Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Aquila”
  • Aquila

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aquila
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Aquila at Priscila—Isang Ulirang Mag-asawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Prisca
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mangaral Upang Gumawa ng mga Alagad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • “Patuloy Kang Magsalita at Huwag Kang Manahimik”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Aquila”

AQUILA

[mula sa Lat., nangangahulugang “Agila”].

Isang likas na Judio at katutubo ng Ponto sa hilagang Asia Minor. Si Priscila, na kaniyang asawa at matapat na kasamahan, ay laging binabanggit na kasama niya. Nang ipatapon ni Emperador Claudio ang mga Judio mula sa Roma noong taóng 49 o noong maagang bahagi ng 50 C.E., nanirahan sila sa Corinto. (Gaw 18:1, 2) Nang dumating doon si Pablo noong taglagas ng 50 C.E., may-kabaitan siyang tinanggap nina Aquila at Priscila sa kanilang tahanan. Naging matalik silang mga kaibigan ni Pablo habang nagtatrabaho silang magkakasama sa paggawa ng tolda at habang tinutulungan nina Aquila at Priscila si Pablo sa pagpapatibay sa bagong kongregasyon doon.​—Gaw 18:3.

Nang maglayag si Pablo patungong Sirya sa pagtatapos ng kaniyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero noong tagsibol ng mga 52 C.E., sumama sa kaniya sina Aquila at Priscila hanggang sa Efeso. (Gaw 18:18, 19) Nanatili sila roon hanggang noong panahong sumulat si Pablo sa mga taga-Corinto mula sa Efeso noong mga 55 C.E. Ang kanilang tahanan ay ginamit bilang lokal na dakong tipunan ng kongregasyon, at doon ay nagkapribilehiyo sila na tulungan ang mahusay-magsalitang si Apolos upang magkaroon ito ng mas tumpak na unawa sa daan ng Diyos. (1Co 16:19; Gaw 18:26) Nang sulatan ni Pablo ang mga taga-Roma noong mga 56 C.E., nagwakas na ang pamamahala ni Claudio at nakabalik na sina Aquila at Priscila sa Roma, sapagkat nagpaabot si Pablo ng pagbati sa kanila, na kaniyang “mga kamanggagawa.” (Ro 16:3) Doon din ay ginamit ng kongregasyon ang kanilang bahay bilang dakong tipunan. (Ro 16:5) Noong panahong kasama nina Aquila at Priscila si Pablo, ‘isinapanganib nila ang kanilang sariling mga leeg’ alang-alang kay Pablo, anupat naging marapat silang pasalamatan ng lahat ng kongregasyon. (Ro 16:4) Nang maglaon ay bumalik sila sa Efeso, sapagkat noong nasa Roma si Pablo bago siya dumanas ng kamatayan bilang martir (mga 65 C.E.), hiniling niya kay Timoteo na ipaabot ang kaniyang pagbati sa kanila roon.​—1Ti 1:3; 2Ti 4:19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share