-
Mga Pambungad na Magagamit sa Ministeryo sa LaranganNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
● ‘Magandang umaga po. Ang pangalan ko’y ——. Ang dahilan ng pagparito ko ay upang ipakipag-usap sa inyo ang mga pagpapala ng Kaharian ng Diyos at kung papaano natin ito maaaring tamasahin. Subali’t nakikita kong abala kayo (o, papaalis kayo). Puwede ko bang ibahagi sa inyo ang isang maikling punto?’
SA TERITORYONG MADALAS MAGAWA
● ‘Mabuti at nadatnan ko kayo sa bahay. Gumagawa kami ng lingguhang pagdalaw sa inyong pook, at mayroon kaming karagdagang punto na gustong ibahagi sa inyo tungkol sa kagilagilalas na bagay na gagawin ng Kaharian ng Diyos para sa sangkatauhan.’
● ‘Kumusta kayo. Nagagalak akong makita kayong muli. . . . Sana ay walang nagkakasakit sa inyong pamilya . . . Dumaan lamang ako sandali para ibahagi sa inyo ang isang punto tungkol sa . . . ’
● ‘Magandang umaga po. Kumusta kayo? . . . Talagang hinihintay ko ang pagkakataong ito para muli kayong makausap. (Pagkatapos ay banggitin ang ispesipikong paksa na gusto ninyong ipakipag-usap.)’
-
-
Kung Papaano Ninyo Maaaring Sagutin ang Mga PagtutolNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Kung Papaano Ninyo Maaaring Sagutin ang Mga Pagtutol
Mga komento: Ang mga pag-asa ng tao ukol sa buhay ay salig sa kanilang saloobin sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Kaharian sa pamamagitan ni Kristo Jesus. Kapanapanabik ang mensahe ng Kaharian ng Diyos, at umaakay ito sa tanging mapanghahawakang pag-asa ukol sa sangkatauhan. Ito’y isang mensahe na bumabago sa buhay. Gusto natin na lahat ay makarinig nito. Batid natin na kaunti lamang ang tatanggap dito nang may pagpapahalaga, subali’t alam natin na kahit papaano’y dapat marinig ito ng mga tao upang sila ay makagawa ng may-kabatirang pagpapasiya. Gayunman hindi lahat ay handang makinig, at hindi natin sinisikap na sila ay pilitin. Subali’t sa pamamagitan ng unawa ay posibleng ibaling ang mga pagtutol tungo sa mga pagkakataon ukol sa higit pang pag-uusap. Narito ang ilang halimbawa na ginamit ng may-karanasang mga Saksi sa pagsisikap nila na hanapin ang mga karapatdapat. (Mat. 10:11) Hindi namin iminumungkahi na inyong isaulo ang alinman sa mga tugon na ito kundi sikaping itanim ang ideya sa inyong isipan, sabihin ito sa inyong sariling pananalita at ipahayag ito sa paraan na nagpapaaninaw ng taimtim na interes sa taong inyong kausap. Sa paggawa nito, makapagtitiwala kayo na makikinig yaong mga may matuwid na puso at tutugon nang may pagpapahalaga sa ginagawa ni Jehova sa pag-akay sa kanila tungo sa kaniyang maibiging mga paglalaan ukol sa buhay.—Juan 6:44; Gawa 16:14.
-