Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-aalok ng Literatura sa Teritoryo na Iba’t Iba ang Wika
    Ministeryo sa Kaharian—2003 | Hulyo
    • Pag-aalok ng Literatura sa Teritoryo na Iba’t Iba ang Wika

      1. Bakit maraming kongregasyon ang nangangailangan ng literatura sa banyagang wika?

      1 Sa maraming dako, makikita na sa larangan ang mga taong nagmula sa iba’t ibang lupain. Marami sa mga ito ang mas mabilis na natututo at nagiging mas malalim ang unawa kapag tinuruan sila sa kanilang katutubong wika. Ano ba ang mga kaayusan upang mabigyan ang mga interesadong ito ng salig-Bibliyang mga publikasyon sa wika na higit nilang nauunawaan?

      2. Anong pagtutulungan ang kinakailangan kapag isa o higit pang kongregasyon na nagsasalita ng magkakaibang wika ang gumagawa sa iisang teritoryo?

      2 Kung Kailan Iaalok ang Literatura: Kapag dalawa o higit pang kongregasyon na nagsasalita ng magkakaibang wika ang gumagawa sa iisang teritoryo, ang mga lupon ng matatanda na nasasangkot ay makikipagtulungan, sa pamamagitan ng kani-kanilang tagapangasiwa sa paglilingkod, sa paggawa ng kaayusan na kaayaaya sa lahat upang ang bawat grupo ng wika ay mabigyan ng lubusang patotoo. Kapag nangangaral sa bahay-bahay, ang mga mamamahayag ay kadalasan nang hindi mag-aalok ng literatura sa wika na ginagamit ng ibang (mga) kongregasyon. Gayunman, kapag ang mga mamamahayag ay nagpapatotoo nang di-pormal o sa pampublikong mga lugar, maaari silang mag-alok ng literatura sa mga wikang ginagamit sa komunidad.

      3. Kailan dapat mag-stock ang isang kongregasyon ng literatura sa banyagang wika?

      3 Kung Kailan Dapat Mag-stock ng Literatura: Ano ang maaaring gawin kapag may malaki-laking populasyon na banyaga ang wika sa isang lugar ngunit walang kongregasyon na gumagamit ng partikular na wikang iyon? Sa gayong mga kalagayan, ang mga kongregasyon ay maaaring mag-stock ng maliit na bilang ng saligang literatura na makukuha sa wikang iyon, gaya ng mga tract, ng mga brosyur na Hinihiling at Kaibigan ng Diyos, at ng aklat na Kaalaman. Maaaring ialok ng mga mamamahayag ang literaturang ito kapag nakatagpo sila ng mga taong nakababasa ng wikang iyon.

      4. Paano makakakuha ng literatura sa wikang wala sa stock ng kongregasyon?

      4 Kung Paano Pipidido ng Literatura: Kung ang kongregasyon ay walang stock na literatura sa wikang nababasa ng interesadong tao, paano makakakuha ng literatura sa wikang iyon? Maaaring itanong ng mamamahayag sa lingkod ng literatura kung aling mga publikasyon ang makukuha sa wikang iyon para mapidido ang kinakailangang literatura sa susunod na pagpidido ng kongregasyon ng literatura. Kung ang pidido ay para sa wikang Arabe, Hapones, Kastila, Koreano, o Tsino, maaari itong makuha mula sa stock natin sa sangay rito sa Pilipinas. Ngunit para sa ibang mga wika, kakailanganin nating pumidido mula sa ibang mga sangay, na maaaring tumagal nang ilang buwan.

      5. Ano ang ating tunguhin kung bakit nais nating madaling makakuha ng mga publikasyong Kristiyano ang mga tao?

      5 Gamitin nawa nating mabuti ang mga publikasyong Kristiyano upang tulungan “ang lahat ng uri ng mga tao,” anuman ang kanilang wika, na ‘sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan at maligtas.’​—1 Tim. 2:​3, 4.

  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ministeryo sa Kaharian—2003 | Hulyo
    • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin

      Ang Bantayan Hulyo 15

      “Napapansin ng marami na nahihilig ang mga tao na ibukod ang kanilang sarili mula sa iba. Sa palagay mo ba’y matalinong landasin ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang matalinong kasabihang ito hinggil sa kahalagahan ng pagsasamahan. [Basahin ang Eclesiastes 4:​9, 10.] Tinatalakay ng magasing ito kung bakit kailangan nating lahat ang iba at kung paano malulutas ang problema sa pagbubukod sa sarili.”

      Gumising! Hulyo 22

      “Nag-aalala ang maraming tao dahil napakadaling makakuha ng pornograpya. Sa palagay mo ba’y dapat itong ikabahala? [Hayaang sumagot.] Ang praktikal na payo na masusumpungan sa Bibliya ay makapagsasanggalang sa atin. [Basahin ang Efeso 5:​3, 4.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano natin maiingatan ang ating sarili mula sa unti-unting pamiminsala ng panganib na ito.”

      Ang Bantayan Agos. 1

      “Alam mo ba na ayon sa isang ulat, mahigit sa kalahati ng populasyon sa daigdig ang nabubuhay sa halagang wala pang $2 bawat araw? Sa palagay mo ba’y may anumang magagawa para malunasan ito? [Hayaang sumagot.] Tinutukoy ng isyung ito ng Ang Bantayan ang permanenteng solusyon sa karalitaan gaya ng nakasaad sa Bibliya.”​—Basahin ang Awit 72:​12, 13, 16.

      Gumising! Agos. 8

      “Nitong nakalipas na mga taon, ang mga sakuna na sanhi ng lagay ng panahon ay nagdulot ng malawakang pinsala sa daigdig. Ano sa palagay mo ang maaaring gawin upang maibsan ang pagdurusa na idinudulot nito? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang problema hinggil sa pabagu-bagong lagay ng panahon gayundin ang solusyon na sinasabi ng Bibliya.”​—Basahin ang Isaias 35:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share