Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 8/15 p. 32
  • Isang Aral Mula sa Marinero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Aral Mula sa Marinero
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 8/15 p. 32

Isang Aral Mula sa Marinero

ANG maglayag nang nag-iisa sa laot ay talagang nakapapagod. Ang nakamamanhid na epekto ng pagod ay maaaring madaling magtulak sa isang marinero sa isang mapanganib na kalagayan ng isip, anupat nagagawa ang mga pagkakamali at maling mga pasiya. Sa dahilang ito, pinahahalagahan niya ang gamit ng angklang pandagat. Pinahihintulutan nito ang isang pagód na magdaragat na magpahinga at magpalakas nang hindi nanganganib na maanod. Gayundin, pinupuwersa ng angklang pandagat na maitutok ang unahan ng bangka sa direksiyon ng hangin at mga alon at panatilihin ang bangka sa pinakamatatag na posisyon nito.

Kung paanong ang mga magdaragat ay napapaharap sa maraming panganib sa karagatan, ang mga Kristiyano ay napapaharap din sa walang-tigil na panggigipit ng sanlibutang ito at nakadarama ng pangangailangang magpahinga. Sa katunayan, minsan ay inirekomenda ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Halikayo, kayo mismo, nang sarilinan sa isang dakong liblib at magpahinga nang kaunti.” (Marcos 6:31) Sa ngayon, ang ilan ay maaaring gumugol ng ilang linggo para maglakbay o magbakasyon sa dulo ng sanlinggo para magpahingalay kasama ang kanilang pamilya. Maaaring makaginhawa at makapagpalakas ang gayong mga sandali. Pero paano tayo makasisiguro na ligtas tayo sa espirituwal sa gayong mga panahon? Ano ang maaaring magsilbi bilang ating espirituwal na angklang pandagat upang matulungan tayong labanan ang pagkaanod at mapanatili ang katatagan?

Bukas-palad na naglaan si Jehova ng probisyon na magagamit natin. Ito ay walang iba kundi ang kaniyang Banal na Salita, ang Bibliya. Sa pamamagitan ng pagbabasa nito araw-araw, maaari tayong manatiling malapit kay Jehova at hindi kailanman maanod palayo sa kaniya. Ang payo nito ang maaaring makapagpatatag sa atin at makatulong sa atin na mapagtiisan ang mga tukso ni Satanas at ng kaniyang sanlibutan. Ang patuloy na pagkakaroon natin ng isang regular na programa ng pagbabasa ng Bibliya, kahit na hindi iyon kasuwato ng ating rutin, ay maaaring magsilbing espirituwal na angkla natin.​—Josue 1:7, 8; Colosas 2:7.

Pinaaalalahanan tayo ng salmista na ‘maligaya ang tao’ na “ang kaniyang kaluguran ay sa kautusan ni Jehova, at sa kaniyang kautusan ay nagbabasa siya nang pabulong araw at gabi.” (Awit 1:1, 2) Ang pagbabasa ng Salita ng Diyos araw-araw ay magdudulot sa atin ng ‘maligayang’ resulta ng pagiging tunay na naginhawahan at napalakas, anupat handang ipagpatuloy ang ating Kristiyanong landasin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share