Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 59—Santiago
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • siya: “Mangagtiis kayo; pagtibayin ang inyong puso, pagkat malapit na ang pagkanaririto ng Panginoon.” Maligaya ang nagtitiis ng pagsubok pagkat ang pagsang-ayon ng Diyos ay isang “putong ng buhay, na ipinangako ni Jehova sa mga umiibig sa kaniya.” (5:8; 1:12) Kaya ang pangako ng Diyos na putong ng buhay​—walang-kamatayang buhay sa langit o walang-hanggang buhay sa lupa​—ay matibay na dahilan upang magtiis sa mga gawa ng pananampalataya. Tiyak na ang kamangha-manghang liham na ito ay magpapasigla sa lahat na abutin ang tunguhin ng walang-hanggang buhay sa langit o sa bagong sanlibutan ni Jehova na pamumunuan ng Binhi ng Kaharian, ang ating Panginoong Jesu-Kristo.​—2:5.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 60—1 Pedro
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 60​—1 Pedro

      Manunulat: Si Pedro

      Saan Isinulat: Sa Babilonya

      Natapos Isulat: c. 62–​64 C.E.

      1. Bakit kailangang dumanas ng pagsubok ang mga Kristiyano, at bakit napapanahon ang unang liham ni Pedro?

      HABANG ipinangangaral ng mga unang Kristiyano ang mga kadakilaan ng Diyos, ang gawain ng Kaharian ay sumagana at lumago sa buong Imperyo ng Roma. Gayunman, bumangon ang mga maling-akala tungkol sa masigasig na grupong ito. Ang isa ay ang relihiyon nila ay mula sa Jerusalem at mula sa mga Judio, at iniugnay sila sa panatiko-sa-politikang mga Judio na nayayamot sa pamatok ng Roma at parati na lamang sakit-ng-ulo ng lokal na mga pinunò. Isa pa, naiiba ang mga Kristiyano pagkat ayaw nilang maghain sa emperador o makilahok sa paganong relihiyosong mga seremonya. Tinuligsa sila at dumanas ng maraming pagsubok sa pananampalataya. Tamang-tama sa panahon, at may patiunang pananaw na tanda ng banal na pagkasi, isinulat ni Pedro ang una niyang liham upang pasiglahin ang mga Kristiyano na maging matatag at upang payuhan sila kung papaano gagawi sa ilalim ni Nero, ang Cesar nang panahong yaon. Napapanahon ang liham dahil sa pag-uusig na sumiklab halos karaka-rakang maisulat ito.

      2. Ano ang patotoo na si Pedro ang sumulat ng liham na may pangalan niya, at kanino ipinatutungkol ang liham?

      2 Ang pagkasulat ni Pedro ay pinatutunayan ng pambungad. Isa pa, sina Irenaeus, Clement ng Aleksandriya, Origen, at Tertullian ay pawang sumipi sa liham, na nginanganlan si Pedro bilang manunulat.a Ang pagiging-tunay ng Unang Pedro ay may sapat na patotoo na gaya rin ng ibang kinasihang liham. Ayon kay Eusebius, malayang sinipi ito ng matatanda sa iglesiya; natiyak ang pagiging-tunay nito nang panahon niya (c. 260-342 C.E.). Noong pasimula ng ikalawang siglo, sina Ignatius, Hermas, at Bernabe ay pawang tumukoy rito.b Ang Unang Pedro ay kasuwato ng buong kinasihang Kasulatan at ito’y may mariing mensahe para sa mga Judio at di-Judiong Kristiyano na “pansamantalang nakikipamayan sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asya, at Bitinia”​—mga rehiyon ng Asya Minor.​—1 Ped. 1:1.

      3. Ano ang ebidensiya hinggil sa panahon ng pagkasulat ng Unang Pedro?

      3 Kailan isinulat ang liham? Sa himig nito ay dumaranas ng pag-uusig ang mga Kristiyano, mula sa mga pagano at sa mga Judio, ngunit hindi pa nagsimula ang kampanya ng pag-uusig ni Nero na inilunsad noong 64 C.E. Maliwanag na isinulat ni Pedro ang liham bago nito, malamang na sa pagitan ng 62 at 64 C.E. Pinagtitibay ito ng pagiging magkasama nina Pedro at Marcos. Nang unang mabilanggo si Pablo sa Roma (c. 59-61 C.E.), si Marcos ay kasama ni Pablo ngunit papunta na ito sa Asya Minor; at noong ikalawang pagkabilanggo ni Pablo (c. 65 C.E.), magkakasama uli sila ni Marcos sa Roma. (1 Ped. 5:13; Col. 4:10; 2 Tim. 4:11) Sa pagitan nito ay may pagkakataon siyang makasama ni Pedro sa Babilonya.

