Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/00 p. 7
  • Mga Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapanatili sa Kapayapaan at Kalinisan ng Kongregasyon
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Palaging Tanggapin ang Disiplina ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Tularan ang Awa ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kung Paano Matutularan ng Kongregasyon ang Tingin ni Jehova sa mga Nagkasala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 2/00 p. 7

Mga Tanong

◼ Angkop bang pumalakpak kapag ipinatalastas ang isang panunumbalik?

Sa kaniyang maibiging-kabaitan, ang Diyos na Jehova ay naglaan ng maka-Kasulatang paraan upang ang nagsisising makasalanan ay muling magtamo ng kaniyang pagsang-ayon at maibalik na muli sa Kristiyanong kongregasyon. (Awit 51:12, 17) Kapag ito’y nangyari, pinasisigla tayong pagtibayin ang ating pag-ibig sa gayong taimtim na nagsisisi.—2 Cor. 2:6-8.

Magkagayon man, kahit na gaano tayo kaligaya kapag naibalik-muli ang isang kamag-anak o kakilala, isang matahimik na pagpipitagan ang dapat mamayani sa panahong ipinatatalastas ang panunumbalik ng isang tao sa kongregasyon. Ang Bantayan ng Oktubre 1, 1998, pahina 17, ay nagpahayag nito sa ganitong paraan: “Subalit, dapat nating tandaan, na ang karamihan sa kongregasyon ay hindi nakababatid ng partikular na mga kalagayan na humantong sa pagkakatiwalag ng taong iyon o sa kaniyang pagkakabalik. Karagdagan pa, maaaring may ilan na personal na naapektuhan o nasaktan—marahil nang mahabang panahon—sa pagkakasala ng taong nagsisisi. Palibhasa’y sensitibo sa gayong mga bagay, kung kaya kapag ipinatalastas ang pagkakabalik ng isa, mauunawaan naman na pipigilin natin ang pagpapahayag ng ating pagtanggap hanggang sa magawa natin iyon nang personal.”

Bagaman tayo’y lubos na nagagalak na makita ang sinuman na makabalik sa katotohanan, ang pagpalakpak sa panahon ng kaniyang pagkakabalik ay hindi magiging angkop.

◼ Dahilan sa ating pinasimpleng kaayusan sa pamamahagi ng literatura, anong mga pagbabago ang maaari nating gawin sa pag-aalok ng literatura sa pagpapatotoo sa lansangan?

Sa pagpapatotoo sa lansangan, angkop na lumapit sa mga tao taglay ang mga magasin o mga publikasyon sa ating kamay. Gayunman, hindi natin nais na ibigay nang walang patumangga ang literatura sa sinumang tao na tatanggap nito. Ang ating tunguhin ay ang sikaping makausap ang mga tao. Sa ganitong paraan ay matitiyak natin kung ang tao ay interesado at sasang-ayong basahin ang ating mga publikasyon. Maaari ring posible na maipaliwanag na ang ating gawain ay isinasagawa ng mga boluntaryo at hindi komersiyal na negosyo, kundi sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon sa buong daigdig.

Gayunman, ang marami sa ating natatagpuan sa mga lansangan ay nagmamadali anupat mahirap para sa atin na malaman ang kanilang interes. Sa ganitong mga kaso, mas mabuting mag-alok na lamang ng isang tract upang mapasidhi ang kanilang gana para sa iba pa nating literatura sa hinaharap.

Kapag tayo’y hindi pabagu-bago sa pagsasagawa ng pagpapatotoo sa lansangan sa isang tiyak na dako, makikilala tayo ng mga tao at ito’y maaaring magbukas ng daan para sa isang pag-uusap, na magbibigay sa atin ng sapat na panahon upang matiyak ang kanilang interes.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share