Bagong Video sa Pagpapasimula ng Pag-aaral sa Bibliya
Napakarami nang nakapanood ng maikling video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? sa jw.org/tl. Pinasisigla nito ang mga taong interesado na tanggapin ang iniaalok nating libreng pag-aaral sa Bibliya. Maa-access ito sa pamamagitan ng pag-click sa “Humiling ng Pag-aaral sa Bibliya” sa ibabang bahagi ng home page o pag-scan sa QR (quick response) code na nakaimprenta sa likod ng mga bagong tract. Narito ang ilang paraan kung paano natin mabisang magagamit ang video.
Kapag dumadalaw-muli, sabihin sa may-bahay: “Puwede ko bang ipanood sa inyo ang isang maikling video na nagpapaliwanag kung paano masasagot ang mga tanong ninyo sa Bibliya?” Kapag pumayag siya, ipakita ang video sa iyong mobile device o sa kaniyang computer.
Kapag nakapagbigay ka ng isa sa mga bagong tract sa di-pormal o pampublikong pagpapatotoo, ipakita ang QR code at himukin ang interesadong tao na i-scan iyon sa kaniyang mobile device. Sa maraming wika, magagamit ang QR code para agad na ma-access ang video na ito sa Web site, kaya puwedeng mapanood ora mismo ang video gamit ang iyong mobile device.
Sabihin sa iyong mga katrabaho, kaeskuwela, kamag-anak, o iba pang kakilala ang tungkol sa video, at ipakita ito sa kanila. Puwede mo ring ipadala sa e-mail ang link ng video at imungkahi na panoorin nila iyon.
Sa paggamit ng bagong pantulong na ito, makapagpapasimula tayo ng mas maraming pag-aaral sa Bibliya at matutulungan ang mga “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan.”—Gawa 13:48.