Pagpapaliwanag ng Ating Paniniwala Tungkol sa 1914
Sinasabi ng Kasulatan na dapat tayong “handang gumawa ng pagtatanggol” tungkol sa ating mga paniniwala, na “ginagawa iyon taglay ang mahinahong kalooban at matinding paggalang.” (1 Ped. 3:15) Pero ang totoo, baka isang hamon para sa atin na ipaliwanag ang malalalim na katotohanan sa Bibliya. Ang isa sa mga ito ay kung paano natin nalaman na nagsimula nang mamahala ang Kaharian noong 1914. Para tulungan tayong ipaliwanag iyan, inihanda ang artikulong “Pakikipag-usap sa Iba—Kailan Nagsimulang Mamahala ang Kaharian ng Diyos?” na may dalawang bahagi. Ang mga ito ay makikita sa mga isyu ng Bantayan na itatampok natin sa ministeryo sa Oktubre at Nobyembre. Habang sinusuri mo ang mga ito, isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong tungkol sa paraan ng pakikipag-usap ni Cameron, ang mamamahayag sa senaryo.
Paano siya . . .
naghanap ng mapagkakasunduan sa pamamagitan ng pagbibigay ng komendasyon?—Gawa 17:22.
naging mapagpakumbaba habang ipinaliliwanag ang kaniyang mga paniniwala?—Gawa 14:15.
Bakit mabuti na . . .
bago pag-usapan ang ibang punto, nirerepaso muna niya ang mga natalakay na nila?
humihinto siya paminsan-minsan at nagtatanong kung naiintindihan ng may-bahay ang naipaliwanag na niya?
hindi niya sinaklaw ang napakaraming impormasyon sa isang pag-uusap?—Juan 16:12.
Talagang nagpapasalamat tayo kay Jehova, ang ating “Dakilang Tagapagturo,” dahil tinuturuan niya tayong ipaliwanag ang malalalim na katotohanan ng Bibliya sa mga taong uháw sa mga ito!—Isa. 30:20.