      4, 5. (a) Ano ang nagpapabulaan sa pag-aangkin na sa Roma isinulat ni Pedro ang kaniyang unang liham? (b) Ano ang nagpapahiwatig na sumulat siya mula sa literal na Babilonya?

      4 Saan isinulat ang Unang Pedro? Bagaman nagkakaisa ang mga komentarista ng Bibliya sa pagiging-tunay, pagiging-kanonikal, pagkasulat, at tinatayang petsa ng pagsulat, nagkakaiba sila ng palagay sa dako ng pagsulat. Ayon mismo kay Pedro, isinulat niya ito mula sa Babilonya. (1 Ped. 5:13) Ngunit inaangkin ng iba na sumulat siya mula sa Roma, ang “Babilonya” di-umano ay isang lihim na katawagan sa Roma. Walang ebidensiya ang paniwalang ito. Saanman sa Bibliya’y hindi sinasabi na ang Babilonya ay tumutukoy sa Roma. Yamang ipinadala ni Pedro ang liham sa mga nasa literal na Ponto, Galacia, Capadocia, Asya, at Bitinia, lohikal lamang na literal ang pagtukoy niya sa Babilonya. (1:1) May dahilan si Pedro na mapunta sa Babilonya. Ipinagkatiwala sa kaniya ‘ang mabuting balita para sa mga nasa pagtutuli,’ at maraming Judio noon sa Babilonya. (Gal. 2:8, 9) Bilang pagtalakay sa paglalathala ng Talmud ng Babilonya, ang Encyclopaedia Judaica ay tumutukoy sa “dakilang mga akademya [ng Judaismo] sa Babilonya” sa Pangkalahatang Panahon.c

      5 Ang kinasihang Kasulatan, maging ang dalawang liham ni Pedro, ay hindi bumabanggit na siya’y nagpunta sa Roma. Sinabi ni Pablo na siya’y nasa Roma ngunit hindi sinasabi na nagpunta roon si Pedro. Bagaman bumanggit si Pablo ng 35 pangalan sa liham sa mga taga-Roma at bumabati sa pangalan sa 26, bakit hindi kasali si Pedro? Kasi wala siya roon! (Roma 16:3-15) Kaya ang “Babilonya” na doo’y isinulat ni Pedro ang una niyang liham ay ang literal na Babilonya na nasa pampang ng Ilog Eufrates sa Mesopotamia.

      NILALAMAN NG UNANG PEDRO

      6. Anong pag-asa ang isinusulat ni Pedro, at salig sa ano naging posible ang “bagong pagsilang” sa pag-asang ito?

      6 Bagong pagsilang sa isang buháy na pag-asa kay Kristo (1:1-25). Sa pasimula pa ay umaakay-pansin na si Pedro sa “bagong pagsilang sa isang buháy na pag-asa” at sa walang-kupas na manang naghihintay sa langit. Naaayon ito sa awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagkabuhay-na-muli ni Jesu-Kristo. Kaya nagagalak “ang mga hinirang,” bagaman pinighati ng sari-saring pagsubok, upang ang subók na uri ng pananampalataya ay “maging sanhi ng kapurihan at kaluwalhatian at karangalan sa pagkahayag ni Jesu-Kristo.” Interesado ang sinaunang mga propeta at ang mga anghel sa kaligtasang ito. Kaya, dapat bigkisan ng mga hinirang ang kanilang pag-iisip ukol sa gawain at ilagak ang pag-asa sa ganitong di-sana-nararapat na kabaitan, at magpakabanal sa paggawi. Hindi ba marapat lamang ito yamang sila’y iniligtas, hindi ng mga bagay na nasisira, kundi “ng mahalagang dugo, gaya ng korderong walang kapintasan at walang dungis, samakatuwid ay ang kay Kristo”? Ang “bagong pagsilang” ay sa pamamagitan ng salita ng nabubuhay at namamalaging Diyos, si Jehova, na ipinangaral bilang mabuting balita.​—1:1, 3, 7, 19, 23.

