-
Si Rahab—Inaring Matuwid sa Pamamagitan ng mga Gawa ng PananampalatayaAng Bantayan—1993 | Disyembre 15
-
-
sa Jerico, ay nagpapatunay na ang mga tiktik ay hindi gumawa ng imoralidad.—Levitico 18:24-30.
Kumusta naman ang mga pananalita ni Rahab na nilayong magligaw sa mga humahabol sa mga tiktik? Sinang-ayunan ng Diyos ang ginawa niya. (Ihambing ang Roma 14:4.) Isinapanganib niya ang kaniyang buhay upang maligtas ang Kaniyang mga lingkod, na patotoo ng kaniyang pananampalataya. Samantalang ang malisyosong pagsisinungaling ay kasalanan sa paningin ni Jehova, ang isang tao ay hindi obligado na magsiwalat ng katotohanan sa mga tao na walang karapatang makaalam niyaon. Maging si Jesu-Kristo ay hindi nagbigay ng buong detalye o tuwirang mga sagot kung ipahahamak niyaon ang mga taong walang kinalaman doon. (Mateo 7:6; 15:1-6; 21:23-27; Juan 7:3-10) Maliwanag, ang ginawa ni Rahab na pagliligaw sa mga kaaway na opisyal ay kailangang malasin nang ganiyan.
Ang Gantimpala ni Rahab
Papaano ginantimpalaan si Rahab sa kaniyang pananampalataya na may kasamang gawa? Ang kaniyang pagkaligtas nang puksain ang Jerico ay tiyak na isang pagpapala buhat kay Jehova. Nang bandang huli, siya’y naging asawa ni Salmon (Salma), ang anak ng punò sa ilang na si Naason ng tribo ng Juda. Bilang mga magulang ng maka-Diyos na si Boaz, sina Salmon at Rahab ay isang kawing sa talaangkanan na humantong kay Haring David ng Israel. (1 Cronica 2:3-15; Ruth 4:20-22) Lalong mahalaga, ang dating patutot na si Rahab ay isa sa apat lamang na mga babae na ang pangalan ay binanggit ni Mateo sa talaangkanan ni Jesu-Kristo. (Mateo 1:5, 6) Anong laking pagpapala mula kay Jehova!
Bagaman hindi isang Israelita at dating isang patutot, si Rahab ay isang litaw na halimbawa ng isang babae na pinatunayan sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa na siya’y may lubos na pananampalataya kay Jehova. (Hebreo 11:30, 31) Tulad ng iba, na ang ilan ay huminto na sa pamumuhay ng isang masamang babae, siya’y tatanggap ng isa pang gantimpala—ang pagkabuhay na muli buhat sa mga patay tungo sa buhay sa isang lupang paraiso. (Lucas 23:43) Dahilan sa kaniyang pananampalataya na sinusuhayan ng mga gawa, natamo ni Rahab ang pagsang-ayon ng ating maibigin at mapagpatawad na Ama sa langit. (Awit 130:3, 4) At tunay na ang kaniyang mainam na halimbawa ay nagsisilbing pampatibay-loob sa lahat ng umiibig sa katuwiran upang sa Diyos na Jehova umasa sa pagkakamit ng buhay na walang-hanggan.
-
-
Panatilihing “Simple” ang Ating Mata sa Gawaing Pang-KaharianAng Bantayan—1993 | Disyembre 15
-
-
Panatilihing “Simple” ang Ating Mata sa Gawaing Pang-Kaharian
ANG German Democratic Republic (G.D.R.), o naging kilalá na East Germany (Silangang Alemanya), ay bahagya lamang tumutuntong sa katamtamang edad. Ang apatnapu’t isang taon ng pag-iral nito ay natapos noong Oktubre 3, 1990, nang ang teritoryo nito, humigit-kumulang sinlaki ng Liberia o ng estado ng Tennessee sa Estados Unidos, ay isinama na sa Federal Republic of Germany, na tinatawag noon na West Germany (Kanlurang Alemanya).
Ang muling pagsasama ng dalawang Alemanya ay nangahulugan ng napakaraming pagbabago. Ang naghiwalay sa dalawang bansa ay, hindi lamang isang pisikal na hangganan, kundi isang hangganan ng mga ideolohiya. Ano ba ang kahulugan nito para sa mga tao roon, at papaano nagbago ang buhay para sa mga Saksi ni Jehova?
Ang Wende, ang rebolusyon noong Nobyembre 1989 kung kaya nagkaroon ng muling pagsasama, ay kasunod kaagad ng apatnapung taon ng
-