Awit 95
Ang Bunga ng Kabutihan
1. Si Jehovang Soberano ay Diyos na walang hanggan,
Siya ay tunay na larawan ng buong kabutihan.
Buong awa, ang Anak niya ay sinugo sa atin
Upang tulungang magsisi, mga taong taimtim.
2. Ang kabutihan ng Diyos ay nakapagpapalaya
Buhat sa pagkaalipin natin sa Babilonya.
Sumusulong na liwanag ay kaloob sa atin,
Upang ating makilala ang tunay na landasin.
3. Ang kabutihan ng Diyos ay dapat nating gayahin;
Ito’y bunga ng espiritung dapat pagyamanin.
Kailanga’y bukas-palad, marangal, may katwiran,
Laging ang Diyos at si Kristo ang siyang pagtiwalaan.
4. Nang kabutiha’y sumulong, anong dapat na gawin?
Mag-aral at maglingkuran at laging manalangin.
At ang mga pagpupulong huwag nawang kaligtaan,
Nang ating pasakdalin ang tunay na kabutihan.