Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ikaw ba ay Kakapit Nang Mahigpit sa Katotohanan?
    Ang Bantayan—1987 | Marso 15
    • hindi niya mailigtas! Bumaba ngayon buhat sa pahirapang tulos ang Kristo na Hari ng Israel, upang aming makita at kami’y sumampalataya.’ ” (Marcos 15:29-32) Ano ba ang dahilan ng kanilang masamang saloobing ito?

      Hinayaan ng mga tao na ang kanilang opinyon tungkol kay Jesus ay mahubog ng mga pinunong relihiyoso na napopoot sa kaniya sapagkat kaniyang ibinilad sila bilang mga huwad na guro na ang mga ginagawa ay hindi kasuwato ng kanilang pag-aangkin na pagiging mga kinatawan ng tunay na Diyos. Tahasang sinabi sa kanila ni Jesus: “Bakit naman kayo nagsisilabag sa utos ng Diyos dahil sa inyong sali’t saling sabi? Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, nang kaniyang sabihin, ‘Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi, datapuwat ang kanilang puso ay malayo sa akin. Walang kabuluhan ang kanilang patuloy na pagsamba sa akin, sapagkat sila’y nagtuturo ng mga utos ng mga tao bilang pinakaaral.’ ”​—Mateo 15:3, 7-9.

      Ganiyan na lang katindi ang poot ng mga pinunong relihiyoso kay Jesus at sa katotohanan na kaniyang itinuturo kung kaya’t sila’y nagsabwatan upang patayin siya at ginawa nila ang lahat ng pagsisikap upang maibaling ang mga tao laban sa kaniya. Sa ngayon, maraming mga pinunong relihiyoso ang sumasalansang sa mga Saksi ni Jehova nang gayundin katindi. At gaya ng mga sinaunang Kristiyano, ang mga Saksi ay “pinagsasalitaan ng laban” sa kanila sa lahat ng dako. Subalit matalino ba na payagang ang kanilang popular na pananalansang ang humubog sa iyong kaisipan?

      Ang ganoon ding mga katotohanan sa Kasulatan tungkol sa Kaharian ng Diyos na ipinangaral ni Jesus at ng kaniyang mga apostol ay ipinangangaral ngayon ng mga Saksi ni Jehova. Daan-daang libong mga tao sa buong daigdig ang tumatanggap sa mabuting balitang ito sa kabila ng matinding pananalansang ng mga kaibigan, kamag-anak, at mga pinunong relihiyoso. Napatunayan ng mga taong tumatanggap sa mensahe ng Kaharian sa kanilang ikasisiya na ito ang katotohanan, at sila’y disidido na kumapit nang mahigpit dito.

      Kaya naman bakit tutularan yaong mga tao noong unang siglo na nagtulot na mailayo sila ng iba buhat sa nagbibigay-buhay na mga katotohanan ng Kasulatan na sumapit sa kanila sa pamamagitan ng di-popular na mga tagasunod ni Jesu-Kristo? Sa halip, patuloy na makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi, at gamitin ang nasusulat na Salita ng Diyos upang patunayan sa iyong sariling ikasisiya na ang iyong natututuhan ay siyang katotohanan. (Juan 8:32) At sa tulong ng Diyos kumapit kang mahigpit sa katotohanan.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1987 | Marso 15
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      Ano ang ibig sabihin ng 2 Samuel 18:8, na nagsasabi: “Higit pa ang ginawa ng gubat na paglamon sa bayan kaysa ginawa ng tabak”?

      Ang guwapong anak ni Haring David na si Absalom ang umagaw sa trono at pilit na ang kaniyang ama ay tumakas buhat sa Jerusalem. Pagkatapos, sa gubat ng Ephraim (marahil sa gawing silangan ng Ilog Jordan) nagkaroon ng pagbabaka ang mga kawal ni Absalom at yaong mga tapat sa pinahirang hari ni Jehova, si David. Ang ulat sa 2 Samuel 18:6, 7 ay naglalahad na sa mahigpit na pagbabaka ang mga kawal ni David ay pumatay ng 20,000 rebelde. Ang isang bahagi ng susunod na talata 2 Sam 18:8 ay nagsasabi pa: “At, higit pa ang ginawa ng gubat na paglamon sa bayan kaysa ginawa ng tabak na paglamon sa kanila sa araw na iyon.”

      May mga nagsasabi na ito’y tumutukoy sa mga rebeldeng sundalo, na nilamon ng mababangis na hayop na nasa mga gubat. (1 Samuel 17:36; 2 Hari 2:24) Subalit ang gayong literal na paglamon ng mga hayop ay hindi siyang ibig tukuyin, gaya rin ng “tabak” na hindi literal na lumamon sa mga nangapatay sa labanan. Ang totoo, ang labanan ay “lumaganay psa buong lupain na nakikita.” Malamang na mas tama ang paliwanag na ang nagaping mga kawal ni Absalom, na nagkagulu-gulo na at nagsisitakas nang sila’y naroroon sa mabatong gubat, ay marahil nahulog sa mga hukay at nakakubling mga bangin, at sila’y napapulupot sa makakapal ang tubo na mga halaman. Kapuna-puna, ang ulat ay patuloy na nagsasabi na si Absalom mismo ay nasawi sa gubat. Marahil dahilan sa kaniyang malagong buhok, ang ulo niya ay napasabit sa isang malaking punungkahoy, at siya’y napahantad na walang magawa sa pag-atake ni Joab at ng kaniyang mga kawal at ito ang ikinamatay niya. Ang bangkay ni Absalom ay ‘inihagis sa malaking hukay sa gubat, at tinabunan siya ng isang malaking bunton ng mga bato.’​—2 Samuel 18:9-17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share