Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Diyos
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • kong naniniwala kayo na mahalagang tiyakin na bawa’t pinaniniwalaan natin ay nakakasuwato ng sinasabi mismo ng Diyos. Maaari ko bang ibahagi sa inyo ang kahit isa lamang kaisipan mula sa Bibliya tungkol dito? (Awit 83:18)’

  • Mga Droga
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Droga

      Kahulugan: May iba’t-ibang pagpapakahulugan ang salitang “droga.” Sa diwang pinag-uusapan dito, ang mga ito’y sustansiyang hindi ukol sa pagkain, na nagpapabago sa isipan, na hindi ginagamit sa layuning manggamot, kundi sa pagsisikap lamang na takasan ang mga suliranin sa buhay, upang makamit ang isang mapangaraping pakiramdam o upang makadama ng kasiyahan o ng kasiglahan.

      Talaga bang ipinagbabawal ng Bibliya ang paggamit ng mga droga ukol sa kasiyahan?

      Hindi nito tinutukoy sa pangalan ang mga sustansiyang gaya ng heroin, cocaine, LSD, PCP (angel dust), marijuana, at tabako. Subali’t naglalaan ito ng mga giya upang malaman natin ang dapat gawin at dapat iwasan upang makalugod sa Diyos. Kasuwato nito, hindi sinasabi ng Bibliya na mali ang gumamit ng baril sa pagpatay ng tao, subali’t ipinagbabawal nito ang pagpatay.

      Luc. 10:25-27: “ ‘Ano ang dapat kong gawin upang magmana ng walang-hanggang buhay?’ . . . ‘ “Dapat mong ibigin si Jehovang iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong lakas mo at nang buong isip mo,” at “ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.” ’ ” (Talaga kayang iniibig ng isa ang Diyos nang kaniyang buong kaluluwa at ng kaniyang buong isip kung uugaliin niyang gawin ang mga bagay na magpapaikli sa kaniyang buhay at magpapalabo sa kaniyang isip? Nagpapakita kaya siya ng pag-ibig sa kapuwa kung magnanakaw siya upang matustusan ang kaniyang bisyo sa droga?)

      2 Cor. 7:1: “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito [na si Jehova ang ating Diyos at Ama], mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Diyos.” (Nguni’t makakaasa kaya tayo na magkamit ng pagsang-ayon ng Diyos kung kusa nating ginagawa ang mga bagay na magpaparumi sa ating mga katawan?)

      Tito 2:11, 12: “Sapagka’t nahayag ang di-na-sana nararapat na kabaitan ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng uri ng tao, na nagtuturo sa atin na tumanggi sa kalikuan at sa makasanlibutang mga pita at mamuhay nang may matinong pag-iisip [“may pagpipigil-sa-sarili,” JB; ‘magtaguyod ng buhay na may pagpipigil-sa-sarili,’ TEV] at sa katuwiran at kabanalan sa gitna ng kasalukuyang pamamalakad ng mga bagay.” (Kasuwato ba ng payong ito ang paggamit ng mga droga na pumipinsala sa matalinong pagpapasiya ng isa o nagpapangyari sa kaniya na mawalan ng pagpipigil-sa-sarili?)

      Gal. 5:19-21: “At hayag ang mga gawa ng laman, samakatuwid ay ang mga ito . . . espiritismo . . . mga kalayawan, at ang mga katulad nito. . . . Yaong mga nagsisigawa ng mga bagay na ito ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos.” (Ang literal na kahulugan ng salitang Griyego na phar·ma·kiʹa, na dito’y isinaling “espiritismo,” ay ang “pagdodroga.” Bilang komento sa salitang Griyegong ito, ay ganito ang sinabi ng An Expository Dictionary of New Testament Words, ni W. E. Vine: “Sa pangkukulam, ang paggamit ng mga droga, maging ligtas o nakalalason, ay karaniwan nang nilalakipan ng mga dasal at pagsusumamo sa makapangyarihang mga espiritu, ng paggamit ng iba’t-ibang agimat, anting-anting, atb., na sinadya upang ang gumagamit nito ay ipagsanggalang mula sa kapangyarihan ng mga demonyo, subali’t ang totoo’y upang ang mahiwagang kakayahan at kapangyarihan ng mangkukulam ay idiin sa gumagamit.” [Londres, 1940, Tomo IV, p. 51, 52] Tulad din sa ngayon, marami sa mga gumagamit ng droga ay nasasangkot sa mga kaugaliang espiritistiko o kaya’y nakikisama sa mga gumagawa ng gayon, yamang ang isang blangkong isipan o ang isipang nahihibang ay madaling nagiging biktima ng mga demonyo. Ihambing ang Lucas 11:24-26.)

