Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/05 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 11/05 p. 7

Tanong

◼ Paano natutustusan ang gastusin ng mga tagapangasiwa ng sirkito kapag dumadalaw sila sa kongregasyon?

Kadalasan na, ang tirahan at pagkain ay boluntaryong inilalaan ng mga kapatid sa kongregasyon at pinahahalagahan ito ng tanggapang pansangay. Kumusta naman ang maaaring maging gastusin niya sa transportasyon o sa iba pang bagay sa loob ng linggong iyon? Bagaman nakahanda ang tanggapang pansangay na balikatin ang mga ito, maraming kongregasyon ang handang tumulong sa ilan o sa lahat ng gastusing ito, at kung gayon nga, sa pagtatapos ng dalaw, maaaring tanungin ng matatanda ang tagapangasiwa ng sirkito kung may isusumite siyang anumang naging gastusin. Pagkatapos ay maaari siyang magbigay ng listahan ng naging gastusin niya kalakip na ang mga resibo. Paano babalikatin ng kongregasyon ang mga ito? Dapat itong gawin sa pamamagitan ng isang resolusyon, na ihaharap sa kongregasyon sa unang Pulong sa Paglilingkod pagkatapos ng dalaw. Ang gayong resolusyon ay dapat gawin tangi lamang para sa salapi na nasa pondo na ng kongregasyon.—Para sa impormasyon hinggil sa mga resolusyon, tingnan ang “Tanong” sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 1994, pahina 2.

Kung walang anumang pondo ang kongregasyon, hindi magiging angkop para sa matatanda na mangilak ng pondo mula sa mga indibiduwal para sa layuning ito. Kung ganito ang kalagayan, isusumite na lamang ng tagapangasiwa ng sirkito sa tanggapang pansangay sa dulo ng buwan ang naging gastusin niya. Gayunman, kung nais ng ilang mamamahayag na magbigay ng personal na regalo sa tagapangasiwa ng sirkito, maaari nilang gawin ito. Kung banggitin nila na ang regalo ay tulong para sa kaniyang mga gastusin, ibabawas niya ngayon ang halaga ng regalong ito mula sa gastusing hihilingin niyang balikatin ng tanggapang pansangay. Hindi dapat magbigay ng regalong salapi mula sa pondo ng kongregasyon, maliban lamang sa reimbursement para sa naging gastusin.

Kung hindi lumapit ang matatanda sa tagapangasiwa ng sirkito upang alamin ang kaniyang naging gastusin, hihiling na lamang siya ng reimbursement mula sa tanggapang pansangay para sa anumang naging gastusin na hindi binalikat ng kongregasyon. (od p. 49) Hindi dapat lumapit kailanman ang tagapangasiwa ng sirkito sa kongregasyon at hilingin sa kanila na bayaran ang kaniyang mga nagastos. Magsusumite lamang siya ng kaniyang naging gastusin kung hihilingin ng matatanda sa kaniya na magsumite siya, at kung may kakayahan at handa ang kongregasyon na tumulong.

Pinahahalagahan ng tanggapang pansangay ang suporta ng mga kongregasyon sa tagapangasiwa ng sirkito sa panahon ng kaniyang dalaw, na nagsisilbing mainam na tulong sa pambuong-daigdig na gawain.—Heb. 13:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share