Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • be aralin 3 p. 89-p. 91 par. 5
  • Wastong Pagbigkas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Wastong Pagbigkas
  • Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Natin Gagamitin ang Pangalan ng Diyos Kung Hindi Naman Tayo Tiyak sa Bigkas Nito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Ang Pangalan ng Diyos—Kahulugan at Bigkas
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • “Jehova” o “Yahweh”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Bahagi 3—Makinabang Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1996
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
be aralin 3 p. 89-p. 91 par. 5

ARALIN 3

Wastong Pagbigkas

Ano ang kailangan mong gawin?

Sabihin ang indibiduwal na mga salita nang wasto. Ito’y nagsasangkot (1) ng paggamit ng tamang mga tunog upang bigkasin ang mga salita, (2) ng pagdiriin ng tamang (mga) pantig at, (3) sa maraming wika, ng pagbibigay ng wastong pansin sa mga tuldik.

Bakit ito mahalaga?

Ang wastong pagbigkas ay nagdaragdag ng dignidad sa mensahe na ating ipinangangaral. Itinutuon nito ang pansin ng nakikinig sa mensahe na ating ipinangangaral sa halip na sa anumang pagkakamali sa pagbigkas.

HINDI lahat ng mga Kristiyano ay nagkaroon ng sekular na edukasyon sa loob ng maraming taon. Maging sina apostol Pedro at Juan ay inilarawan bilang ‘ordinaryong mga tao na walang rabinikong pagsasanay.’ (Gawa 4:13) Magkagayunman, mahalagang iwasan na masira ang presentasyon mo hinggil sa katotohanan ng Bibliya dahil sa hindi mabuting pagbigkas ng mga salita.

Mga Salik na Dapat Isaalang-alang. Walang nag-iisang kalipunan ng mga alituntunin sa pagbigkas ang kumakapit sa lahat ng mga wika. Maraming wika ang nakasulat sa mga letrang alpabeto. Bukod sa alpabetong Latin, may mga alpabetong gaya ng Arabe, Cyrillic, Griego, at Hebreo. Sa halip na isang alpabeto, ang nakasulat na Tsino ay gumagamit ng mga karakter na maaaring binubuo ng maraming elemento. Ang mga karakter na ito ay kadalasang kumakatawan sa isang salita o bahagi ng isang salita. Bagaman ang Hapones at Koreano ay gumagamit ng mga karakter ng Tsino, ang mga karakter ay maaaring gamitin upang kumatawan sa lubhang naiibang mga tunog at maaaring may ibang kahulugan.

Sa mga wikang may alpabeto, ang wastong pagbigkas ay humihiling sa paggamit ng tamang tunog para sa bawat letra o kombinasyon ng mga letra. Kapag may sinusunod na di-pabagu-bagong mga alituntunin ang gayong wika, gaya ng Griego, Kastila, at Zulu, ang wastong pagbigkas ay hindi masyadong mahirap. Gayunman, ang mga impluwensiya ng dayuhan sa isang wika ay maaaring humantong sa mga pagbigkas na katulad ng pinagmulan na mga salita. Bilang resulta, ang isang espesipikong letra o grupo ng mga letra ay maaaring bigkasin nang higit sa isang paraan o, kung minsan, maaaring hindi na bigkasin pa. Baka kailanganin mong isaulo ang mga eksepsiyon at pagkatapos ay gamitin nang madalas ang mga ito sa iyong pagsasalita. Sa Tsino, kailangan ang pagsasaulo ng libu-libong karakter para sa wastong pagbigkas. Sa ilang wika, nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nagpapalit ng tono. Ang hindi pagbibigay nang sapat na pansin sa aspektong ito ng isang wika ay maaaring magbunga ng pagtatawid ng maling mga ideya.

