-
BibliyaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Ingles.’ (2) ‘Ipinakikita ng talaang ito (“Table of the Books of the Bible,” sa NW) na ang Genesis, na siyang unang aklat ng Bibliya, ay natapos noong 1513 B.C.E. Alam ba ninyo na, pagkatapos maisulat ang Genesis, 2,900 taon ang lumipas bago naisalin sa Ingles ang buong Bibliya? At mahigit na 200 taon ang lumipas muli bago natapos ang King James Version (1611 C.E.).’ (3) ‘Mula noong ika-17 siglo, marami nang pagbabago ang dinaanan ng Ingles. Nararanasan natin ito sa ating sariling panahon, hindi ba? . . . Kaya nagpapahalaga tayo sa makabagong mga salin na buong-ingat na naghaharap ng orihinal na mga katotohanan sa wikang ginagamit natin sa ngayon.’
‘Sarili ninyong salin iyan’
Tingnan ang paksang “New World Translation.”
-
-
BuhayNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Buhay
Kahulugan: Isang aktibong kalagayan na nagbubukod sa mga halaman, hayop, tao, at espiritung nilalang mula sa mga bagay na walang buhay. Ang pisikal na mga bagay na may buhay karaniwan na’y nagtataglay ng kakayahang lumaki, may metabolismo, tumutugon sa pampasigla mula sa iba, at nagpapakarami. Ang halaman ay may aktibong buhay nguni’t hindi bilang isang may-sentidong kaluluwa. Sa makalupang mga kaluluwa, hayop at tao, may aktibong puwersa ng buhay na nagpapakilos sa kanila at mayroon ding hininga upang ito’y panatilihin.
Ang tunay na kahulugan ng buhay, gaya ng ikinakapit sa matalinong mga persona, ay ang sakdal na pag-iral taglay ang karapatan nito. Ang kaluluwang-tao ay hindi imortal. Subali’t ang tapat na mga lingkod ng Diyos ay may pag-asa ng walang-hanggang buhay sa kasakdalan—sa lupa para sa marami, sa langit para sa isang “munting kawan” bilang tagapagmana ng Kaharian ng Diyos. Sa kanilang pagkabuhay-muli bilang mga espiritu, ang mga miyembro ng uring pang-Kaharian ay pinagkakalooban din ng imortalidad, isang uri ng buhay na hindi nangangailangan ng anomang bagay na nilikha upang ito’y pamalagiin.
Ano ang layunin ng buhay ng tao?
Upang magkaroon ng layunin sa buhay kailangan nating kilalanin ang Bukal ng buhay. Kung ang buhay ay basta nagkataon lamang at walang matalinong lumikha, ang pag-iral natin ay walang layunin, at hindi tayo makagagawa ng plano para sa isang tiyak na kinabukasan. Nguni’t ang Gawa 17:24, 25, 28 ay nagsasabi
-