      Tito 3:1: “Pasakop [kayo] sa mga pinuno at maging masunurin sa mga pamahalaan at maykapangyarihan.” (Sa maraming dako, ang pagtataglay o paggamit ng ilang droga ay labag sa batas.)

      Yamang ang ilan sa mga droga ay tumutulong upang ang isa ay makadama ng kasiyahan, papaano nakakapinsala ang mga ito?

      2 Tim. 3:1-5: “Sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahon. Sapagka’t ang mga tao’y magiging . . . maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Diyos . . . Lumayo ka rin naman sa mga ito.” (Maliwanag na nagbibigay-babala ang Bibliya laban sa paghahangad ng kasiyahan anupa’t ito ang ating inuuna sa halip ng pagkakapit ng matuwid na mga simulain ng Salita ng Diyos at ng pagkakamit ng kaniyang pagsang-ayon.)

      Ang ilang NARKOTIKO ay nagdudulot ng ginhawa mula sa sakit at nagbubunga ng damdaming nasisiyahan, subali’t ang mga ito’y nakakasugapa at maaaring magbunga ng kamatayan dahil sa pagmamalabis. Ang pagsinghot ng ilang mga SOLVENT ay maaaring magdulot ng kasiglahan, subali’t nagpapalabo ito sa pagsasalita, nakakaduling, at nagpapahina sa pagsupil ng kalamnan, bukod pa sa pagdudulot ng di-na-mapapagaling na pinsala sa utak, atay at mga bato. Ang mga HALLUCINOGEN ay nagpapadama ng pagiging-“high” at waring nakakapawi ng pagod, subali’t ang mga ito rin nama’y pumipinsala sa paningin kaugnay ng pagtantiya sa distansiya, pumipinsala sa matinong pangangatuwiran, at nagbubunga ng di-na-maitutuwid na pagbabago sa personalidad at humahantong sa pagkahilig sa pagpapatiwakal o pagpatay.

      Kumusta naman ang marijuana​—ito ba’y walang peligro? Sabi ng ibang doktor ay mayroon daw

      Noong una, iminungkahi ni David Powelson, M.D., dating hepe ng psychiatry, sa Cowell Hospital, University of California, Berkeley, na gawing legal ang marijuana. Nitong huli, makaraang makakuha ng karagdagang ebidensiya, ganito ang kaniyang isinulat: “Naniniwala ako ngayon na ang marijuana ang pinakamapanganib na droga na dapat nating harapin: 1. Mapandaya ang panimulang paggamit nito. Ang gumagamit ay nagkakaroon ng guni-guni na siya’y napapabuti; hindi niya nadadama ang panghihina ng kaniyang isip at mga sangkap ng katawan. 2. Ang patuluyang paggamit nito ay umaakay sa pagkahibang. Pagkaraan ng isa hanggang tatlong taon ng patuloy na paggamit ay nagkakaroon na siya ng sakit sa isipan.”​—Executive Health Report, Oktubre 1977, p. 8.

