Mga Kinakailangang Paghahanda Para sa Mahusay na Pagtuturo
Sa dalawang pagkakataon, magkaparehong tanong tungkol sa buhay na walang hanggan ang iniharap kay Jesus, pero iniangkop niya ang kaniyang sagot sa pangangailangan ng nagtatanong. (Luc. 10:25-28; 18:18-20) Kaya kahit alam na alam na natin ang materyal na ginagamit sa pag-aaral ng Bibliya, dapat natin itong patiunang ihanda habang isinasaisip ang tinuturuan. Anong mga punto ang maaaring hindi niya agad maiintindihan o matatanggap? Anong mga binanggit na teksto ang kailangan nating basahin sa kaniya? Gaano karaming materyal ang dapat nating talakayin? Baka kailangan nating maghanda ng isang ilustrasyon, paliwanag, o mga tanong para maintindihan ng estudyante ang impormasyon. Bukod diyan, dahil si Jehova ang nagpapalago ng binhi ng katotohanan sa puso ng isa, dapat nating hilingin na pagpalain ni Jehova ang ating paghahanda sa pag-aaral, ang ating tinuturuan, at ang ating mga pagsisikap na tulungan siya sa espirituwal.—1 Cor. 3:6; Sant. 1:5.