      7. (a) Bilang ano itinatayo ang mga Kristiyano, at sa anong layunin? (b) Bilang mga pansamantalang nakikipamayan, papaano sila dapat gumawi?

      7 Pag-iingat ng wastong paggawi sa gitna ng mga bansa (2:1–​3:22). Tulad ng mga batong buháy, ang mga Kristiyano ay itinayo bilang espirituwal na bahay, upang maghandog sa Diyos ng kalugud-lugod na espirituwal na mga hain sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, ang batong panulok na kinatisuran ng mga masuwayin. Sila ay ‘isang maharlikang pagkasaserdote, bayang banal, upang ipahayag ang mga kadakilaan niyaong tumawag sa kanila mula sa kadiliman tungo sa kagila-gilalas na liwanag.’ Bilang pansamantalang nakikipamayan, iwasan ang mga pita ng laman at ingatan ang wastong paggawi. Magpasakop sa “bawat lalang ng tao,” maging hari o gobernador. Oo, “igalang ang lahat ng tao, ibigin ang buong kapatiran, matakot sa Diyos, igalang ang hari.” Gayundin, pasakop ang mga alipin sa kanilang panginoon, taglay ang mabuting budhi at nagtitiis ng kawalang-katarungan. Si Kristo rin, bagaman walang-sala, ay nagtiis ng pag-alipusta at pagbabata, at nag-iwan ng “pamarisan” upang buong-higpit na masundan ang kaniyang hakbang.​—2:9, 13, 17, 21.

      8. (a) Anong matinong payo ang ibinibigay sa mga asawang-babae at lalaki? (b) Ano ang kailangan upang ang isa ay magkaroon ng mabuting budhi sa harapan ng Diyos?

      8 Ang pagpapasakop ay kapit din sa mga asawang-babae, upang sa malinis na gawi at taimtim na paggalang ay mahikayat nang walang salita ang di-sumasampalatayang asawa. Huwag labis na mabahala sa panlabas na kagayakan. Tularan ang sa masunuring si Sara, “ang pagkataong natatago sa puso na may walang-kupas na kasuotan ng payapa at maamong espiritu na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.” Parangalan ang asawang-babae na gaya ng ‘marupok na sisidlan’ at bilang “kapuwa tagapagmana ng di-sana-nararapat na pangako ng buhay.” Lahat ay dapat magpamalas ng pag-ibig-sa- kapatid. “Ang nagmamahal sa buhay . . . , ay umiwas sa masama at gumawa ng mabuti; hanapin ang kapayapaan at itaguyod ito. Sapagkat ang mga mata ni Jehova ay nasa mga matuwid.” Sa halip na masindak sa tao, maging laging handa na ipagtanggol ang pag-asa. Maigi ang magdusa sa paggawa ng mabuti at hindi ng masama, sapagkat kalooban ito ng Diyos. “Si Kristo man ay nagbata ring minsan at magpakailanman dahil sa mga kasalanan, ang matuwid alang-alang sa mga di-matuwid, upang kayo’y maakay niya sa Diyos, siya na pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu.” Ang pananampalataya ni Noe, na ipinamalas sa pagtatayo ng daong, ay nagligtas sa kaniyang buong sambahayan. Katumbas nito, ang mga ililigtas at pagkakalooban ng mabuting budhi ay yaong nag-alay sa Diyos salig sa pananampalataya sa binuhay-muling Kristo, nagpapabautismo bilang sagisag nito, at patuloy na gumagawa ng kalooban ng Diyos.​—3:4, 7, 10-12, 18.

      9. Anong kaisipan ang dapat taglayin ng mga Kristiyano? Sa kabila ng ano?

      9 Magalak sa paggawa ng kalooban ng Diyos bilang Kristiyano, sa kabila ng pagtitiis (4:1–​5:14). Dapat taglayin ng mga Kristiyano ang kaisipan ni Kristo, upang mamuhay ukol sa layunin ng Diyos at hindi ng mga bansa, bagaman pagsalitaan sila ng masama dahil sa hindi pakikitakbo “sa gayon ding

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share