Kapag ang mga salita ng isang wika ay binubuo ng mga pantig, mahalaga na ilagay ang pangunahing pagdiriin sa tamang pantig. Maraming wika na gumagamit ng gayong kayarian ang may regular na kinagawiang paraan ng bibigang pagdiriin. Para sa mga eksepsiyon sa gayong kinagawiang paraan, ang isang tuldik ay maaaring maging bahagi ng nakasulat na salita. Nakatutulong ito upang maging madali ang pagbigkas. Gayunman, kung ang kinagawiang paraan ay pabagu-bago, nagiging mas malubha ang suliranin. Nangangailangan ng maraming pagsasaulo upang magawa ito nang matagumpay.

Sa ilang wika, ang mga tuldik ay isang mahalagang salik na kailangang isaalang-alang. Kalakip dito ang mga marka na makikita sa itaas at sa ibaba ng ilang letra ng alpabeto, gaya ng: è, é, ô, ñ, ō, ŭ, č, ö, ç. Ang mga tuldik ay maaaring isulat, o maaaring ang bumabasa ang inaasahang maglalagay ng mga ito batay sa konteksto na doo’y lumilitaw ang salita. Sa huling nabanggit, ang maingat na paghahanda ay malamang na kakailanganin kapag inatasan kang bumasa sa madla.

May kaugnayan sa pagbigkas, may ilang patibong na kailangang iwasan. Ang pagiging masyadong eksakto ay makapagbibigay ng impresyon ng pagiging artipisyal at ng pagiging mapagmataas pa nga. Ang gayon ay masasabi rin hinggil sa paraan ng pagbigkas na hindi na ginagamit ng karamihan. Ang tanging epekto nito ay ang makatawag ng pansin sa tagapagsalita. Sa kabilang panig, makabubuting iwasan ang sukdulang kabaligtaran nito, ang walang-ingat na pagsasalita at pagbigkas. Ang ilan sa mga bagay na ito ay tinalakay na sa ilalim ng “Mga Salitang Binigkas Nang Maliwanag.”

Ang kasiya-siyang pagbigkas sa mga salita ng isang wika ay maaaring hindi magkakapareho sa iba’t ibang bansa, maging sa iba’t ibang bahagi ng isang bansa. Ang isang tao mula sa ibang bansa ay maaaring magsalita ng lokal na wika na may kakaibang punto. Ang mga diksiyunaryo ay maaaring magtala ng mahigit sa isang katanggap-tanggap na paraan ng pagbigkas sa isang salita. Lalo na kung ang sekular na edukasyon ng isang tao ay napakalimitado o kung ang wika na kaniyang ginagamit ngayon ay hindi niya katutubong wika, siya’y makikinabang nang malaki sa pamamagitan ng pakikinig na mabuti sa mahuhusay magsalita ng lokal na wika at pagkatapos ay tularan ang kanilang pagbigkas. Bilang mga Saksi ni Jehova, nais nating magsalita sa paraang magbibigay ng dignidad sa mensahe na ating ipinangangaral at na madaling mauunawaan ng mga tao sa ating lugar.

Sa pang-araw-araw na pagsasalita, kadalasang makabubuti na gumamit ng mga salitang alam na alam mo na. Ang pagbigkas ay karaniwan nang hindi magiging suliranin sa pangkalahatang pakikipag-usap. Gayunman, kapag bumabasa ka nang malakas, maaaring may mabasa kang ilang salita na hindi mo ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. At ang mga Saksi ni Jehova ay gumagawa ng maraming bibigang pagbabasa. Binabasa natin ang Bibliya sa mga tao kapag tayo ay nagpapatotoo sa kanila. Ang ilang mga kapatid na lalaki ay hinihilingang bumasa ng mga parapo sa Pag-aaral sa Bantayan o sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Mahalaga na tayo ay bumasa nang may katumpakan at na hindi natin sinisira ang mensahe sa pamamagitan ng maling pagbigkas ng mga salita.

