Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pangungumpisal
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • 1 Cor. 5:11-13: “Huwag kayong makisama sa kaninomang tinatawag na kapatid kung siya’y mapakiapid o masakim o mananamba sa diyus-diyosan o mapagtungayaw o manlalasing o manghuhuthot, na huwag man lamang kayong makisalo sa gayong tao. . . . ‘Alisin nga ninyo ang masamang tao sa gitna ninyo.’ ”

  • Paraiso
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Paraiso

      Kahulugan: Sa bersiyong Griyegong Septuagint ng Bibliya ay wastong ginamit ng mga tagapagsalin ang terminong “paraiso” (pa·raʹdei·sos) may kaugnayan sa halamanan ng Eden, sapagka’t maliwanag na ito’y isang parke na may hangganan. Pagkatapos ng salaysay sa Genesis, ang mga teksto sa Bibliya na bumabanggit ng paraiso ay tumutukoy (1) sa halamanan ng Eden mismo, o (2) sa lupa bilang kabuuan kapag ito’y binago sa hinaharap upang maging tulad ng sa Eden, o (3) sa mabungang espirituwal na mga kalagayan sa gitna ng mga lingkod ng Diyos sa lupa, o (4) sa mga paglalaan sa langit na nakapagpapagunita sa Eden.

      Ang “Bagong Tipan” ba ay tumutukoy sa isang makalupang paraiso sa hinaharap o yaon ba’y nasa “Matandang Tipan” lamang?

      Ang paghahati ng Bibliya sa dalawang bahagi, na binibigyang-halaga ang sinasabi nito kung baga ito’y kabilang sa “Matandang” bahagi o sa “Bago” ay hindi maka-Kasulatan. Sa 2 Timoteo 3:16 ay sinasabihan tayo: “Lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid.” Ang Roma 15:4 ay tumutukoy sa kinasihang mga Kasulatang isinulat bago ang panahong Kristiyano nang sabihin nito: “Lahat ng mga bagay na isinulat nang una ang nangasulat dahil sa ikatututo natin.” Kaya, dapat isaalang-alang ang buong Bibliya kapag sinasagot ang katanungang ito.

      Sinasabi ng Genesis 2:8: “Ang Diyos na Jehova ay naglagay ng isang halamanan [“parke,” Mo; “paraiso,” Dy; pa·raʹdei·son, LXX] sa Eden, sa dakong silanganan, at doon niya inilagay ang taong [si Adan] kaniyang nilalang.” Doon ay sagana ang pagkasari-sari at kaakit-akit ang buhay-halaman at buhay-hayop. Binasbasan ni Jehova ang unang mag-asawa at sinabi sa kanila: “Kayo’y magpalaanakin at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at inyong supilin, at magkaroon kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid at sa bawa’t hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.” (Gen. 1:28) Ang orihinal na layunin ng Diyos na ang buong lupa’y maging isang paraisong tatahanan ng mga masunurin sa kaniyang mga kautusan ay hindi mabibigo. (Isa. 45:18; 55:10, 11) Kaya sinabi ni Jesus: “Maliligaya ang maamo, sapagka’t mamanahin nila ang lupa.” Iyan din ang dahilan kung bakit tinuruan niya ang kaniyang mga alagad na manalangin: “Ama namin na nasa mga langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, ay gayon din naman sa lupa.” (Mat. 5:5; 6:9, 10) Kaayon nito, ipinaliliwanag ng Efeso 1:9-11 ang layunin ng Diyos na “tipuning muli ang lahat ng mga bagay kay Kristo, ang mga bagay sa langit at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.” Binabanggit ng Hebreo 2:5 ang “tinatahanang lupa na darating.” Ang Apocalipsis 5:10 ay bumabanggit ng mga “mangagpupuno bilang mga hari sa ibabaw ng lupa” bilang kasamang tagapagmana ni Kristo. Ang Apocalipsis 21:1-5 at 22:1, 2 ay nagbibigay rin ng kaakit-akit na paglalarawan ng mga kalagayang iiral sa “bagong lupa” na magiging kahawig ng orihinal na Paraiso sa Eden taglay ang punong-kahoy ng buhay.​—Gen. 2:9.

      Bukod dito, ginamit ni Jesus ang Griyegong pangungusap na pa·raʹdei·sos upang tumukoy sa panghinaharap na makalupang Paraiso. “Sinabi niya sa kaniya [isang manlalabag-batas na nakabayubay katabi ni Jesus na nagpakita ng pananampalataya sa darating na kaharian ni Jesus]: ‘Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Kakasamahin kita sa Paraiso.’ ”​—Luc. 23:43.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share