-
PurgatoryoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
sa lahat ng kasamaan [“lahat ng ating pagkakamali ay lilinisin,” Kx].”
Apoc. 1:5, JB: “Si Jesu-Kristo . . . ay umiibig sa atin at hinugasan ang ating mga kasalanan ng kaniyang dugo.”
-
-
RaptureNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Rapture
Kahulugan: Ang paniniwala na ang katawan ng tapat na mga Kristiyano ay aagawin mula sa lupa, na dagling kukunin mula sa sanlibutan, upang makaisa ang Panginoon “sa hangin.” Ang unawa ng iba, bagama’t hindi ng lahat, ay na ang salitang “rapture” ang siyang kahulugan ng 1 Tesalonika 4:17. Ang salitang “rapture” ay hindi binabanggit sa kinasihang mga Kasulatan.
Nang sabihin ni apostol Pablo na ang mga Kristiyano ay “aagawin” upang makasama ang Panginoon, anong paksa ang pinag-uusapan?
1 Tes. 4:13-18, RS: “Hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog [“yaong mga natutulog sa kamatayan,” NE; “yaong mga nangamatay,” TEV, JB], upang kayo’y huwag mangalumbay na gaya ng mga iba na walang pag-asa. Sapagka’t yamang sumasampalataya tayo na si Jesus ay namatay at nabuhay muli, ay gayon din naman, sa pamamagitan ni Jesus, ang nangatutulog ay dadalhin ng Diyos na kasama niya. Sapagka’t ito ang sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mangauuna sa nangatutulog. Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, na may tinig ng arkanghel, at may tunog ng pakakak ng Diyos. At ang nangamatay kay Kristo ang unang mangabubuhay; kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap upang salubungin ang Panginoon sa hangin; at sa ganito’y lagi nating makakasama ang Panginoon. Kaya’t mangag-aliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.” (Maliwanag na may ilan sa mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano sa Tesalonika na namatay na. Pinasigla ni Pablo ang mga nabubuhay pa na aliwin ang isa’t isa ng pag-asa sa pagkabuhay-muli. Kaniyang ipinaalaala sa kanila na si Jesus ay binuhay-muli mula sa mga patay; gayon din naman, sa pagparito ng Panginoon, ang tapat na mga Kristiyano sa gitna nila na namatay na ay bubuhaying-muli upang makasama ni Kristo.)
-