      Si Dr. Robert L. DuPont, dating direktor ng National Institute on Drug Abuse sa Estados Unidos, na noong nakaraan ay iniulat na pinagagaan ang panganib mula sa marijuana, kamakailan lamang ay nagsabi ng ganito: “Ang tunay na suliranin ay ang panganib sa kalusugan na inihaharap ng epidemyang ito [ng paggamit ng mga kabataan sa marijuana], panganib na sa pinakakaunti ay dalawang uri. Ang isa ay ang mga epekto ng pagkalasing, gaya ng panganib sa pagmamaneho hanggang sa kawalan ng pakialam sa kung anoman ang mangyari. Ang isa pang pitak ay lubusang may kinalaman sa pisikal. Dito ang nakakabahala ay ang palagiang pagkakaroon ng brongkitis hanggang sa posibleng nakapipinsalang epekto sa mga hormone, mga epekto sa kakayahan ng katawan na labanan ang sakit, at posibleng pati na ang kanser.”​—Montreal Gazette, Marso 22, 1979, p. 9.

      Ang Science Digest ay nagbigay ng ganitong mga detalye: “Sa kalaunan, ang palagiang paghitit ng marijuana ay maaaring magpalaki sa agwat ng mga nerbiyos sa utak na kinakailangan sa mahahalagang gawain na tulad ng pag-alaala, emosyon at paggawi. Upang magampanan ng mga nerbiyos ang kanilang gawain, dapat silang makipagtalastasan sa isa’t-isa.” Pagkatapos, bilang pagkokomento sa resulta ng mga pag-eeksperimento sa mga hayop, nagpatuloy pa ang artikulo: “Ang pinaka-kapansinpansing epekto ay naganap sa septum, na nauugnay sa mga emosyon; sa hippocampus, na siyang may kinalaman sa pagbuo ng alaala; at sa amygdala, na may pananagutan sa ilang paraan ng pagkilos.”​—Marso 1981, p. 104.

      Ang paggamit ba ng marijuana ay mas malala pa sa pag-inom ng alkohol?

      Ang alkohol ay pagkain na tinutunaw ng katawan upang maglaan ng enerhiya; at ang mga labi nito ay inilalabas ng katawan. Gayumpaman, ganito ang sinabi ng isang psycho-pharmakologo: “Ang marijuana ay isang gamot na napakatapang, at ang pinakamalaking pagkakamali na maaari nating magawa ay ang ihambing ito sa alkohol.” “Kung paghahambingin batay sa bawa’t molekula, ang THC [sa marijuana] ay 10,000 ibayo ang tapang kaysa alkohol sa kakayahan nito na makapagdulot ng katamtamang pagkalasing . . . Ang THC ay inilalabas sa katawan nang paunti-unti, at maraming buwan ang kakailanganin bago makabawi mula sa mga epekto nito.” (Executive Health Report, Oktubre 1977, p. 3) Alam ng Maylikha kung papaano ang pagkakayari sa atin, at ang Salita niya ay nagpapahintulot ng katamtamang paggamit ng mga inuming may alkohol. (Awit 104:15; 1 Tim. 5:23) Nguni’t tahasan din niyang hinahatulan ang walang-pakundangang paggamit ng alkohol, kung papaano rin niyang hinahatulan ang katakawan.​—Kaw. 23:20, 21; 1 Cor. 6:9, 10.

      Bakit minamalas ng mga Saksi ni Jehova ang paghitit ng tabako bilang isang malubhang pagkakasala?

      Ito’y nagpapamalas ng kawalang-galang sa kaloob na buhay

      Gawa 17:24, 25: “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto . . . ay nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at ng hininga at lahat ng bagay.”

      “Labis-labis ang katibayan na ang mga sigarilyo ay nagpapaikli sa buhay; ang pagiging-sanhi nito ay matatag na napatunayan sa medisina.”​—Science 80, Setyembre/Oktubre, p. 42.

      Ipinakikita ng mga ulat na sa Estados Unidos ang dami ng namamatay taun-taon mula sa paninigarilyo ay tinutuos na mga 300,000; sa Britanya, 50,000; sa Canada, 50,000. “Mahigit na isang milyong tao ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo at ang Ikatlong Daigdig, na gumagamit ng 52% sa tabako ng daigdig, ay tumatanggap ng sumusulong na porsiyento sa bilang ng mga kamatayang ito.”​—The Journal (Toronto), Setyembre 1, 1983, p. 16.

      Sinabi ng dating Kalihim ng Kalusugan, Edukasyon at Kapakanang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share