-
Aklat ng Bibliya Bilang 10—2 Samuel“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
ng Gawa 2:29-36. Ipinakikita ng Hebreo 1:5 na ang hulang, “Ako’y magiging kaniyang ama, at siya ay magiging aking anak” (2 Sam. 7:14), ay tumutukoy talaga kay Jesus. Pinatunayan din ito ng tinig ni Jehova mula sa langit: “Ito ang aking Anak, ang sinisinta, nalulugod ako sa kaniya.” (Mat. 3:17; 17:5) Bilang wakas, ang tipan kay David ukol sa Kaharian ay tinukoy ni Gabriel nang sabihin niya kay Maria tungkol kay Jesus: “Ang isang ito ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan; at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, at siya’y maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magwawakas ang kaniyang kaharian.” (Lucas 1:32, 33) Kapana-panabik ang pangako ng Binhi ng Kaharian habang nahahayag ang bawat hakbang ng pagsulong nito!
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 11—1 Hari“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 11—1 Hari
Manunulat: Si Jeremias
Saan Isinulat: Sa Jerusalem at Juda
Natapos Isulat: 580 B.C.E.
Panahong Saklaw: c. 1040-911 B.C.E.
1. (a) Papaano nauwi sa pagkawasak ang maningning na kasaganaan ng Israel? (b) Bakit masasabi na ang Unang Hari ay “kinasihan at kapaki-pakinabang”?
PINALAWAK ni David ang sakop ng Israel ayon sa bigay-Diyos na mga hangganan nito, mula sa ilog Eufrates sa hilaga hanggang sa ilog ng Ehipto sa timog. (2 Sam. 8:3; 1 Hari 4:21) Pagkamatay niya at pagkahalili ng anak niyang si Solomon, “ang Juda at ang Israel ay marami, gaya ng buhangin sa tabi ng dagat, nagkakainan at nag- iinuman at nagkakatuwa.” (1 Hari 4:20) Naghari si Solomon nang may dakilang karunungang higit pa sa sinaunang mga Griyego. Ipinagtayo niya si Jehova ng maringal na templo. Gayunman, maging si Solomon ay nasilo ng pagsamba sa diyus-diyosan. Pagkamatay niya, nahati ang kaharian, at ang sunud-sunod na balakyot na mga hari sa magkaribal na kaharian ng Israel at Juda ay gumawi nang kapaha-pahamak anupat nahirapan ang bayan, gaya ng inihula ni Samuel. (1 Sam. 8:10-18) Sa 14 na hari sa Juda at Israel pagkamatay ni Solomon at na iniuulat ng Unang Hari, 2 lamang ang gumawa nang mabuti sa mata ni Jehova. Ang ulat ba’y masasabing “kinasihan at kapaki-pakinabang”? Talaga, gaya ng makikita sa mga payo, hula at larawan nito, at ng kaugnayan nito sa nangingibabaw na tema ng Kaharian sa “[buong] Kasulatan.”
2. Papaano nahati sa dalawang balumbon ang Una at Ikalawang Hari, at papaano ito tinipon?
2 Sa pasimula ang aklat ng Mga Hari ay iisang balumbon, o tomo, at tinawag sa Hebreo na Mela·khimʹ (Mga Hari). Tinawag ito ng mga tagapagsalin ng Septuagint na Ba·si·leiʹon, “Mga Kaharian,” at sila ang unang naghati nito sa dalawang balumbon upang maging maalwan. Nang maglao’y tinawag ito na Ikatlo at Ikaapat na Hari, na siya pa ring ginagamit ng mga Bibliyang Katoliko hanggang ngayon. Gayunman, karaniwan na itong nakikilala bilang Una at Ikalawang Hari. Naiiba ang mga ito sa Una at Ikalawang Samuel yamang tinutukoy ng mga ito ang naunang mga ulat bilang saligan ng tagapagtipon. Sa kabuuan ng dalawang aklat, ang nag-iisang tagapagtipon ay 15 beses tumutukoy sa “aklat ng kasaysayan ng mga hari sa Juda,” at 18 beses sa “aklat ng kasaysayan ng mga hari sa Israel,” at gayundin sa “aklat ng mga gawa ni Solomon.” (1 Hari 15:7; 14:19; 11:41) Bagaman ganap nang nawala ang sinaunang mga ulat na ito, nananatili ang kinasihang katipunán—ang kapaki-pakinabang na ulat ng Una at Ikalawang Hari.
