Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Patalastas
    Ministeryo sa Kaharian—1999 | Disyembre
    • Mga Patalastas

      ◼ Alok na literatura sa Disyembre: New World Translation Bible kasama ang aklat na Kaalaman sa ₱125.00. Ang mga aklat na Mabuhay Magpakailanman o Salita ng Diyos ay maaaring ialok bilang kahalili. Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos o anumang iba pang mas matatandang aklat na may 192 pahina. Kung walang makukuha, ang aklat na Kaalaman ay maaaring ialok. Pebrero: Ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Marso: Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

      ◼ Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.

      ◼ Mahalaga na tiyaking isaayos ng mga mamamahayag na sila’y maagang makababahagi sa paglilingkod sa Disyembre. Kung kayo ay dadalo sa kombensiyon o magbabakasyon, tiyakin ninyong ibigay ang inyong ulat sa kalihim bago kayo umalis. Kung ang lahat ay magiging maingat sa pag-uulat nang nasa panahon sa dulo ng buwan, magkakaroon tayo ng kumpletong ulat para sa Disyembre.

      ◼ Mga Kontribusyon Para sa Pandistritong Kombensiyon: Ang lahat ng mga gastusin sa mga kombensiyon, lakip na ang upa sa angkop na mga pasilidad, paghahanda sa plataporma at sa public address system ay pawang sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon. Natitiyak namin na isasaisip ninyo ito kapag dumadalo. Maaring magbigay ng mga kontribusyon sa pamamagitan ng paghuhulog sa mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa bawat kombensiyon.—Tingnan ang parapo 19 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa Nobyembre, 1999.

      ◼ 2000 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2000 ay hinango sa Hebreo 10:39: “Hindi tayo ang uring umuurong . . . kundi ang uri na may pananampalataya.” Dapat na isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 2000.

  • Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 2000
    Ministeryo sa Kaharian—1999 | Disyembre
    • Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 2000

      1 Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay tunay na isang mayamang pagpapala sa bayan ni Jehova. Sa nakalipas na 50 taon, natulungan nito ang milyun-milyon na mapasulong ang kanilang mga kakayahan bilang mga tagapagsalita sa madla at mga guro tungkol sa mga katotohanan ng Bibliya. (Awit 145:10-12; Mat. 28:19, 20) Nakikita ba ninyo kung paano kayo natulungan ng paaralan? Maaari nitong patuloy na gawin ang gayon sa 2000 kung kayo ay makikibahagi rito nang lubusan at magkakapit ng payo na ibinibigay.

      2 Ang mga instruksiyon tungkol sa mga atas at ang mga publikasyong gagamitin ay nakalista sa unang pahina ng iskedyul ng paaralan sa 2000. Ang panahong iniukol sa bawat bahagi, ang pinagkunan ng materyal, kung paano ihaharap ang materyal, at iba pang detalye ay isinaalang-alang. Pakisuyong mag-ukol ng panahon upang maingat na basahin ang mga instruksiyon at ikapit ang mga ito.

      3 Lingguhang Pagbabasa ng Bibliya: May dalawang magkahiwalay na programa para sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya na nakalista sa iskedyul ng paaralan. Ang isa ay ang pamantayang programa ng pagbabasa na sumasaklaw ng halos limang pahina ng Bibliya. Ang mga tampok na bahagi sa Bibliya ay batay sa pagbabasang ito. Ang iba pang programa sa pagbabasa ay karagdagan at sumasaklaw ng dobleng dami ng materyal. Sa pagsunod sa programang ito, magagawa ninyong basahin ang buong Bibliya sa loob ng tatlong taon. Mauunawaan na ang iba ay nagnanais na magbasa ng higit pa kaysa sa nakaiskedyul sa karagdagang programa, at ang iba naman ay maaring hindi makaalinsabay rito. Sa halip na ihambing ang iyong sarili sa iba, magalak sa kaya mong gawin. (Gal. 6:4) Ang mahalaga ay ang makapagbasa ng Salita ng Diyos sa araw-araw.—Awit 1:1-3.

      4 Upang makapagpatala sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, dapat kang makipag-usap sa tagapangasiwa ng paaralan. Pakisuyong seryosohin ang iyong atas, at huwag itong kanselahin nang hindi kinakailangan. Pahalagahan ang paaralan bilang isang paglalaan mula kay Jehova. Maghandang mabuti, maging lubusang pamilyar sa iniatas na materyal, at ipahayag ang iyong sarili mula sa puso, sa gayo’y makikinabang ka nang lubusan mula sa kakaibang paaralang ito.

  • Ulat ng Paglilingkod sa Agosto
    Ministeryo sa Kaharian—1999 | Disyembre
    • Ulat ng Paglilingkod sa Agosto

      Abe. Abe. Abe. Abe.

      Bilang ng: Oras Mag. P-M. P.B.

      Sp. Pio. 390 126.8 28.7 43.5 6.5

      Reg. Pio. 17,792 56.7 12.6 15.9 2.6

      Aux. Pio. 2,810 44.4 9.9 9.6 1.5

      Mam. 111,504 8.0 2.2 2.1 0.4

      KAB. BLG. 132,496 Nabautismuhan: 700

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share