Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Kayo ang mga Nakatugon sa Inaasahan ng Diyos sa Atin”
    Ang Bantayan—1999 | Enero 15
    • “Kayo ang mga Nakatugon sa Inaasahan ng Diyos sa Atin”

      SA PAKIKIPAGTULUNGAN sa sekular na mga awtoridad “alang-alang sa Panginoon,” makaaasa ang mga Kristiyano na sila’y makatatanggap ng ‘papuri [bilang] mga gumagawa ng mabuti.’ (1 Pedro 2:13-​15) Kamakailan lamang ay naranasan ito ng mga Saksi ni Jehova sa Timog Aprika sa isang pandistritong kombensiyon na ginanap nila sa isang bulwagan sa kampus ng kolehiyo.

      Noong unang araw ng kombensiyon, inihanda na ng mga guwardiya ng kolehiyo ang kanilang sarili para sa ilang inaasahang maiinit-ang-ulo at ayaw-makipagtulungang mga delegado, gaya ng palagi nilang nagiging karanasan sa ibang uri ng mga kombensiyon. Gayunman, palibhasa’y ngayon lamang sila nakitungo sa mga Saksi ni Jehova, tiyak na makararanas sila ng isang magandang sorpresa!

      Bilang bahagi ng kanilang regular na pagsisiyasat bago magpapasok, sinusuri muna ng mga guwardiya ang bawat kotseng pumapasok at lumalabas sa kanilang bakuran. Nagulat sila nang bumungad sa kanila ang kabaitan, pagpapasensiya, at paggalang, kahit na naaabala ang mga delegado sa kanilang pagsisiyasat. Walang pagtutol, pagtatalo, at mapang-abusong pananalita na tulad noon. “Di-gaya ng ibang bisita,” sabi ng isang guwardiya, “kitang-kita namin sa inyo ang mapagpakumbabang espiritu at kahinahunan.”

      Nang mapansin ng punong guwardiya ang matulunging paggawi ng mga Saksi ni Jehova, ipinasiya niyang hindi na kailangan pang siyasatin ang mga kotse “sapagkat,” sabi niya, “napakadisiplinado ninyo.” Sa gayon, ang mga kotse na may nakadikit na “JW” para makaparada ay pinapapasok nang hindi na sinisiyasat.

      Sa pagtatapos ng kombensiyon, sinabi ng punong guwardiya na sana’y makita niya agad muli ang mga Saksi. “Ngayon lamang kami nakakita ng matitinong tao,” sabi niya. “Kayo ang mga nakatugon sa inaasahan ng Diyos sa atin.” Ang ganiyang komendasyon ay isa pang karagdagang pampasigla para sa tunay na mga Kristiyano upang ‘mapanatiling mainam ang paggawi,’ nang sa gayon ay ‘luwalhatiin [ng mga tao] ang Diyos bilang resulta ng maiinam na gawa na dito sila ay mga saksing nakakita.’​—1 Pedro 2:12.

  • Tatanggapin Mo ba ang Isang Pagdalaw?
    Ang Bantayan—1999 | Enero 15
    • Tatanggapin Mo ba ang Isang Pagdalaw?

      Maging sa maligalig na sanlibutang ito, ikaw ay makapagtatamo ng kaligayahan buhat sa tumpak na kaalaman sa Bibliya tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang kahanga-hangang layunin para sa sangkatauhan. Kung nais mo ng higit pang impormasyon o ibig mong may dumalaw sa inyong tahanan upang magdaos sa iyo ng isang walang-bayad na pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share