Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 8/15 p. 29
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • “Gumamit ng Kaunawaan ang Mambabasa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Magtiwala Ka kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mga Pamilya, Purihin ang Diyos Bilang Bahagi ng Kaniyang Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Bawat Isa’y Magiging Malaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 8/15 p. 29

Natatandaan Mo Ba?

Nasumpungan mo bang naging kapaki-pakinabang para sa iyo ang kamakailang mga labas ng Ang Bantayan? Kung gayon bakit hindi mo subukin ang iyong memorya sa sumusunod na mga tanong:

◻ Anong dalawang tanong ang nakatulong sa maraming Kristiyano na nangangailangang gumawa ng mga pagpapasiya sa trabaho na makapagdesisyon nang personal?

Ang unang susing tanong ay: Masama ba ang turing ng Bibliya sa sekular na trabahong iyon? Ang pangalawang tanong ay: Ang trabaho bang ito ay magpapangyari sa isa na maging kasabuwat sa isang hinatulang gawain?​—4/15, pahina 28.

◻ Sa anong paraan ‘napasakop sa kawalang-saysay ang mga taong nilalang’? (Roma 8:20)

Tayo ay “ipinasakop sa kawalang-saysay” dahil sa mga ginawa ng ating unang mga magulang, sina Adan at Eva. Ito’y “hindi sa [ating] sariling kalooban” o ito ma’y nangyari bunga ng personal na pagpili ng isa. Minana natin ito. Bagaman ang maipapasa lamang nila ngayon ay di-kasakdalan, kasalanan, at kamatayan, buong-kaawaang pinahintulutan pa rin sila ni Jehova na magkaanak. Lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao, kaya sa diwang iyon ay “ipinasakop [ng Diyos ang paglalang] sa kawalang-saysay.”​—5/1, pahina 5.

◻ Bakit makatuwirang sabihin na sa hinaharap pa ang ‘pagtayo sa dakong banal’ ng “kasuklam-suklam na bagay”? (Mateo 24:15)

Sa sinaunang parisan, ‘ang kasuklam-suklam na bagay na nakatayo sa isang dakong banal’ ay iniugnay sa pagsalakay ng mga Romano sa ilalim ni Heneral Gallus noong 66 C.E. Ang modernong-panahong katumbas ng pagsalakay na iyan​—ang pagsiklab ng “malaking kapighatian”​—ay sa hinaharap pa. (Mateo 24:21) Kaya “ang kasuklam-suklam na bagay na sanhi ng pagkatiwangwang” ay tatayo pa lamang sa isang dakong banal.​—5/1, pahina 16, 17.

◻ Paano magkakaroon ng panahon para sa kanilang mga anak ang isang nagtatrabahong ama at ina?

Ang inang pagod na pagod pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho ay maaaring humiling sa kaniyang mga anak na tulungan siya sa paghahanda ng pagkain. Maaaring katulungin ng amang may napakahabang listahan ng mga bagay na gagawin sa dulong sanlinggo ang kaniyang mga anak na gawin ang ilan sa mga gawaing iyon.​—5/15, pahina 6.

◻ Ano ang dapat gawin niyaong mga ‘lumalakad sa daan ni Jehova’? (Jeremias 7:23)

Kailangan sa paglakad sa daan ni Jehova ang pagkamatapat​—ang pasiya na siya lamang ang paglilingkuran. Nangangailangan ito ng tiwala​—lubusang pananampalataya na maaasahan at matutupad ang mga pangako ni Jehova. Ang paglakad sa daan ni Jehova ay humihiling ng pagkamasunurin​—pagsunod sa kaniyang mga batas nang walang paglihis at pag-iingat ng kaniyang mataas na mga pamantayan. (Awit 11:7)​—5/15, pahina 14.

