Tanong
◼ Ano ang dapat nating ingatan sa isipan kapag sumusulat sa mga maybahay na hindi natin nasumpungan sa tahanan?
Sa ilang lugar, nagiging higit na mahirap maabutan ang mga tao kapag dumadalaw tayo sa kanilang tahanan. Nasumpungan ng ilang mamamahayag na ang pagsulat ay isang praktikal na paraan upang maabot sila. Bagaman maaaring magdulot ito ng mabubuting resulta, may pangangailangan na isaalang-alang ang ilang paalaala upang maiwasan ang di kinakailangang mga suliranin:
Huwag gamitin ang direksiyon ng Samahan. May kamaliang ipahihiwatig nito na ang sulat ay nanggaling sa aming opisina, na lumilikha ng di kinakailangang mga suliranin at kung minsan ay karagdagang gastos.
Tiyaking mayroon kayong tamang direksiyon at sapat na selyo.
Huwag ninyong isusulat ang “Naninirahan”; gumamit ng tiyak na pangalan.
Ang maiikling sulat ang pinakamabuti. Ilakip ang isang tract o isang magasin sa halip na sikaping sumulat ng mahabang mensahe.
Ang minakinilyang mga sulat ay mas madaling basahin at lumilikha ng mas mabuting impresyon.
Ang mga sulat ay hindi ibinibilang na mga pagdalaw-muli malibang dati na kayong nakapagpatotoo nang personal sa indibiduwal.
Kung kayo ay sumusulat sa isang tao na dati nang nagpakita ng interes, dapat kayong magbigay ng direksiyon o numero ng telepono upang kayo ay matawagan. Ipaliwanag ang ating programa sa pag-aaral sa Bibliya.
Mag-anyaya para sa mga pulong ng lokal na kongregasyon. Ibigay ang direksiyon at mga panahon ng pulong.