Awit 85
Si Jehova ang Ating Kanlungan
1. Jehova, siyang kanlungan,
Tinitiwalaan.
Ang lilim niya’y kublihan;
Dapat panirahan.
Ikaw ay sasaklolohan
Sa salot at sa bitag man.
Si Jehova’y tanggulan,
Sa matwid ay ’sang kanlungan.
2. Libo man sa harap mo
Ang nagsisibagsak,
Sampung libo sa kanan,
Di mapapahamak.
Sa takot di manginginig,
Pinsala’y di mananaig.
Iyo lamang makikita,
Nakubli sa kanyang pakpak.
3. Hindi ka sasalutin
Ng kapahamakan.
Pagka’t mga anghel niya
Laa’y kaligtasan.
Ang leon di katatakutan;
Ang ulupong tatapakan.
Walang katitisuran,
Maglingkod sa katapatan.
4. Si Jah ay papurihan;
’Hayag ang katwiran.
Sa kanyang kagalingan,
Tayo’y manularan.
Kung b’ong puso ang pagsamba;
Pagliligtas makikita.
Jehova, ang kanlungan;
Moog ang kanyang pangalan.