◻ Ano ang apat na mahahalagang pananagutan na maaaring isakatuparan ng “mga kaloob na mga tao”? (Efeso 4:8)

Maaari nila tayong magiliw na ibalik sa ayos, maibiging patibaying-loob, tulungan na maging kaisa ng kongregasyon, at may-katapangang ipagsanggalang. (Efeso 4:12-14)​—6/1, pahina 14.

◻ Ano ang maaari nating matutuhan mula sa pakikisama ni Pablo sa mga sandaang indibiduwal na binanggit sa Mga Gawa at sa kaniyang mga liham?

Dapat na lagi tayong gumagawang kasama ng organisasyon ng Diyos, ng ating lokal na kongregasyon, at ng ating mga kapananampalataya. Kailangan natin ang kanilang tulong, suporta, at pang-aaliw sa kaayaayang kapanahunan at sa maligalig na kapanahunan.​—6/1, pahina 31.

◻ Anong tatlong hanay ng pangangatuwiran ang maaaring gamitin sa pagtulong sa iba na pag-isipan ang tungkol sa Maylalang?

Ang eksaktong kaayusan na nababanaag sa napakalawak na sansinukob, ang pinagmulan ng buhay sa lupa, at ang di-maikakailang pagkabukod-tangi ng utak ng tao, kalakip na ang sari-saring kakayahan nito.​—6/15, pahina 18.

◻ Bakit napakahalaga ang pagkaunawa sa kahulugan ng personal na pangalan ng Maylalang?

Ipinahihiwatig ng pangalan ng Diyos na “Pinapangyayari Niya na Maging” at idiniriin na siya’y kapuwa naglalayon at kumikilos. Sa pagkaalam at paggamit natin ng kaniyang pangalan, higit nating mapahahalagahan na tumutupad siya ng mga pangako at aktibong pinapangyayari ang kaniyang layunin.​—6/15, pahina 21.

◻ Paano maisasangkot ang mga bata sa isang pampamilyang pag-aaral sa Bibliya?

Kung posible, isaayos na bawat bata ay may sariling Bibliya at magasing pinag-aaralan. Maaaring hilingan ang isang kabataan na ipaliwanag ang mga larawang kalakip sa materyal na pinag-aaralan, at ang isang paslit ay maaaring patiunang atasan na bumasa ng isang teksto. Ang isa namang nakatatanda ay maaaring atasan na bumanggit ng mga pagkakataon na doo’y maaaring ikapit ang araling materyal.​—7/1, pahina 15.

◻ Ano ang ilang tunguhin na maaaring ilakip ng isang pamilya sa paghahanda para sa mga pulong ng kongregasyon?

(1) Ang bawat isa sa pamilya ay handang magkomento sa mga pulong; (2) ang bawat isa ay nagsisikap na magkomento sa kaniyang sariling pananalita; (3) inilalakip ang mga teksto sa pagkokomento; at (4) sinusuri ang materyal taglay ang layuning maikapit sa sarili.​—7/1, pahina 20.

◻ Ano ang susi sa isang matagumpay na pag-aasawa?

Upang mabuksan at maranasan ang mahahalagang kagalakan sa isang matagumpay na pag-aasawa, napakahalaga ng kaayaayang pag-uusap. Kasangkot dito ang pagbabahagi ng mga damdamin at ideya. At kasali sa kaayayang pag-uusap ang nakapagpapatibay, nakarerepresko, may kagalingan, kapuri-puri, at nakaaaliw na bagay. (Efeso 4:29-32; Filipos 4:8)​—7/15, pahina 21.

◻ Ano ang ‘daan ni Jehova’? (Awit 25:8, 9, 12)

Ang daang iyon ay ang daan ng pag-ibig. Iyon ay nakasalig sa paggawa ng kung ano ang tama ayon sa mga pamantayan ng Diyos. Tinatawag ng Bibliya na “isang nakahihigit na daan” ang pagkakapit ng may-simulaing pag-ibig na ito. (1 Corinto 12:31)​—8/1, pahina 12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share