-
Si Jehova ang Ating MaylikhaMinisteryo sa Kaharian—1995 | Hunyo
-
-
Si Jehova ang Ating Maylikha
1 Milyun-milyong tao ang naniniwala na nilikha ng Diyos ang buhay. Marami rin ang naniniwala sa ebolusyon. Naririyan din ang mga hindi nakatitiyak kung ano ang dapat paniwalaan. Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? ay para sa lahat ng gayong mga tao. Ang publikasyong ito ay naghaharap ng lubusang paliwanag salig sa pagsusuri kung papaano nagkaroon dito ng buhay at kung ano ang kahulugan nito para sa ating kinabukasan. Sa Hunyo, ating itatampok ang mainam na aklat na ito.
2 Kinilala kahit na ng mga prominenteng tao sa isang siyentipikong komunidad ang kakaibang lohika ng aklat. Isang siyentipikong mananaliksik sa Netherlands ang sumulat: “Ang aklat na ito ay tunay na nakahihigit sa lahat ng aking inaasahan. Ang makatuwirang pagkakasunud-sunod ng mga kabanata at ang mga ilustrasyon ay angkop sa makasiyentipikong panahon anupat dapat na maging bulag ka upang tutulan ang mga ito.” Nagpahayag ang isang abogado: “Nabasa ko ito ng apat na ulit at patuloy na humahanga sa lalim ng pag-aaral, karunungan, at ebidensiya na ginawa sa paglalathala nito.” Kaya makapagtitiwala tayo na mapahahalagahan ng iba pa ang aklat na ito.
3 Maaari ninyong piliin ang maikling presentasyong gaya nito:
◼ Buksan sa pahina 6, at sabihin: “Maraming tao ang nag-iisip na ang ating magandang lupa at buhay dito ay bunga ng isang aksidente. Ano sa palagay ninyo ang makatuwirang paliwanag kung papaano nangyari ang lahat ng ito? [Hayaang sumagot.] Napakaraming ebidensiya ang nagpapatunay sa ulat ng Bibliya hinggil sa isang Maylikha na hindi lamang napakamakapangyarihan kundi labis na umiibig din sa atin. Siya ang tunay na Diyos, at ang kaniyang pangalan ay Jehova.” Basahin ang Awit 83:18, at ipaliwanag sa maikli kung papaanong layunin niyang baguhin ang buong lupa tungo sa isang paraiso.
4 Kung nais ninyong magtungo kaagad sa punto, maaari ninyong sabihin:
◼ “Napag-isipan na ba ninyo ang katanungang ito?” Ipakita ang pamagat, bumaling sa pahina 7, basahin ang mga tanong sa parapo 2, at ipaliwanag na ang aklat ay nagbibigay ng kasiya-siyang mga sagot mula sa Bibliya.
5 O maaari ninyong subukin ito:
◼ “Napag-isipan na ba ninyo kung bakit ang lupa ay lumitaw? Iginigiit ng marami na ito ay resulta ng dambuhalang kosmikong pagsabog. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nagtuturo na nilalang ng Diyos ang lupa bilang ating walang hanggang tahanan. Ito’y kakaiba sa mga planeta sa ating sistema solar. Ayon sa ating alam, ito lamang sa sansinukob ang tanging nagtataglay ng lahat ng masalimuot na probisyong kailangan upang mapanatili ang buhay.” Bumaling sa parapo 5 sa pahina 130, at ipaliwanag kung bakit ang lupa ay ginawa ng isang Dalubhasang Disenyador.
6 Ang isa pang paglapit ay maaaring gaya nito:
◼ “Ang ilang tao ay nag-aakalang tayo’y nagmula sa ‘taong-unggoy.’ Kanilang inaangkin na ang ating mga ninuno ay kagaya nito. [Ipakita ang larawan sa pahina 89.] Ano sa palagay ninyo?” Hayaang sumagot. Ipakita kung ano ang sinasabi sa parapo 20, at pagkatapos ay basahin ang Gawa 4:24, na nagpapakilala kay Jehova bilang ating Maylikha at Tagapagbigay-Buhay. “Ang aklat na ito ay gumagawa ng pagsusuri sa buong teoriya ng ebolusyon hinggil sa sinasabi ng Bibliya.” Bumaling sa talaan ng mga nilalaman sa pahina 5, at ipakita ang ilang pamagat, gaya niyaong nasa mga kabanata 1, 7, 15, at 19.
7 Ang aklat na ito ay isang pagpapala sa taimtim na mga tao na nailigaw ng mga walang pananampalataya kay Jehova o sa kaniyang Salita. Ang makatotohanang impormasyong taglay ng aklat na Creation ay makatutulong sa gayong mga tao na lumaki ang pagpapahalaga sa ating Maylikha, na maibiging nagmamalasakit sa atin.
