalubhasang piyanista ay maaari ring lumingon sa mga taon ng nakatalagang pagsasanay.

Gayunman, may isang tunguhin na nagdudulot ng kapakinabangan na makapupong higit sa anumang pagsasakripisyo. Ano iyon? Iyon ay ang pribilehiyo ng pagiging isang lingkod ng Kataas-taasan, ang Diyos na Jehova. Anumang mga sakripisyo natin na pinag-uukulan ng panahon, salapi, o lakas, ang pribilehiyo ng banal na paglilingkuran sa ating Maylikha ay nagdadala ng mga gantimpalang walang katulad. Totoo ang mga salita ni apostol Pablo: “Ang maka-Diyos na debosyon ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga bagay, yamang hawak nito ang pangako sa buhay ngayon at yaong darating.” (1 Timoteo 4:8) Tingnan natin kung papaano totoo iyan.

Nang Unang Matutuhan Natin ang Tungkol sa Diyos

Karamihan ng malugod na tumutugon sa mabuting balita at nagsisimulang mag-aral ng Bibliya ay malamang na hindi nakababatid ng lawak ng mga pagbabago na ibubunga niyaon sa kanilang buhay. Una, ang bagong estudyante ng Bibliya ay maaaring mawalan ng ilang kaibigan na hindi makaunawa kung bakit hindi na siya nakikisama sa kanila sa mga gawain na ngayon ay itinuturing niyang nakasisirang-puri sa Diyos. (1 Pedro 4:4) Ang ilan ay maaaring salansangin ng pamilya at maaaring masaktan na makitang ang kanilang mga minamahal ay umaayaw, napopoot pa nga, kay Jehova. (Mateo 10:36) Maaaring iyan ay isang sakripisyo.

Sa trabaho o sa paaralan, kailangan ding magsakripisyo. Ang bagong estudyante ng Bibliya ay sa kalaunan hihinto ng pagdalo sa makasanlibutang mga parti at iba pang pagdiriwang. Hindi na siya makikinig sa maruruming usapan ng kaniyang mga kamanggagawa o mga kamag-aral, ni makikipagpalitan siya ng malalaswang biro sa kanila. Sa halip, sisikapin niyang sundin ang payo sa Efeso 5:3, 4: “Ang pakikiapid at bawat uri ng kawalang-kalinisan o kasakiman ay huwag man lamang mabanggit sa gitna ninyo, gaya ng naaangkop sa mga taong banal; ni kahiya-hiyang paggawi ni mangmang na usapan ni malaswang pagbibiro, mga bagay na hindi angkop, kundi sa halip ay ang pagbibigay ng pasasalamat.”

Maaaring pangyarihin ng gayong mga pagbabago na maging isang tagalabas ang isang estudyante ng Bibliya. Iyan ay mahirap, lalo na para sa isang kabataan na nag-aaral pa. Palibhasa’y napapaharap sa sunud-sunod na kapistahan, gayundin sa mga turong laban sa Diyos, tulad ng ebolusyon, at palaging panggigipit na makiayon sa karamihan, ang kabataang mga Kristiyano ay kailangang patuloy na makipagbaka ukol sa kanilang pananampalataya. Gagawin silang naiiba ng pagsunod sa mga daan ng Diyos at ito’y maaaring magbunga ng panunuya buhat sa mga kamag-aral at mga guro. Ito’y lalo nang mahirap tanggapin sa panahon ng sensitibong pagkatin-edyer, subalit ang pagsang-ayon ng Diyos ay sulit sa sakripisyo na kailangang gawin.

Talaga bang Sakripisyo ang mga Iyon?

Ang ibang bagay na sa simula’y waring mga pagsasakripisyo ay napatutunayang mga pagpapala. Ang ilan ay kinailangang huminto sa paninigarilyo. (2 Corinto 7:1) Ito ay maaaring isang pagpupunyagi, subalit anong laking pagpapala kapag ang nakapandidiring bisyong iyan ay sa wakas napagtagumpayan! Gayundin ang masasabi tungkol sa pagtatagumpay laban sa pagkasugapa sa iba pang droga o sa alkohol. Anong inam ng buhay kung wala ang ganiyang nakapipinsalang mga bisyo! Kailangan namang ituwid ng iba ang kanilang pagsasamang mag-asawa. Yaong mga nagsasama nang di-kasal ay kailangang magpakasal o tuluyang maghiwalay. (Hebreo 13:4) Kailangang piliin niyaong may maraming asawa ang kanilang unang naging asawa upang pakasalan. (Kawikaan 5:18) Ang gayong mga pagbabago ay may kasamang sakripisyo, subalit ang mga ito ay nagdudulot ng kapayapaan sa tahanan.