3. (a) Sino ang tiyak na sumulat ng Mga Hari, at bakit ganito ang inyong sagot? (b) Kailan natapos ang pagsulat, at anong yugto ang saklaw ng Unang Hari?
3 Sino ang sumulat ng Mga Hari? Ang pagdiriin sa gawain ng mga propeta, lalo na kina Elias at Eliseo, ay nagpapahiwatig na siya’y isang propeta ni Jehova. Dahil sa pagkakahawig sa wika, pagkatha, at estilo, malamang na siya rin ang sumulat ng aklat ni Jeremias. Maraming salita at kapahayagang Hebreo ang lumilitaw lamang sa Mga Hari at sa Jeremias. Ngunit kung siya ang sumulat, bakit hindi siya binabanggit dito? Hindi na kailangan, yamang ang gawain niya ay iniuulat na ng aklat na may pangalan niya. Isa pa, ang Mga Hari ay isinulat upang itanghal si Jehova at ang Kaniyang pagsamba, hindi upang parangalan si Jeremias. Ang totoo, pinupunan ng Mga Hari at ng Jeremias ang kakulangan ng isa’t-isa. Isa pa, may magkakahawig na ulat, gaya ng 2 Hari 24:18–25:30 at Jeremias 39:1-10; 40:7–41:10; 52:1-34. Tinitiyak ng tradisyong Judio na si Jeremias ang sumulat ng Una at Ikalawang Hari. Walang alinlangan na sa Jerusalem niya sinimulan ang pagtitipon ng dalawang aklat, at lumilitaw na ang ikalawang aklat ay natapos sa Ehipto noong mga 580 B.C.E., yamang sa katapusan ng ulat ay tumutukoy siya sa mga pangyayari ng taóng yaon. (2 Hari 25:27) Sinisimulan ng Unang Hari ang kasaysayan ng Israel mula sa katapusan ng Ikalawang Samuel at ipinagpapatuloy ito hanggang sa 911 B.C.E., nang mamatay si Josaphat.—1 Hari 22:50.
4. Papaano inaalalayan ng sekular na kasaysayan at ng arkeolohiya ang Unang Hari?
4 Ang aklat ay may wastong dako sa kanon ng Banal na Kasulatan, at tinatanggap ito ng lahat ng autoridad. Isa pa, ang mga kaganapan sa Unang Hari ay pinatutunayan ng sekular na kasaysayan ng Ehipto at Asirya. Inaalalayan din ng arkeolohiya ang maraming pangungusap sa aklat. Halimbawa, sinasabi sa 1 Hari 7:45, 46 na ang mga kasangkapang tanso sa templo ni Solomon ay hinubog ni Hiram “sa Distrito ng Jordan . . . sa pagitan ng Succoth at Sarthan.” Doon ay nakahukay ang mga arkeologo ng ebidensiya ng pag-iral ng mga pandayan.a Isa pa, ipinagmamalaki ng isang larawan sa pader ng templo sa Karnak (sinaunang Thebes) ang paglusob sa Juda ni haring Sheshonk (Shishak) ng Ehipto, na binabanggit sa 1 Hari 14:25, 26.b
5. Anong kinasihang patotoo ang umaalalay sa pagiging-tunay ng Unang Hari?
5 Ang pagiging-totoo ng aklat ay inaalalayan ng mga pagtukoy ng ibang manunulat ng Bibliya at ng katuparan ng mga hula. Kinilala ni Jesus ang pagiging-makasaysayan ng karanasan ni Elias at ng balo sa Sarepta. (Luc. 4:24-26) Sinabi niya tungkol kay Juan na Tagapagbautismo: “Siya ang ‘Elias na nakatakdang dumating.’ ” (Mat. 11:13, 14) Tinutukoy niya ang hula ni Malakias na nagsalita rin tungkol sa hinaharap: “Narito! Susuguin ko sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.” (Mal. 4:5) Pinatunayan pa ni Jesus ang pagiging-kanonikal ng Unang Hari nang tukuyin niya ang ulat nito hinggil kay Solomon at ng reyna ng katimugan.—Mat. 6:29; 12:42; ihambing ang 1 Hari 10:1-9.
