Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rk seksiyon 6 p. 15-17
  • Ano ang Layunin ng Diyos sa Lupa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Layunin ng Diyos sa Lupa?
  • Tunay na Pananampalataya—Ang Susi Mo sa Maligayang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Eden
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Layunin ng Diyos na ang Tao’y Maligayahan sa Buhay sa Paraiso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Nasaan ba ang Paraisong Binabanggit sa Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Tunay na Pananampalataya—Ang Susi Mo sa Maligayang Buhay
rk seksiyon 6 p. 15-17

SEKSIYON 6

Ano ang Layunin ng Diyos sa Lupa?

NILALANG ng Diyos ang lupa para maging napakagandang tahanan ng mga tao. Sinasabi sa kaniyang Salita: “Ang langit ay kay Jehova, ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao.”​—Awit 115:16.

Bago lalangin ang unang taong si Adan, pumili ang Diyos ng isang maliit na bahagi ng lupa na tinawag na Eden at ginawa itong isang magandang hardin. Sinasabi ng Kasulatan na sa Eden nagmumula ang tubig ng mga ilog ng Eufrates at Tigris (Hidekel).a Ipinapalagay na ang lokasyon ng hardin ng Eden ay nasa silangang Turkey. Oo, talagang may hardin ng Eden noon sa lupa!

Nilalang ng Diyos si Adan at inilagay sa hardin ng Eden “upang iyon ay sakahin at ingatan.” (Genesis 2:15) Nang maglaon, nilalang ng Diyos si Eva para maging asawa ni Adan. Iniutos ng Diyos sa mag-asawa: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon.” (Genesis 1:28) Maliwanag, ‘hindi nilalang ng Diyos ang lupa na walang kabuluhan kundi inanyuan ito upang tahanan.’​—Isaias 45:18.

Gayunman, nagrebelde sina Adan at Eva sa Diyos nang sadyain nilang suwayin ang kaniyang utos. Kaya pinalayas sila ng Diyos sa hardin ng Eden. Nawala ang Paraiso. Hindi lang iyan ang naging resulta ng kasalanan ni Adan. Sinasabi ng Kasulatan: “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.”​—Roma 5:12.

Kinalimutan na ba ni Jehova ang kaniyang orihinal na layunin​—na ang lupa ay maging isang paraiso na tinatahanan ng maliligayang tao? Hindi! Ganito ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga pananalitang nagmumula sa kaniya: “Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta, kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko, at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.” (Isaias 55:11) Ibabalik niya ang Paraiso sa lupa!

Ano ang magiging buhay sa Paraiso? Tingnan ang mga pangako sa Kasulatan sa susunod na dalawang pahina.

a Sinasabi sa Genesis 2:10-14: “May isang ilog na lumalabas mula sa Eden na dumidilig sa hardin, at mula roon ay nagsimula itong mahati at naging apat na sanga. Ang pangalan ng una ay Pison . . . ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon . . . ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hidekel [o, Tigris]; iyon ang patungo sa silangan ng Asirya. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates.” Sa ngayon, walang nakatitiyak sa lokasyon at pangalan ng unang dalawang ilog.

Ano ang Sagot Mo?

  • Ano ang orihinal na layunin ng Diyos para sa lupa at sa tao?

  • Paano natin nalaman na tutuparin ng Diyos ang layunin niyang ito?

Ang Buhay sa Paraisong Lupa

Bubuhaying-muli ang mga patay: “Ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at lalabas.”​—Juan 5:28, 29.

Wala nang tatanda, magkakasakit, o mamamatay: “Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’” (Isaias 33:24) “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”​—Apocalipsis 21:4.

Sagana sa masusustansiyang pagkain: “Ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito; ang Diyos, ang ating Diyos, ay magpapala sa atin.”​—Awit 67:6.

Magandang bahay at kasiya-siyang trabaho: “Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon . . . Ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng aking mga pinili.”​—Isaias 65:21, 22.

Wala nang digmaan, krimen, o karahasan: “Pinatitigil [ni Jehova] ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa.” (Awit 46:9) “Lilipulin [ang masasama] mula sa mismong lupa.”​—Kawikaan 2:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share