Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagtulong sa mga Di Aktibo
    Ministeryo sa Kaharian—1987 | Disyembre
    • ang isang matanda o kuwalipikadong ministeryal na lingkod ang mabuting magdaos ng pag-aaral sa kanila. Ang isang di aktibong kapatid na babae ay maaaring matulungan ng isang may karanasang babae sa kongregasyon. Ang isang kabataan ay maaaring tumugong mabuti kung ang isang batang ministeryal na lingkod o payunir ang tutulong sa kaniya.

      4 Nasumpungan ng ilang matatanda na sa unang pagdalaw ay kapakipakinabang kung rerepasuhin ang artikulong “Manumbalik sa Pastol ng Inyong mga Kaluluwa” sa Watchtower ng Mayo 1, 1982 (Nobyembre 1, 1982 sa Tagalog). Sa isang kabataan, maaaring makatulong ang artikulong “Ang Puso Mo’y Ipanumbalik Mo kay Jehova” sa Watchtower ng Oktubre 1, 1982 (Abril 1, 1983 sa Tagalog). Pagkatapos nito, maaaring isaayos ang isang regular na pag-aaral sa Bibliya.

      5 Ang mga mamamahayag na nagdaraos ng gayong mga pag-aaral ay nararapat magpakita ng personal na interes sa mga indibiduwal na ito. Makipagkaibigan sa kanila. Idiin ang kahalagahan ng pagtatamong muli ng espirituwal na kalakasan.

      6 Bagama’t ang ilan ay hinilingang tumulong sa mga di aktibo, hindi ito nangangahulugan na ang iba ay hindi na makatutulong. Ang lahat ay maaaring bumati sa mga ito kapag sila’y dumadalo sa Kingdom Hall at maaaring kausapin sila sa nakapagpapatibay na paraan. Ipadama sa kanila ang ating kaligayahan sa kanilang pagdalo at na ang ating pag-asa ay na sila’y patuloy na sumulong. Ang ganitong maibiging pagmamalasakit ay kailangang patuloy na ipakita habang sumusulong sila sa espirituwal. Ang gayong sama-samang pagsisikap ay nagbubunga ng mabuti.​—Efe. 4:16.

      7 Oo, nagagalak tayo kapag nakasama nating muli ang mga dating di aktibo. Ang ating dalangin ay na pagpalain nawa ni Jehova ang ating mga pagsisikap na “magsigawa tayo ng mabuti” sa mga di aktibo na siya nating “kasambahay sa pananampalataya.”​—Gal. 6:10.

  • Pagbibigay Pansin sa mga Kasama Nating May Edad Na
    Ministeryo sa Kaharian—1987 | Disyembre
    • Pagbibigay Pansin sa mga Kasama Nating May Edad Na

      1 Ang isang Kristiyanong pananagutan na maaaring pakibahaginan nating lahat ay ang pagpapakita ng konsiderasyon sa ating mga kapatid na lalaki at babae na may edad na. Sa paglipas ng mga taon, ang mga ito’y napapaharap sa pisikal na mga problema at hindi sila makagagawa ng tulad ng dati nilang ginagawa sa paglilingkod kay Jehova.​—Ecles. 12:​1-6.

      2 Ipinakikita ng Salita ng Diyos na ang may pangunahing pananagutan sa pangangalaga sa mga may edad na ay ang kanilang mga kasambahay. (1 Tim. 5:8) Nguni’t tayo, bilang mga indibiduwal at bilang isang kongregasyon, ay nararapat ding “magpakita ng konsiderasyon sa isang matanda.”​—Lev. 19:32.

      KUNG ANO ANG MAGAGAWA NATIN

      3 Yamang kinikilala natin ang pagsisikap na kailangang gawin ng mga may edad upang makadalo, binabati ba natin sila at kinakausap? Dinadalaw ba natin sila sa kanilang mga tahanan? O kinakausap ba natin sa telepono kung mayroon? Kailangan ba silang sunduin at ihatid o may mamimili para sa kanila? Kapuripuri na may ilan sa mga kongregasyon na gumagawa ng mga bagay na ito, nguni’t mayroon pa bang iba sa atin na nasa katayuang magpakita ng ganitong maibiging pagmamalasakit? (Ihambing ang Lukas 10:​36, 37.) Ang pagpapakita ng konsiderasyon sa mga may edad ay isang pribilehiyong maaaring pakibahaginan ng lahat.

      4 Ang mga matanda ay maaaring magpatalastas sa kongregasyon kapag may bumangong pantanging pangangailangan. Nguni’t bilang mga indibiduwal maaari nating tulungan ang mga may edad sa mga bagay na hindi nila kayang gawin. Kailangan bang may babasa sa kanila o sasama sa kanila sa paglilingkod? Dinadalaw ba natin ang mga hindi makalabas ng bahay o yaong nasa ospital?​—Kaw. 3:27.