NILALAMAN NG UNANG HARI
6. Anong mga kalagayan ang umiral nang lumuklok si Solomon sa trono, at papaano lubos na naitatag ang kaniyang kaharian?
6 Naging hari si Solomon (1:1–2:46). Nagbubukas ang ulat ng Unang Hari nang malapit nang mamatay si David sa pagtatapos ng kaniyang 40 taon ng paghahari. Nakipagsabwatan ang anak niyang si Adonias kay Joab na pinunò ng hukbo at kay Abiathar na saserdote upang agawin ang paghahari. Ibinalita ito ni propeta Nathan kay David at ipinaalaala na si Solomon ang inatasang maghari pagkamatay niya. Kaya inutusan ni David si Zadok na saserdote na pahiran si Solomon bilang hari, bagaman ipinagdiriwang na ng magkakasabwat ang paghalili ni Adonias. Pinayuhan ni David si Solomon na magpakalakas at magpakalalaki at lumakad sa mga daan ni Jehovang kaniyang Diyos, at pagkatapos ay namatay siya at inilibing sa “Lungsod ni David.” (2:10) Nang maglaon ipinatapon ni Solomon si Abiathar at ipinapatay ang mga manliligalig na sina Adonias at Joab. Nang maglaon, pinatay din si Simei dahil sa di-paggalang sa maawaing pagliligtas sa kaniya. Ang kaharian ay naitatag na ngayon sa mga kamay ni Solomon.
7. Anong panalangin ni Solomon ang dininig ni Jehova, at ano ang idinulot nito sa Israel?
7 Ang matalinong paghahari ni Solomon (3:1–4:34). Pinakasalan ni Solomon ang anak ni Paraon. Humingi siya kay Jehova ng isang masunuring puso upang mahatulan nang may kaunawaan ang bayan ni Jehova. Pagkat hindi siya humingi ng mahabang buhay o ng kayamanan, pinagkalooban siya ni Jehova ng matalino at maunawaing puso sampu ng kayamanan at kaluwalhatian. Maaga pa sa kaniyang paghahari ay nagpamalas na si Solomon ng karunungan nang humarap sa kaniya ang dalawang babae na kapuwa nag-aangkin sa isang bata. Iniutos ni Solomon na “hatiin ang bata” at bigyan ng tig-kakalahati ang bawat babae. (3:25) Nagmakaawa ang tunay na ina na ibigay na lamang ang bata sa ikalawang babae. Nakilala ni Solomon ang tunay na ina, at ibinigay dito ang bata. Dahil sa bigay-Diyos na karunungan, ang Israel ay sumagana at naging maligaya at tiwasay. Dumating ang mga taga-ibang lupain upang makinig sa kaniyang matatalinong kawikaan.
8. (a) Papaano isinagawa ni Solomon ang pagtatayo ng templo? Ilarawan ang ilang tampok na bahagi nito. (b) Ano pang ibang pagtatayo ang ginawa niya?
8 Ang templo ni Solomon (5:1–10:29). Naalaala ni Solomon ang mga salita ni Jehova kay David: “Ang iyong anak na aking iluluklok na kahalili mo, siya ang magtatayo ng bahay sa aking pangalan.” (5:5) Kaya pinaghandaan ito ni Solomon. Tumulong si Hiram na hari ng Tiro at nagpadala ito ng mga trosong sedro at abeto mula sa Libano sampu ng mga bihasang manggagawa. Kasama ng mga manggagawa ni Solomon, sila ay nagsimulang magtayo ng bahay ni Jehova noong ikaapat na taon ng kaniyang paghahari, sa ika-480 taon matapos lisanin ng Israel ang Ehipto. (6:1) Walang ginamit na martilyo, palakol, o kasangkapang bakal sa dakong pagtatayuan, pagkat lahat ng bato ay inihanda at sinukat sa tibagan bago paghugpong-hugpungin sa pagtatayuan ng templo. Ang loob ng templo, na sinapinan muna ng sedro sa dingding at ng kahoy na abeto sa sahig, ay binalot ng taganas na ginto. Dalawang kerubin ang niyari mula sa kahoy na olibo, bawat isa’y sampung siko (4.5 metro) ang taas at sampung siko mula sa dulo’t-dulo ng magkabilang pakpak, at inilagay sa pinakaloob ng bahay. Ang iba pang kerubin, at ang mga larawan ng mga palma at bulaklak ay iniukit sa mga dingding ng templo. Pagkaraan ng mahigit na pitong taon, natapos ang maringal na templo. Nagpatuloy
-