Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Patalastas
    Ministeryo sa Kaharian—2005 | Nobyembre
    • Mga Patalastas

      ◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga may-bahay na wala silang maliliit na anak, ialok ang aklat na Kaalaman o ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinmang aklat na inilathala bago ang taóng 1991 na nasa stock ng kongregasyon. Sa mga kongregasyon na walang mas matatagal nang aklat, maaaring ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Maaari kayong mag-order nito sa tanggapang pansangay. Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova.

      ◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2006” at dapat itong ingatan bilang reperensiya sa buong taon ng 2006.

      ◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Ipatalastas ito sa kongregasyon kapag natapos na ang audit.

      ◼ Gaya ng iminungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian noong nakaraang buwan, ipinaaalaala sa matatanda na gamitin ang 15 minuto sa huling Pulong sa Paglilingkod bago dumalo ng pandistritong kombensiyon upang ulitin ang paalaala sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 2005.

      ◼ May pagbabago sa petsa ng Pandistritong Kombensiyon sa Cabanatuan City. Sa halip na Disyembre 9-11, 2005, gaganapin ito sa Disyembre 30, 2005 hanggang Enero 1, 2006.

      ◼ Pakisuyong pansinin na ang adres na dapat gamitin para sa paghiling ng matutuluyan sa Pandistritong Kombensiyon sa Catarman, Northern Samar ay ang sumusunod: Kingdom Hall, Diversion Road, National Highway, Catarman, 6400 Northern Samar. Ito ay pagbabago sa nailathala sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 2005.

  • Tanong
    Ministeryo sa Kaharian—2005 | Nobyembre
    • Tanong

      ◼ Paano natutustusan ang gastusin ng mga tagapangasiwa ng sirkito kapag dumadalaw sila sa kongregasyon?

      Kadalasan na, ang tirahan at pagkain ay boluntaryong inilalaan ng mga kapatid sa kongregasyon at pinahahalagahan ito ng tanggapang pansangay. Kumusta naman ang maaaring maging gastusin niya sa transportasyon o sa iba pang bagay sa loob ng linggong iyon? Bagaman nakahanda ang tanggapang pansangay na balikatin ang mga ito, maraming kongregasyon ang handang tumulong sa ilan o sa lahat ng gastusing ito, at kung gayon nga, sa pagtatapos ng dalaw, maaaring tanungin ng matatanda ang tagapangasiwa ng sirkito kung may isusumite siyang anumang naging gastusin. Pagkatapos ay maaari siyang magbigay ng listahan ng naging gastusin niya kalakip na ang mga resibo. Paano babalikatin ng kongregasyon ang mga ito? Dapat itong gawin sa pamamagitan ng isang resolusyon, na ihaharap sa kongregasyon sa unang Pulong sa Paglilingkod pagkatapos ng dalaw. Ang gayong resolusyon ay dapat gawin tangi lamang para sa salapi na nasa pondo na ng kongregasyon.—Para sa impormasyon hinggil sa mga resolusyon, tingnan ang “Tanong” sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 1994, pahina 2.

      Kung walang anumang pondo ang kongregasyon, hindi magiging angkop para sa matatanda na mangilak ng pondo mula sa mga indibiduwal para sa layuning ito. Kung ganito ang kalagayan, isusumite na lamang ng tagapangasiwa ng sirkito sa tanggapang pansangay sa dulo ng buwan ang naging gastusin niya. Gayunman, kung nais ng ilang mamamahayag na magbigay ng personal na regalo sa tagapangasiwa ng sirkito, maaari nilang gawin ito. Kung banggitin nila na ang regalo ay tulong para sa kaniyang mga gastusin, ibabawas niya ngayon ang halaga ng regalong ito mula sa gastusing hihilingin niyang balikatin ng tanggapang pansangay. Hindi dapat magbigay ng regalong salapi mula sa pondo ng kongregasyon, maliban lamang sa reimbursement para sa naging gastusin.

      Kung hindi lumapit ang matatanda sa tagapangasiwa ng sirkito upang alamin ang kaniyang naging gastusin, hihiling na lamang siya ng reimbursement mula sa tanggapang pansangay para sa anumang naging gastusin na hindi binalikat ng kongregasyon. (od p. 49) Hindi dapat lumapit kailanman ang tagapangasiwa ng sirkito sa kongregasyon at hilingin sa kanila na bayaran ang kaniyang mga nagastos. Magsusumite lamang siya ng kaniyang naging gastusin kung hihilingin ng matatanda sa kaniya na magsumite siya, at kung may kakayahan at handa ang kongregasyon na tumulong.

      Pinahahalagahan ng tanggapang pansangay ang suporta ng mga kongregasyon sa tagapangasiwa ng sirkito sa panahon ng kaniyang dalaw, na nagsisilbing mainam na tulong sa pambuong-daigdig na gawain.—Heb. 13:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share