Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 29-p. 31
  • Antikristo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Antikristo
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Antikristo?
    Gumising!—2001
  • Sino ang Antikristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Ang Antikristo Inilantad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Sino ang Antikristo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 29-p. 31

Antikristo

Kahulugan: Ang antikristo ay nangangahulugang kasalungat o kapalit ni Kristo. Ang kataga ay kumakapit sa lahat ng tumatanggi sa sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesu-Kristo, lahat ng sumasalansang sa kaniyang Kaharian, at sa lahat ng may masamang pagtrato sa kaniyang mga tagasunod. Kalakip dito ang mga indibiduwal, organisasyon, at mga bansa na nagpapanggap na kumakatawan kay Kristo o may kamaliang iniuukol sa sarili ang tungkulin ng Mesiyas.

Ang Bibliya ba ay tumutukoy sa iisa lamang antikristo?

1 Juan 2:18: “Mumunting mga anak, ito ang huling oras, at gaya ng inyong narinig na darating ang antikristo, kahit ngayon ay lumitaw ang maraming antikristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.”

2 Juan 7: “Maraming magdaraya ang nagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay yaong mga hindi nagpapahayag na si Jesu-Kristo ay naparito sa laman. Ito ang magdaraya at ang antikristo.” (Pansinin na ang “maraming antikristo” sa 1 Juan 2:18 ay tinutukoy dito nang samasama bilang “ang antikristo.”)

Ang pagdating ba ng antikristo ay nakatakda pa sa hinaharap?

1 Juan 4:3: “Bawa’t kinasihang kapahayagan na hindi nagpapahayag kay Jesus ay hindi buhat sa Diyos. Bukod dito, ito ang kinasihang kapahayagan ng antikristo na narinig ninyong darating, at ngayon ito ay narito na sa sanlibutan.” (Ito ay isinulat nang malapit nang matapos ang unang siglo C.E.)

1 Juan 2:18: “Kahit ngayon ay lumitaw ang maraming antikristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.” (Sa “huling oras” maliwanag na ang tinutukoy ni Juan ay ang katapusan ng panahong apostoliko. Ang ibang mga apostol ay nangamatay na, at si Juan mismo ay napakatanda na.)

Ang ilan sa mga ipinakikilala bilang antikristo​—

Mga taong nagtatatwa na si Jesus ay tunay ngang ang Mesiyas

1 Juan 2:22: “Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ang Kristo [o, Mesiyas, ang pinahiran]? Ito ang antikristo.”

Lahat ng nagtatatwa na si Jesus ang tanging Anak ng Diyos

1 Juan 2:22: “Ito ang antikristo, samakatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.”

Ihambing ang Juan 10:36; Lucas 9:35.

Mga apostata

1 Juan 2:18, 19: “Lumitaw ang marami nang antikristo . . . Sila’y nagsilabas sa atin, sapagka’t sila’y hindi natin kauri.”

Yaong mga sumasalansang sa tunay na mga tagasunod ni Kristo

Juan 15:20, 21: “Kung ako’y kanilang pinag-usig, kayo man ay kanilang pag-uusigin . . . Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan.”

Mga indibiduwal at bansa na sumasalansang kay Kristo bilang Hari o na sa ganang sarili’y may-kabulaanang nag-aangkin sa tungkulin ng Mesiyas

Awit 2:2: “Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda at ang matataas na pinuno ay nagsasanggunian laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran [ang Kristo, o Mesiyas].”

Tingnan din ang Apocalipsis 17:3, 12-14; 19:11-21.

Mat. 24:24: “Magsisilitaw ang mga bulaang Kristo at bulaang propeta at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga pinili.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share