Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bautismo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Hindi katulad ng bautismo sa banal na espiritu, na nauukol sa mga alagad

      Gawa 1:5: “Sapagka’t tunay ngang si Juan ay nagbautismo sa tubig, datapuwa’t kayo [ang tapat na mga apostol ni Jesus] ay babautismuhan sa banal na espiritu hindi na matatagalan pa.”

      Gawa 2:2-4: “Biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. At mga dilang kawangis ng apoy ang napakita sa kanila at ipinamahagi sa lahat, at dumapo [subali’t hindi bumalot o tumaklob] sa bawa’t isa sa kanila, at silang lahat ay nangapuspos ng banal na espiritu at nangagpasimulang magsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng espiritu na kanilang salitain.”

  • Bibliya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Bibliya

      Kahulugan: Ang nasusulat na Salita ng Diyos na Jehova para sa sangkatauhan. Gumamit siya ng mga 40 kalihim na tao sa loob ng 16 siglo upang isulat ito, subali’t ang Diyos mismo ay masugid na pumatnubay sa pamamagitan ng kaniyang espiritu. Kaya ito’y kinasihan ng Diyos. Ang isang malaking bahagi ng ulat ay binubuo ng aktuwal na mga kapahayagan ni Jehova at mga detalye tungkol sa mga turo at gawain ni Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Dito ay makakasumpong tayo ng mga pangungusap tungkol sa mga kahilingan ng Diyos para sa kaniyang mga lingkod at kung ano ang gagawin niya upang tuparin ang kaniyang dakilang layunin ukol sa lupa. Upang higit pang tumibay ang pagpapahalaga natin dito, iningatan din ni Jehova sa Bibliya ang isang ulat na nagtatanghal sa kung ano ang mangyayari kapag ang mga indibiduwal at mga bansa ay nakinig sa Diyos at gumawang kasuwato ng kaniyang layunin, pati na ang magiging bunga kapag sila ay nagsarili ng landas. Sa pamamagitan ng mapagkakatiwalaang ulat nito sa kasaysayan ipinababatid sa atin ni Jehova ang mga pakikitungo niya sa sangkatauhan at pati na rin ang sarili niyang kamanghamanghang personalidad.

      Mga dahilan upang isaalang-alang ang Bibliya

      Ang Bibliya mismo ay nagsasabing ito’y mula sa Diyos, ang Maylikha ng sangkatauhan

      2 Tim. 3:16, 17: “Lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay magkaroon ng ganap na kakayahan, lubusang nasasangkapan sa lahat ng gawang mabuti.”

      Apoc. 1:1: “Ang kapahayagan ni Jesu-Kristo, na ibinigay ng Diyos sa kaniya, upang ipakita sa kaniyang mga alagad ang mga bagay na dapat maganap agad.”

      2 Sam. 23:1, 2: “Ang pananalita ni David na anak ni Isai . . . Ang espiritu ni Jehova ay nagsalita sa pamamagitan ko, at ang kaniyang salita ay suma-aking dila.”

      Isa. 22:15: “Ganito ang sinabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.”

      Dapat nating asahan na ang mensahe ng Diyos para sa buong sangkatauhan ay makakamit sa buong lupa. Ang Bibliya, sa kabuuan o sa iba’t-ibang bahagi, ay naisalin sa mga 1,800 wika. Ang sirkulasyon nito ay umaabot sa bilyun-bilyon. Sinasabi ng The World Book Encyclopedia: “Ang Bibliya ay siyang pinakamalaganap na binabasang aklat sa buong kasaysayan. Marahil ito ang pinakamaimpluwensiya. Higit pang mga kopya ng Bibliya ang naipamahagi kaysa alinmang aklat. Ito rin naman ay naisalin nang mas maraming beses sa mas maraming wika kaysa alin pa mang ibang aklat.”​—(1984), Tomo 2, p. 219.

