Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paraiso
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Kailan ang ‘pagdating ni Jesus sa kaniyang kaharian’ upang tuparin ang layunin ng kaniyang Ama na gawing paraiso ang lupa? Ang aklat ng Apocalipsis, na isinulat mga 63 taon pagkatapos sabihin ang mga pangungusap sa Lucas 23:42, 43, ay nagpapahiwatig na ang mga pangyayaring ito ay nasa hinaharap pa. (Tingnan ang mga pahina 340-343, sa ilalim ng “Mga Petsa,” gayon din ang paksang “Mga Huling Araw.”)

  • Mga Petsa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Petsa

      Kahulugan: Ang mga petsa ay nagtatakda ng panahon kung kailan nagaganap ang mga pangyayari. Binabanggit ng Bibliya ang mga petsa kaugnay ng yugto ng buhay ng mga tao, yugto ng panahon na ipinaghari ng ilang tagapamahala, o iba pang kapansinpansing pangyayari. Naglalaman ito ng tanging kompletong kronolohiya na umaabot pabalik sa panahon ng paglalang kay Adan. Tiniyak din nang patiuna ng kronolohiya ng Bibliya kung kailan magaganap ang ilang mahalagang pangyayari bilang katuparan ng layunin ng Diyos. Ang kalendaryong Gregorian, na ngayo’y siyang kinikilala sa kalakhang bahagi ng daigdig, ay noon lamang 1582 pinasimulang gamitin. Sa sekular na mga reperensiya ang mga petsang ibinibigay ukol sa mga pangyayaring naganap sa sinaunang kasaysayan ay hindi magkakatugma. Gayumpaman, ang ilang partikular na petsa ay natitiyak nang husto, gaya ng 539 B.C.E., nang bumagsak ang Babilonya, at kung magkagayo’y ang 537 B.C.E., nang magbalik ang mga Judio mula sa pagkaalipin. (Ezra 1:1-3) Sa pamamagitan ng paggamit sa mga petsang ito bilang panimula, posibleng sabihin ang mga petsa ukol sa sinaunang mga pangyayari sa Bibliya sa tulong ng kasalukuyang mga kalendaryo.

      Napatunayan ba ng mga siyentista na ang tao ay naririto na sa lupa sa loob ng angaw-angaw na taon, hindi libu-libong taon lamang gaya ng ipinakikita ng Bibliya?

      Ang mga paraan ng siyentista sa pagtiyak ng petsa ay salig sa mga palapalagay na, bagama’t maaaring makatulong, ay madalas na umaakay sa lubhang pagkakasalungatan. Kaya, ang mga petsang ibinibigay nila ay madalas na binabago.

      Ganito ang sinasabi ng isang ulat sa New Scientist ng Marso 18, 1982: “ ‘Ako’y nagtataka kung bakit nasabi ko ang aking sinabi mga isang taon pa lamang ang nakakaraan.’ Ganito ang sinabi ni Richard Leakey, sa harap ng mariringal na panauhin sa isang panggabing pahayag sa Royal Institution noong nakaraang Biyernes. Dumalo siya upang isiwalat na ang kasalukuyang karunungan, na hindi pa natatagala’y iniharap niya sa serye ng telebisyon sa BBC na pinamagatang The Making of Mankind, ay ‘malamang na mali sa maraming mahahalagang bahagi nito.’ Pangunahin na, kaniyang nakikita ngayon na ang pinakamatandang ninuno ng tao ay mas nakababata kaysa sa 15-20 milyong taon na kaniyang tahasang ipinahayag sa telebisyon.”​—P. 695.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share