Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/95 p. 8
  • Bumalik Doon sa mga Nagpakita ng Interes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bumalik Doon sa mga Nagpakita ng Interes
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 12/95 p. 8

Bumalik Doon sa mga Nagpakita ng Interes

1 Tunguhin natin na kapag ang mga tao ay nagpakita ng interes ay tulungan silang matuto pa ng higit tungkol kay Jehova at sa kaniyang Anak. Bagaman malaki ang kanilang natututuhan sa mismong pagbabasa, sila’y nangangailangan pa rin ng ating tulong upang tamuhin ang tumpak na kaalaman. Kaya, kailangang tayo’y gumawa ng mga pagdalaw-muli sa kanila.

2 Kung inyong tinalakay ang petsa ng kapanganakan ni Jesus sa inyong unang pagdalaw, maaari ninyong pasimulan ang inyong pagdalaw-muli sa pagsasabing:

◼ “Nang ako’y naririto noong nakaraan, ating tiningnan ang ilustrasyong ito ni Jesus nang siya’y ipinanganak, dito sa kabanata 5 ng aklat. Napansin ba ninyo na karaniwang iniisip ng mga tao na si Jesus ay alinman sa isang sanggol o isang lalaking naghihingalo sa tulos? Ano sa palagay ninyo ang kalagayan ngayon ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Dito sa kabanata 133 sa unang parapo ay inilalarawan si Jesus bilang isang Mandirigmang-Hari na nakaupo sa trono ng Diyos. [Basahin ang Apocalipsis 11:15.] Malapit nang alisin niya sa lupa ang kabalakyutan at itatag ang mga kalagayan na ipinakikita sa ilustrasyon sa pahina 2 ng kabanatang ito. Upang tamuhin ang walang hanggang buhay, kailangan natin ang tumpak na kaalaman hinggil kay Jesus at sa kaniyang Ama. [Basahin ang Juan 17:3.] Marahil ay mapag-uusapan nating magkasama ang higit pa dito sa aklat sa susunod na pagdalaw ko.”

3 Kung kayo’y bumalik upang ipagpatuloy ang inyong pag-uusap hinggil sa mga huling araw, maaari ninyong sabihin:

◼ “Noong nakaraang pagparito ko, napag-usapan natin ang hinggil sa [anumang pangyayari iyon]. Ang katanungang bumabangon ay kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito ngayon. Natatandaan ba ninyo kung ano ang sinabi ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Oo, ang mga bagay na ito ay patotoo na tayo ay nabubuhay sa mga huling araw. Higit pang patotoo ang ibinibigay dito sa 2 Timoteo 3:1-5. [Basahin at talakayin ang iba’t ibang punto.] Kung nais ninyo, maaari nating repasuhing magkasama ang karagdagan pang punto dito sa kabanata 111 ng aklat na iniwan ko sa inyo.” [Basahin at talakayin ang ilang parapo, at pagkatapos ay isaayos na bumalik sa susunod na linggo ukol sa karagdagan pang pagtalakay.]

4 Kung kayo’y bumabalik upang dalawin ang isang magulang na nababahala sa mga suliraning pampamilya, maaari ninyong sabihin ito:

◼ “Alam ko na kayo, bilang isang magulang, ay nagnanais ng pinakamabuti para sa inyong mga anak. Yamang imposible na ipagsanggalang sila sa lahat ng masama, naituro na ba ninyo sa kanila kung papaano haharapin ang mga suliranin sa buhay? Papaano sa palagay ninyo magagawa ito? [Hayaang sumagot.] Ang isa sa pinakamahalagang bagay na magagawa ng magulang ay ang gumugol ng panahon kasama ang kanilang mga anak. Ginawa ito ni Jesus, gaya ng nakaulat sa Lucas 18:15-17. [Basahin.] Nasumpungan ng maraming magulang na ang paggugol ng ilang minuto bawat araw upang basahin sa kanilang mga anak ang isang kabanata mula sa aklat na ito, Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, ay lubos na kapaki-pakinabang sa pagbibigay ng maagang pagsasanay sa mga kabataan. Kung nais ninyo, magagalak akong tumulong sa inyo na gawin ito.”

5 Pagpalain nawa ni Jehova ang inyong mga pagsisikap na magbigay ng kaalaman hinggil kay Jehova at sa kaniyang Anak sa pamamagitan ng mabisang mga pagdalaw-muli sa Disyembre.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share