Nasusumpungan mo ba na ang ilang personal na pangalan sa Bibliya ay mahirap bigkasin? Sa Tagalog, ang letrang “J” ay wastong binibigkas na “H” tulad ng mga pangalang Jehova, Jesus at Josue. Subalit dahil sa impluwensiya ng wikang Ingles, ang unang letra ng mga pangalang ito ay binibigkas ng ilan tulad din ng pagbigkas nito sa Ingles. Gayunman, ang unang letra ng mga pangalang Jah, Jonatan at Jehu ay angkop na magkaroon ng tunog na “dyey” katulad ng pagbigkas nito sa wikang Ingles. Ito ang nakagisnan at karaniwang pagbigkas ng mga pangalang ito sa wikang Tagalog.

Mga Paraan Upang Sumulong. Ang karamihan sa mga may suliranin sa pagbigkas ay hindi nakababatid nito. Kapag ipinakita ng inyong tagapangasiwa sa paaralan ang aspekto ng iyong pagbigkas na kailangang bigyan ng pansin, pahalagahan ang kaniyang kabaitan. Minsang malaman mo ang suliranin, paano mo pasusulungin ito?

Una sa lahat, kapag mayroon kang atas na bumasa nang malakas, gumugol ng panahon para sumangguni sa isang diksiyunaryo. Tingnan ang mga salita na hindi mo alam. Kung wala kang karanasan sa paggamit ng isang diksiyunaryo, magtungo sa panimulang mga pahina para sa paliwanag ng mga simbolo na ginagamit o, kung kinakailangan, humiling ng tulong sa isang tao upang magpaliwanag nito sa iyo. Ang diksiyunaryo ay magpapakita sa iyo kung saan mo ilalagay ang pangunahing pagdiriin sa isang salita na binubuo ng mahigit sa isang pantig at kung saan ilalagay ang pangalawahing pagdiriin sa isang mahabang salita. Ipakikita nito kung anong mga tunog ang gagamitin para sa mga patinig at sa mga katinig sa isang salita. Sa ilang kaso, ang isang salita ay maaaring bigkasin nang mahigit sa isang paraan, depende sa kalagayan na pinaggagamitan nito. Anumang salita ang iyong tingnan, ilang ulit na bigkasin mo iyon nang malakas bago mo isara ang diksiyunaryo.

Ang ikalawang paraan upang mapasulong ang pagbigkas ay sa pamamagitan ng pagbabasa sa isang tao​—sa isa na nakabibigkas na mabuti ng mga salita​—at hilingin sa kaniya na ituwid ang iyong mga pagkakamali.

Ang ikatlong paraan upang mapasulong ang pagbigkas ay ang pakikinig na mabuti sa mahuhusay na tagapagsalita. Kung may mga audiocassette ng Bagong Sanlibutang Salin o ng mga magasing Bantayan at Gumising!, gamiting mabuti ang mga ito. Habang nakikinig ka, pansinin ang mga salita na binibigkas nang naiiba sa paraan ng pagbigkas mo. Isulat ang mga ito, at insayuhin ang mga ito. Sa kalaunan, ang iyong pagsasalita ay magiging malaya sa depekto ng maling pagbigkas, at ito ay lubos na magpapaganda sa iyong pagsasalita.

KUNG PAANO MAPASUSULONG ANG PAGBIGKAS

  • Pag-aralan na gamiting mabuti ang isang diksiyunaryo.

  • Hilingin sa isa na nakababasang mabuti na makinig sa iyo at magbigay sa iyo ng payo.

  • Pansinin ang paraan ng pagbigkas ng mahuhusay na tagapagsalita; ihambing ang iyong pagbigkas sa kanila.

PAGSASANAY: Alamin ang pagbigkas ng anumang di-pamilyar na mga salita sa Awit 83 o sa isang bahagi ng Bibliya na naghaharap sa iyo ng isang partikular na hamon. Gamitin ang isang diksiyunaryo o sumangguni sa isa na nakaaalam na mabuti sa wika. Pansinin ang pagbigkas sa personal na mga pangalan sa mga talatang ito; bigkasin nang malakas ang bawat isa sa mga pangalang iyon. Pagkatapos ay basahin nang malakas ang buong seksiyon.

Kailangan kong insayuhin ang wastong pagbigkas ng mga salitang ito

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․ ․․․․․․․․․․․․․․․․․․․․

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share