-
-
Tulungan Yaong mga Walang PananampalatayaMinisteryo sa Kaharian—1995 | Hunyo
-
-
Tulungan Yaong mga Walang Pananampalataya
1 Sa kaarawang ito, pagiging popular ang malasin bilang isang may pinag-aralan at may pasulong na kaisipan. Ang mga pilosopiya ng tao at kinahuhumalingang mga teoriya ay dinadakila, samantalang ang mga espirituwal na kahalagahan ay niwawalang-bahala. Ang taimtim na mga taong interesado sa simpleng mga katunayan at madaling unawaing katotohanan ay magsusuri sa aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ang aklat na ito ay makatutulong sa mga kulang sa pananampalataya. (Roma 1:19, 20) Tiyaking gumawa ng mga pagdalaw-muli sa lahat na nagpakita ng interes.
2 Maaari kayong magsimula sa pagtalakay sa ganitong paraan:
◼ “Natitiyak kong batid ninyo na maraming tagapagturo ang nagtataguyod sa paniniwala na ang sambahayan ng tao ay lumitaw dito sa pamamagitan ng ebolusyon. Ito’y nagtuturo na ang lahat ay lumitaw sa pamamagitan ng aksidente. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot.] Ang ideang ito ay tinatawag na teoriya. Ang teoriya ay ‘isang pala-palagay’ o ‘isang di-napatunayang pag-aangkin.’ Sa loob ng daan-daang taon ang mga tao ay naniwala na ang lupa ay lapad; ngayo’y nababatid natin na iyon ay isang mangmang na pag-aangkin na hindi salig sa katotohanan. Ito ba’y totoo rin sa teoriya ng ebolusyon?” Basahin ang pambungad na komento sa pahina 4, at pagkatapos ay talakayin ang Isaias 42:5.
3 O maaari ninyong gamitin ang ganitong paraan sa inyong pagbabalik:
◼ “Karaniwan nang makita ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Noong mga nakaraang taon, iyo’y pambihira. Bakit sa palagay ninyo’y nawawala ang pananampalataya ng marami sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Ibinibintang ng iba ang pagkawala ng kanilang pananampalataya sa nakapangingilabot na paglago ng karahasan at kabagabagan sa ating daigdig. Sila’y nangangatuwiran na kung may Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, bakit hindi niya wakasan ang lahat ng pagdurusang ito? Yaong mga hindi makasumpong ng kasiya-siyang sagot sa katanungang iyon ay kadalasang nagiging ateista. Subalit may nangingibabaw na katibayan na nagpapatunay na ang Diyos ay umiiral at hindi na magtatagal ay gagawin niya ang lupa na isang dako ng kaligayahan at kapayapaan.” Ipagpatuloy ang pagtalakay sa pamamagitan ng paggamit ng maka-Kasulatang mga punto na masusumpungan sa parapo 19 sa pahina 196.
4 Hawak ang inyong Bibliya, maaari ninyong buksan ang pag-uusap sa pagsasabing:
◼ “Muli kaming dumadalaw upang ipakita kung bakit ang pag-aaral ng Bibliya ay praktikal sa ating kapanahunan. Maraming tao ang may Bibliya, subalit iilan lamang ang kumukuha ng panahon upang basahin ito. Tahasang sinasabi ng iba na sila’y wala nang tiwala sa Bibliya. Ano ang palagay ninyo dito? [Hayaang sumagot.] Ang isa sa mga bagay na humihikayat sa atin upang maniwala na ang Bibliya ay kinasihang Salita ng Diyos ay ang katuparan ng mga hula nito.” Bumaling sa mga teksto sa Kasulatan sa parapo 6 sa pahina 234.
5 Ang paraang ito ay maaaring magbunga ng kanais-nais na pagtugon:
◼ “Nakikita natin ang kagandahan at kamangha-manghang katunayan ng karunungan sa mga bagay na nakapalibot sa atin sa lupang ito. Ang magandang larawang ito ng paglubog ng araw ay isang angkop na halimbawa.” [Ipakita ang ilustrasyon sa mga pahina 12 at 13.] Banggitin ang mga punto mula sa “Ilang Bagay na Mapag-iisipan” at ipaliwanag kung papaanong ang aklat na ito ay naglalaan ng kasiya-siyang kasagutan sa mahahalagang tanong hinggil sa ating daigdig.
6 Maaari tayong maging isang pagpapala sa iba sa pamamagitan ng paggamit sa aklat na ito upang tulungan silang makasumpong ng matatag na saligan ng pananampalataya sa kanilang Maylikha.
-