Magtamasa ng Mabubuting Karanasan!
Kayo ba’y nasisiyahan sa pagkakaroon ng mabubuting karanasan? Kadalasan ang mga ito’y hindi basta nagkataon lamang. Karamihan ay bunga ng puspusang pagsisikap. Ang mga ito ay hindi limitado lamang sa mas matatas o higit na may kakayahang mga mamamahayag.
Narito ang ilan sa mga bagay na napansin sa mga nagtamo ng pinakamalaking tagumpay: (1) Sila’y kadalasang nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan ng ilang ulit bawat linggo, na nagbibigay sa kanila ng maraming pagkakataon upang masumpungan ang mga taong interesado; (2) pinananatili nila ang positibong saloobin sa mga maybahay, na hindi iniisip nang patiuna na sila’y hindi tutugon; (3) sila’y may ugaling palakaibigan, na nagpapakita ng tunay na interes sa mga nakikinig; (4) sila’y matiyaga sa pagdalaw-muli at gayundin sa mga wala-sa-tahanan; at (5) sila’y nagtataglay ng tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.
Pagkatapos na suriin ang inyong gawain, marahil ay makikita ninyo kung papaano ninyo maaaring tamasahin ang higit pang mabubuting karanasan na magpapangyari sa inyong ministeryo na maging kasiya-siya.