      5 Gaya ng inihula sa Bibliya, maraming tao sa ngayon ang walang ‘katutubong pag-ibig.’ (2 Tim. 3:​2, 3) Nguni’t bilang mga Kristiyano, iniiwasan natin ang espiritung ito ng sanlibutan. Ayaw nating maging totoong abala upang tamasahin ang pakikisalamuha sa mga may edad na mabubuting halimbawa ng katapatan kay Jehova.

      SALOOBIN NG MGA MAY EDAD NA

      6 Kailanma’y hindi dapat madama ng mga may edad na sila’y nagiging pasanin sa kongregasyon o na sila’y hindi na pinahahalagahan. Sa kabilang dako, nakatutuwang makita ang isang mapagpasalamat na espiritu sa bahagi ng mga may edad na. Kapuripuri sila kapag hindi nagiging mapintasin o mapaghanap. Ang isang positibong pangmalas ay tumutulong sa kanila upang iwasan ang isang mapagreklamong espiritu, sa pagkaalam na tutulungan sila ni Jehova upang pagtiisan ang mga pagsubok na dumarating kapag ang isa’y matanda na. Bilang isang kongregasyon at bilang mga indibiduwal, nais nating patuloy na magpakita ng maibiging pagmamalasakit sa tapat na mga kasama nating may edad na.​—Ihambing ang Hebreo 10:​32-34.

  • Mga Patalastas
    Ministeryo sa Kaharian—1987 | Disyembre
    • Mga Patalastas

      ● Alok na literatura sa Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱35.00 o ang brochure na “Narito!” sa ₱4.20. Enero at Pebrero: Matatagal nang mga aklat sa puting papel sa ₱7.00; aklat sa newsprint sa ₱2.50; matatagal nang pulyeto sa 75¢ o 3 sa ₱2.25. (Pakisuyong tingnan ang Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian noong Nobyembre ukol sa mga detalye kung aling mga aklat at pulyeto ang maaaring ialok at maaaring pididuhin.) Marso: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00.

      ● Kung hindi pa nakapidido ang kongregasyon ng mga matagal nang aklat o pulyeto upang gamitin sa kampanya sa Enero at Pebrero dapat nilang gawin ito karakaraka pagtanggap nila ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito.

      ● Iminumungkahi na babasahin ng lahat ang Josue 1:​1–​10:​15 bilang paghahanda para sa isa sa mga dramang ihaharap sa “Magtiwala kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon.

      ● Sa karamihan ng mga kongregasyon ay hindi kailangang kanselahin ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng kombensiyon sa taóng ito. Gayumpaman, kung dahil sa lokal na kalagayan ay kailangang kanselahin ito, ang karagdagang materyal ay dapat pag-aralan sa linggo bago at pagkatapos ng kombensiyon upang walang kaliligtaan.

      ● Sa lahat ng mga kombensiyong gumagamit ng Cebuano, Iloko at Tagalog, ang lahat ng mga awiting pang-Kaharian ay aawitin sa mga wikang ito, hindi sa Ingles. Kaya ang mga kapatid ay kailangang magdala ng kanilang aklat awitan sa dialekto. Nais naming ang lahat ng tagapakinig ay gagamit ng iisa lamang wika kapag umaawit sa mga kombensiyon.

      ● Pasimula sa linggo ng Enero 4-10, 1988, ang lahat ng mga eskedyul para sa pag-aaral sa aklat, pulong ukol sa paglilingkod at Paaralang Teokratiko Ukol sa Pagmiministro ay magiging mula Lunes hanggang Linggo sa halip na Linggo hanggang Sabado. Dahil dito, ang mga kongregasyong nagdaraos ng mga pulong na ito kung araw ng Linggo ay hindi magkakaroon ng eskedyul sa Enero 3. Maaaring gumawa ng lokal na pagbabago may kaugnayan sa pagdalo sa mga kombensiyon ang mga kongregasyong nasasangkot.

      ● Para doon sa mga walang kombensiyon, ang Disyembre 25, 30 at Enero 1 ay maaaring gamitin para sa pantanging gawain sa magasin, yamang ang mga ito ay mga pista opisyal.

      ● Ang taunang teksto para sa 1988 ay halaw sa Awit 37:​34: “Umasa ka kay Jehova at sundin mo ang kaniyang daan.” Dapat isaayos ng lahat ng mga kongregasyon na ang bagong taunang tekstong ito ay ikabit sa kanilang mga Kingdom Hall sa Enero 1, 1988.

      ● Isang 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi ng programa sa pandistritong kombensiyon ay naka-eskedyul para sa linggo ng Enero 4-10. Ang repasong ito ay maaaring iatas nang patiuna sa tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki na gagamit ng tig-sasampung minuto upang repasuhin ang susing mga punto mula sa isang araw ng kombensiyon. Ang mabuti-ang-pagkakahandang repasong ito ay tutulong sa mga kapatid na alalahanin ang susing mga punto upang ikapit nang personal at gamitin sa larangan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share