-
Gamitin Nang Mabisa ang BibliyaMinisteryo sa Kaharian—2004 | Setyembre
-
-
2. (a) Paano natin masisimulan ang ating presentasyon sa pamamagitan ng isang kasulatan? (b) Anong maka-Kasulatang mga paksa ang nakapupukaw sa interes ng mga tao sa inyong teritoryo?
2 Magsimula sa Pamamagitan ng Isang Kasulatan: Pinasisimulan ng ilang mamamahayag ang kanilang presentasyon sa may-bahay sa pamamagitan ng isang simpleng punto de vistang tanong hinggil sa isang teksto sa Bibliya na babasahin nila. Ang pamamaraang ito ay kaagad umaakay ng pansin sa Salita ng Diyos. Magiging mabisa kaya sa inyong teritoryo ang sumusunod na mga introduksiyong ito?
◼ “Kung may kapangyarihan ka, gagawin mo ba ang ganitong mga pagbabago?” Basahin ang Apocalipsis 21: 4.
◼ “Bakit kaya tayo nabubuhay sa ganito kapanganib na mga panahon?” Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.
◼ “Sa palagay mo kaya ay magiging mas mabuting dako ang ating komunidad kung susundin ng lahat ang payong ito?” Basahin ang Mateo 7:12.
◼ “Sa palagay mo kaya ay matatamasa ng iyong mga anak ang mga kalagayang inilarawan dito?” Basahin ang Awit 37:10, 11.
◼ “Sa palagay mo kaya ay magkakatotoo ang mga salitang ito balang-araw?” Basahin ang Isaias 33:24.
◼ “Pamilyar ka ba sa bagong pamamahala na binabanggit dito?” Basahin ang Daniel 2:44.
◼ “Naisip mo na bang itanong sa Diyos ang bagay na ito?” Basahin ang Job 21:7.
◼ “Makikita pa kaya natin ang namatay na mga mahal natin sa buhay?” Basahin ang Juan 5:28, 29.
◼ “Alam kaya ng mga patay kung ano ang ginagawa ng mga buháy?” Basahin ang Eclesiastes 9:5.
-
-
Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga MagasinMinisteryo sa Kaharian—2004 | Setyembre
-
-
Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
“Binabanggit ng milyun-milyong tao sa kanilang mga panalangin ang pamilyar na mga pananalitang ito. [Basahin ang Mateo 6:10.] Ano sa palagay mo ang magiging buhay kapag lubusan nang natupad sa lupa ang kalooban ng Diyos? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang kahulugan ng bawat bahagi ng Panalangin ng Panginoon, kasali na ang bahaging kababasa pa lamang natin.”
Gumising! Set. 22
“Maraming tao ang nababahala hinggil sa lumalalang problema ng mga kabataan—ang binge drinking. Narinig mo na ba ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 20:1.] Nahahantad sa maraming panganib ang mga kabataan dahil sa binge drinking. May mga impormasyon sa artikulong ito na makatutulong sa kanila na labanan ang panggigipit na mag-abuso sa alkohol.”
Ang Bantayan Okt. 1
“Nais nating lahat na mawala na ang krimen, karahasan, at digmaan. Sa palagay mo kaya ay makikita pa natin ang katuparan ng mga pananalitang ito? [Basahin ang Awit 37:11. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano nauugnay ang pangakong ito sa orihinal na layunin ng Diyos para sa sangkatauhan at kung paano tayo maaaring makibahagi rito.”
Gumising! Okt. 8
“Hindi ba nakalulungkot na milyun-milyong tin-edyer ang nagiging dalagang ina taun-taon? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga hakbang na maaari nilang gawin upang mapagtagumpayan ang napakaraming hamon sa pagiging isang tin-edyer na ina. Tinatalakay rin nito kung paano matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maiwasan mismo ang problemang ito.” Basahin ang 2 Timoteo 3:15.
-