Pag-isipan ang mga Gantimpala

Tunay, sinumang sumusunod sa mga batas ni Jehova ay talagang nakikinabang. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kaniyang buhay, ang estudyante ng Bibliya ay nagsisimulang tumawag sa kaniyang Maylikha sa pamamagitan ng Kaniyang pangalan, na Jehova. (Awit 83:18) Napapamahal sa estudyante si Jehova habang natututuhan niya ang tungkol sa kagila-gilalas na mga bagay na Kaniyang ginawa at gagawin pa para sa sangkatauhan. Sa mga bansang karaniwan na ang pagkatakot sa mga patay, naaalis ang kaniyang mapamahiing takot, sa pagkaalam na ang mga patay ay nangatutulog, naghihintay ng pagkabuhay-muli. (Eclesiastes 9:5, 10) At anong laking ginhawang mabatid na hindi pinahihirapan ni Jehova ang mga tao magpakailanman sa impiyerno! Oo, talagang pinalalaya siya ng katotohanan.​—Juan 8:32.

Samantalang patuloy na iniaayon ng estudyante ang kaniyang buhay sa mga pamantayan ni Jehova, siya’y nagtatamo ng isang malinis na budhi at paggalang sa sarili. Ang pagkatutong mamuhay bilang isang tunay na Kristiyano ay tumutulong sa kaniya na pangalagaan nang mas mabuti ang kaniyang pamilya, na nagdadala ng malaking kasiyahan at kagalakan. Pagkatapos ay nariyan ang pagdalo sa mga pulong sa Kingdom Hall. Anong nakalulugod na karanasan! Narito ang mga taong talagang nagsasagawa ng mainit na pag-ibig na sinasabi ng Bibliya na dapat pagkakilanlan sa bayan ng Diyos. (Awit 133:1; Juan 13:35) Malinis at nakapagpapatibay ang kanilang pangungusap samantalang sinasalita nila ang “mariringal na bagay ng Diyos.” (Gawa 2:11) Oo, ang pagkikisalamuha sa “buong samahan ng mga kapatid” ay isang pinagmumulan ng kaligayahan. (1 Pedro 2:17) Ang gayong mainam na pagsasama-sama ay tumutulong sa estudyante ng Bibliya na “magbihis ng bagong personalidad na nilalang ayon sa kalooban ng Diyos sa totoong katuwiran at pagkamatapat.”​—Efeso 4:24.

Ang Hakbangin ng Pag-aalay

Samantalang sumusulong ang isa sa kaalaman, sa wakas ay inuudyukan siya ng pag-ibig kay Jehova upang ialay ang kaniyang buhay sa kaniya at sagisagan ang pag-aalay na ito sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. (Mateo 28:19, 20) Ipinayo ni Jesus na bago gawin ang hakbang na iyan, dapat munang tayahin ng kaniyang mga alagad ang magagastos. (Lucas 14:28) Tandaan, inuuna ng isang nag-alay na Kristiyano ang kalooban ni Jehova at tinatalikuran ang mga bagay ng laman. Siya’y puspusang gumagawa upang iwaksi “ang mga gawa ng laman” at linangin “ang bunga ng espiritu.” (Galacia 5:19-24) Ang payo na masusumpungan sa Roma 12:2 ay gumaganap ngayon ng isang lalong malaking papel sa kaniyang buhay: “Huwag na kayong magpahubog ayon sa sistemang ito ng mga bagay, kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo sa inyong mga sarili ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos.” Sa gayon, ang isang nag-alay na Kristiyano ay namumuhay na taglay ang panibagong pagkadama ng layunin.

Subalit, isaalang-alang ang kaniyang tinatanggap. Unang-una, siya ngayon ay may personal na kaugnayan sa Maylikha ng sansinukob. Siya’y inaaring matuwid ayon sa pangmalas na pagiging isang kaibigan ng Diyos! (Santiago 2:23) Palibhasa’y taglay ang mas malalim na kahulugan, siya’y nananawagan sa Diyos bilang “Ama namin na nasa mga langit.” (Mateo 6:9) Isa pang pagpapala para sa isang bagong nag-alay ay ang pagkaalam na ang buhay ay talagang may layunin at na siya ay namumuhay nang ayon sa layuning iyan. (Eclesiastes 12:13) Sa pagsunod sa pangunguna ni Jesus, mapatutunayan niya na sa pamamagitan ng pagiging tapat ang Diyablo ay isang sinungaling. Anong laking kagalakan ang naidudulot nito sa puso ni Jehova!​—Kawikaan 27:11.

