Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Sanayin ang mga Estudyante sa Bibliya na Magkaroon ng Magandang Kaugalian sa Pag-aaral
Kung Bakit Mahalaga: Para sumulong sa espirituwal na pagkamaygulang ang mga estudyante sa Bibliya, higit pa sa basta pangunahing mga turo lang sa Salita ng Diyos ang dapat nilang isaisip at isapuso. (Heb. 5:12–6:1) Ang pagsisikap ay kailangan sa pag-aaral. Kasama rito ang kakayahang maiugnay ang bagong impormasyon sa dati na nating alam at maunawaan ang praktikal na kahalagahan nito. (Kaw. 2:1-6) Kung matututong magsaliksik ang mga estudyante, masasagot nila ang mga tanong sa Bibliya gamit ang salig-Bibliyang mga publikasyon. Ang pagsisikap nilang maikapit ang kanilang natututuhan ay tutulong sa kanila na makayanan ang mga pagsubok na mapapaharap sa kanila bilang mga Kristiyano.—Luc. 6:47, 48.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Sa pagtatapos ng isang subtitulo o kabanata, hilingin sa iyong estudyante na sabihin sa maikli kung ano ang natutuhan niya. Kung wala kang estudyante, magpraktis kung paano sasabihin sa maikli ang isang bahagi sa Bibliya o isang parapo sa Bantayan para mahasa ang iyong pag-unawa sa pagbabasa.