-
Ang Pagtatapat na Umaakay sa PaggalingAng Bantayan—2001 | Hunyo 1
-
-
at ang nakapagpapatibay na pakikisama sa mga kapuwa mananamba ay nakapagpapagaling. Oo, salig sa pantubos ni Kristo, maaaring maranasan ng isang nagsisisi ‘ang kayamanan ng di-sana-nararapat na kabaitan [ng Diyos].’—Efeso 1:7.
“Isang Dalisay na Puso” at “Isang Bagong Espiritu”
Pagkatapos na magtapat si David, hindi siya nagpadaig sa isang negatibong pagkadama ng kawalang-kabuluhan. Ang kaniyang mga pananalita sa mga awit na isinulat niya tungkol sa pagtatapat ay nagpapakita ng ginhawang nadama niya at ng kaniyang determinasyon na maglingkod sa Diyos nang may katapatan. Halimbawa, tingnan ang Awit 32. Sa talata 1, mababasa natin: “Maligaya siya na ang kaniyang pagsalansang ay pinagpapaumanhinan, na ang kaniyang kasalanan ay tinatakpan.” Gaano man kalubha ang pagkakasala, posibleng maging maligaya ang kalalabasan kung taimtim ang isang tao sa kaniyang pagsisisi. Ang isang paraan upang maipakita ang kataimtimang ito ay sa pamamagitan ng pagtanggap ng buong pananagutan sa mga pagkilos ng isa, gaya ng ginawa ni David. (2 Samuel 12:13) Hindi niya tinangkang ipagmatuwid ang kaniyang sarili sa harap ni Jehova o sinubukan mang ipasa sa iba ang sisi. Sinasabi sa talata 5: “Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan. Sinabi ko: ‘Ipagtatapat ko ang tungkol sa aking mga pagsalansang kay Jehova.’ At pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.” Ang tunay na pagsisisi ay nagdudulot ng ginhawa, anupat ang isang tao ay hindi na babagabagin ng kaniyang budhi dahil sa nakalipas na mga pagkakamali.
Pagkatapos na magsumamo upang makamit ang kapatawaran ni Jehova, hiniling ni David: “Likhain mo sa akin ang isang dalisay na puso, O Diyos, at maglagay ka sa loob ko ng isang bagong espiritu, yaong matatag.” (Awit 51:10) Ang paghiling ng “isang dalisay na puso” at “isang bagong espiritu” ay nagpapakita na batid ni David ang makasalanang hilig sa loob niya at na kailangan niya ang tulong ng Diyos upang linisin ang kaniyang puso at magkaroon ng bagong pasimula. Sa halip na magpadaig sa pagkahabag sa sarili, determinado siyang magpatuloy sa kaniyang paglilingkod sa Diyos. Nanalangin siya: “O Jehova, ibuka mo nawa ang mga labi kong ito, upang ang aking bibig ay makapagpahayag ng iyong kapurihan.”—Awit 51:15.
Ano ang naging pagtugon ni Jehova sa taimtim na pagsisisi ni David at sa dibdiban nitong pagsisikap na paglingkuran siya? Binitiwan niya kay David ang nakapagpapasiglang katiyakang ito: “Pagkakalooban kita ng kaunawaan at tuturuan kita hinggil sa daan na dapat mong lakaran. Magpapayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.” (Awit 32:8) Ito’y katiyakan ng personal na atensiyon ni Jehova sa mga damdamin at mga pangangailangan ng
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2001 | Hunyo 1
-
-
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Yamang handa naman si Jehova na magpatawad ng mga kasalanan salig sa bisa ng haing pantubos, bakit kailangan pang magtapat ang mga Kristiyano sa matatanda sa kongregasyon?
Gaya ng makikita sa kaso nina David at Bat-sheba, pinatawad ni Jehova ang kasalanan ni David, bagaman malubha, dahil sa taimtim na pagsisisi ni David. Nang lapitan siya ng propetang si Natan, hayagang ipinagtapat ni David: “Ako ay nagkasala laban kay Jehova.”—2 Samuel 12:13.
Gayunman, hindi lamang tinatanggap ni Jehova ang taimtim na pagtatapat ng isang nagkasala at pinatatawad ito kundi gumagawa rin siya ng maibiging mga paglalaan upang tulungan ang nagkasala na gumaling sa espirituwal. Sa kaso ni David, ang tulong ay dumating sa pamamagitan ng propetang si Natan. Sa ngayon, sa Kristiyanong kongregasyon, may matatandang lalaki na may-gulang sa espirituwal, o matatanda. Nagpaliwanag ang alagad na si Santiago: “Mayroon bang sinumang may sakit [sa espirituwal] sa inyo? Tawagin niya ang matatandang lalaki ng kongregasyon, at ipanalangin nila siya, na pinapahiran siya ng langis sa pangalan ni Jehova. At ang panalangin ng pananampalataya ay magpapagaling sa isa na may dinaramdam, at ibabangon siya ni Jehova. Gayundin, kung nakagawa siya ng mga kasalanan, ito ay ipatatawad sa kaniya.”—Santiago 5:14, 15.
Malaki ang magagawa ng makaranasang matatanda upang paginhawahin ang kirot ng puso na nadarama ng isang nagkasala na nagsisisi. Pinagsisikapan nilang tularan si Jehova sa kanilang pakikitungo sa kaniya.
-