      Ipinaliliwanag ng hula ng Bibliya ang kahulugan ng mga kalagayan sa daigdig

      Inaamin ng maraming pinuno sa daigdig na ang sangkatauhan ay nasa bingit ng kapahamakan. Inihula na ng Bibliya ang mga kalagayang ito noon pa mang una; ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng mga ito at kung ano ang kalalabasan. (2 Tim. 3:1-5; Luc. 21:25-31) Sinasabi nito kung ano ang dapat nating gawin upang makaligtas sa napipintong kapahamakan ng daigdig, taglay ang pagkakataon na magkamit ng walang-hanggang buhay sa ilalim ng matuwid na mga kalagayan sa lupa.​—Zef. 2:3; Juan 17:3; Awit 37:10, 11, 29.

      Pinangyayari ng Bibliya na ating maunawaan ang layunin ng buhay

      Sinasagot nito ang mga tanong na gaya ng: Saan nagmula ang buhay? (Gawa 17:24-26) Bakit tayo narito? Upang mabuhay lamang ba ng mga ilang taon, kamtin kung ano ang iniaalok ng buhay, at pagkatapos ay mamatay?​—Gen. 1:27, 28; Roma 5:12; Juan 17:3; Awit 37:11; Awit 40:8.

      Ipinakikita ng Bibliya kung papaano natin makakamit ang mga bagay na pinakamimithi ng mga umiibig sa katuwiran

      Sinasabi nito kung saan tayo makakasumpong ng mabubuting kasama na talagang umiibig sa isa’t-isa (Juan 13:35), kung paano matitiyak ang pagkakamit ng sapat na pagkain para sa atin at sa ating mga pamilya (Mat. 6:31-33; Kaw. 19:15; Efe. 4:28), kung papaano tayo liligaya sa kabila ng gipit na mga kalagayang nakapaligid sa atin.​—Awit 1:1, 2; 34:8; Luc. 11:28; Gawa 20:35.

      Ipinaliliwanag nito kung papaanong ang Kaharian ng Diyos, ang kaniyang pamahalaan, ang siyang mag-aalis sa kasalukuyang balakyot na pamamalakad (Dan. 2:44), at na sa ilalim ng pagpupuno nito ang sangkatauhan ay makapagtatamasa ng sakdal na kalusugan at walang-hanggang buhay.​—Apoc. 21:3, 4; ihambing ang Isaias 33:24.

      Tiyak na karapatdapat isaalang-alang ang isang aklat na nag-aangking nagmula sa Diyos, na nagpapaliwanag kapuwa sa kahulugan ng mga kalagayan sa daigdig at sa layunin ng buhay, at na nagpapakita kung papaano malulutas ang ating mga suliranin.

      Mga katibayan ng pagiging-kinasihan

      Ito’y puno ng mga hula na nagpapaaninaw ng detalyadong kaalaman hinggil sa hinaharap​—bagay na hindi magagawa ng tao

      2 Ped. 1:20, 21: “Alin mang hula ng Kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman, kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos samantalang nangauudyukan ng banal na espiritu.”

      ◼ Hula: Isa. 44:24, 27, 28; 45:1-4: “Si Jehova . . . ang nagsasabi sa kalaliman ng dagat, ‘Ikaw ay matuyo; at aking tutuyuin ang lahat ng iyong mga ilog’; na nagsasabi tungkol kay Ciro, ‘Siya’y aking pastol, at ang kagalakan ko ay kaniyang gagawin’; maging ang aking sinabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya’y matatayo,’ at sa templo, ‘Ang iyong patibayan ay malalagay.’ Ganito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinahiran, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya, upang kalagan ko ang balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa harapan niya, anupa’t ang mga tarangkahan ay hindi masasarhan: ‘Ako’y magpapauna sa iyo, at papatagin ko ang mga bakubakong dako. Pagdudurugdurugin ko ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal. . . . Alang-alang kay Jacob na aking lingkod at sa Israel na aking pinili, ay tinawag kita sa iyong pangalan.’ ” (Ang pagsulat ni Isaias ay natapos humigit-kumulang noong 732 B.C.E.)

      ◻ Katuparan: Hindi pa naisilang si Ciro nang isulat ang hula.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share