Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagtugon sa Panawagan ng mga Isla ng Micronesia
    Ang Bantayan—1987 | Nobyembre 15
    • sa bautismo. Ang gayong nagliligtas-buhay na gawain ay may malaking halaga sa ating mga mata.” Si James, isang misyonero, sa loob ng mahigit na sampung taon ay nagsasabi: “Ang makita ang pagtitiis ng ating mga kapatid na Kosraeano sa taun-taon ay isang tunay na pagpapala.” Diyan sa Belau, si Roger ay nagkomento: “Kami’y pinagpala sa pagkakaroon ng isang bagong Kingdom Hall at ng isang matapat na grupo ng mga mamamahayag.” At sa paggunita sa lumipas na mga taon, ganito ang sabi ni Placido: “Ang patnubay ni Jehova at ang kaniyang banal na espiritu ay halatang-halata sa aming mga buhay. Ito’y tumulong sa amin na magpakalapit-lapit sa kaniya.”

      Ang gayong mga karanasan ay nagpatibay-loob sa mga misyonero na manatili sa kanilang mga atas. Marami sa kanila ang maaaring lumingon sa nakaraan at alalahanin ang pagtatatag ng unang kongregasyon sa kanilang lugar. Tulad ni apostol Pablo, mayroon silang pambihirang kaganapan ng ‘hindi pagtatayo sa pundasyon ng iba.’ (Roma 15:20) Ang kanilang damdamin ay mainam ang pagkapahayag sa ganitong komento: “Malaki pa ang gawain na dapat gawin. Ako’y naniniwala na bubuksan ni Jehova ang marami pang pagkakataon upang mapasama sa pagtitipon ang marami pang mga tulad-tupang narito sa mga isla, at kami ay may pribilehiyo na makibahagi rito.”

      “Ang pagpapala ni Jehova​—iyan ang nagpapayaman, at hindi niya idinaragdag ang kapanglawan,” ang sabi ng Bibliya sa Kawikaan 10:22. Yaong mga tumugon sa panawagang misyonero sa mga isla ng Micronesia ay tunay na nakakaranas ng pagpapalang ito kalakip ng kagalakan at ng kasiyahan na nanggagaling sa paglilingkod kay Jehova.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1987 | Nobyembre 15
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      ◼ Ang tinutukoy ba ni Pablo ay si Jehova o si Jesus nang kaniyang isulat: ‘Ang Panginoon ay nagsabi sa akin: “Ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan”’?

      Wari ngang si apostol Pablo ay tumutukoy sa Panginoong Jehova. Tingnan natin ang konteksto ng mga salita ni Pablo, at hindi lamang makikita natin kung bakit nga gayon, kundi patitingkarin din ang ating pagpapahalaga sa relasyon na namamagitan sa Diyos at sa kaniyang Anak. Si Pablo ay sumulat:

      “Upang ako’y huwag labis na magmataas, binigyan ako ng isang tinik sa laman, isang anghel ni Satanas ang laging tumatampal sa akin, upang ako’y huwag labis na magmataas. Tungkol dito’y makaitlo akong nagmakaawa sa Panginoon upang alisin ito sa akin; ngunit siya’y nagsabi nga sa akin: ‘Ang aking di-sana nararapat na awa ay sapat na para sa iyo; sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.’ Kaya’t bagkus akong magmamapuri nang buong kagalakan sa aking kahinaa, upang ang kapangyarihan ng Kristo ay maging gaya ng isang tolda na nananatiling nakalukob sa akin.”​—2 Corinto 12:7-9.

      Ang tinik sa laman ni Pablo ay maaaring isang kapansanan sa mata o dili kaya’y mga bulaang apostol na humahamon sa kaniyang pagkaapostol. (Galacia 4:15; 6:11; 2 Corinto 11:5, 12-15) Anuman iyon, ang tendensiya ay sirain ang loob ni Pablo o hadlangan siya sa pagmamapuri dahil sa kaniyang ministeryo. Kaya’t makaitlong hiniling niya na iyon ay alisin. Subalit sino ang kaniyang hinilingan niyaon, at sino ang tumugon sa pamamagitan ng pagbanggit ng “aking kapangyarihan”?

      Yamang sa talata’y binabanggit “ang kapangyarihan ng Kristo,” tila nga ang hinilingan ni Pablo ay ang Panginoong Jesus. Hindi mapag-aalinlanganan, siya’y may kapangyarihan at maaari niyang bahaginan niyaon ang kaniyang mga alagad. (Marcos 5:30; 13:26; 1 Timoteo 1:12) Sa katunayan, ang Anak ng Diyos ay “umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan.”​—Hebreo 1:3; Colosas 1:17, 29.

      Gayunman, ang Panginoong Diyos ang pinagmumulan ng lubos na kapangyarihan, na maaari niyang ibahagi at ibinabahagi nga sa mga sumasamba sa kaniya. (Awit 147:5; Isaias 40:26, 29-31) Ang gayong kapangyarihan buhat sa Diyos ang nagpapangyari kay Jesus na gumawa ng mga himala at magbibigay pa rin sa kaniya ng lakas upang kumilos. (Lucas 5:17; Gawa 10:38) Sa katulad na paraan, ang mga apostol ni Jesus at ang iba pang mga alagad ay tumanggap ng kapangyarihan buhat kay Jehova. (Lucas 24:49; Efeso 3:14-16; 2 Timoteo 1:7, 8) Kasali na rito si Pablo, na naglingkod “ayon sa walang bayad na kaloob ng di-sana nararapat na kagandahang-loob ng Diyos na ibinigay [sa apostol] ayon sa paraan ng pagkilos ng kaniyang kapangyarihan.”​—Efeso 3:7.

      Yamang si Pablo ay humiling na alisin ang ‘tinik sa kaniyang laman, ang anghel ni Satanas,’ makatuwiran na sa Panginoong Diyos siya tumingin bilang gagawa nito, yamang si Jehova ang pinahahatdan ng mga panalangin. (Filipos 4:6; Awit 145:18) Isa pa, pinalalakas ni Jehova si Pablo sa mga salitang, “Ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan,” at dito’y hindi ipinupuwersa si Kristo. Ang kapangyarihan buhat sa Panginoong Diyos ay matutukoy na “ang kapangyarihan ng Kristo [na noon ay] tulad ng isang tolda” sa ibabaw ni Pablo, sapagkat ‘si Kristo ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos.’ (1 Corinto 1:24) Sa gayon, ang 2 Corinto 12:7-9 ay tumutulong sa atin na pahalagahan nang lalong higit ang paraan na sa pamamagitan niyaon ay ang kaniyang Anak ang ginagamit niyang pinaka-sentro sa katuparan ng banal na kalooban.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share