Mangyari pa, habang nagtitiis ang isang Kristiyano sa landas ng katapatan, mayroon pang mga pagsasakripisyong kailangang gawin. Nangangailangan ng panahon upang makibahagi sa makabuluhang personal at pangkongregasyong pag-aaral ng Salita ng Diyos. (Awit 1:1-3; Hebreo 10:25) Kailangang bilhin buhat sa ibang gawain ang panahon para sa ministeryo sa larangan. (Efeso 5:16) Ang panahon at pagpapagal ay kailangan din upang makadalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova at makapaglakbay patungo sa kanilang mga asamblea at mga kombensiyon. Maaaring kailangan ang pagsasakripisyo-sa-sarili upang suportahan ang gastusin sa Kingdom Hall at sa pandaigdig na gawaing pangangaral. Gayunman, gaya ng mapatutunayan ng angaw-angaw na mga Kristiyano, ang buong-pusong pakikibahagi sa gayong mga bagay ay nagdudulot ng kaligayahan. Sinabi ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”​—Gawa 20:35.

Makapupong higit ang mga gantimpala sa pagsuporta sa gawain ni Jehova kaysa magagastos. Samantalang tayo’y sumusulong sa pagkamaygulang, nagiging higit na mabunga at nakagagalak ang ating ministeryo. Oo, wala nang makapagdudulot sa atin ng malaking kagalakan kaysa sa pagtuturo sa iba ng katotohanan ng Bibliya at makitang ang isang iyon ay nagsasagawa ng pagsamba kay Jehova. At kung ang bagong mananamba ay isang miyembro ng pamilya, marahil isang bata na sinanay “sa disiplina at pangkaisipang-pagtutuwid ni Jehova,” iyan ay nagdudulot ng isang pantanging kagalakan. (Efeso 6:4) Nakikita natin ang saganang pagpapala ng Diyos sa ating pagsisikap na maging kaniyang “kamanggagawa.”​—1 Corinto 3:9.

Iba Pang Gantimpala sa Tapat na Paglilingkod

Totoo, magkakasuliranin tayo habang umiiral ang sistemang ito ng mga bagay. Malamang, higit na lulubha ang mga suliranin habang umiikli ang panahon ng Diyablo. Maaaring dumanas tayo ng pag-uusig o magtiis ng tukso. Subalit ang pagkaalam na sumasaatin ang Diyos ay umaaliw sa atin at nagbibigay sa atin ng lakas upang magtiis. (1 Corinto 10:13; 2 Timoteo 3:12) Ang ilang kapuwa Kristiyano ay nagtiis ng mga taon ng malupit na pagtrato, subalit sila’y nagtiyaga dahil sa kanilang pag-ibig sa Diyos. Yaong matagumpay na nagtitiis ng sari-saring uri ng pagsubok ay nakadarama ng gaya ng mga apostol nang sila’y gulpihin at pagkatapos ay pinalaya. Ganito ang pagkalahad ng Gawa 5:41: “Ang mga ito, nang magkagayon, ay humayo mula sa harapan ng Sanedrin, na nagsasaya sapagkat ibinilang silang karapat-dapat na walaing-dangal alang-alang sa kaniyang pangalan.”

Kahit ngayon ay makapupong higit ang gantimpala sa pagtitiis kaysa magagastos. Subalit tandaan, ang maka-Diyos na debosyon ay “may pangako” hindi lamang ng “buhay ngayon” kundi gayundin “yaong darating.” (1 Timoteo 4:8) Anong pagkasagana nga ng maaasahan ng isang nagtitiis! Kung ikaw ay tapat, makaliligtas ka sa malaking kapighatian na siyang magwawakas ng sistemang ito ng mga bagay. O kung ikaw man ay mamatay bago sumapit ang makasaysayang pangyayaring iyon, ikaw ay bubuhaying-muli sa bagong sanlibutan na kasunod niyaon. (Daniel 12:1; Juan 11:23-25) Pag-isipan ang madarama mong kasayahan sa panahong iyon na iyong masasabi: “Sa tulong ni Jehova, nagawa ko iyon!” Anong saya na magmana ng isang bahagi sa lupang iyon, na “tunay na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa mismong dagat.”​—Isaias 11:9.

Oo, may magagastos sa paglilingkod sa Diyos. Subalit kung ihahambing sa mga gantimpala, maliit lamang ang halaga. (Filipos 3:7, 8) Dahilan sa lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon para sa kaniyang mga lingkod at gagawin pa sa hinaharap, ating inuulit ang mga salita ng salmista: “Ano ang aking ibabayad kay Jehova para sa lahat ng kaniyang pagpapala sa akin?”​—Awit 116:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share