Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 11/15 p. 32
  • Anong Uri ng Pangalan Mayroon Ka?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Anong Uri ng Pangalan Mayroon Ka?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 11/15 p. 32

Anong Uri ng Pangalan Mayroon Ka?

SA Bibliya, ang salitang “pangalan” kung minsan ay tumutukoy sa reputasyon ng isa. Halimbawa, sumulat ang marunong na si Haring Solomon: “Ang pangalan ay mas mabuti kaysa sa mainam na langis, at ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng kapanganakan.” (Eclesiastes 7:1; ihambing ang Kawikaan 22:1.) Ayon sa mga salita ni Solomon, ang isang tao ay hindi ipinanganganak na may taglay nang magandang pangalan. Sa halip, ang isang reputasyong may tunay na kahulugan ay natatamo niya sa panahon na siya’y nabubuhay. Ang kaniyang pangalan ay nagpapakilala sa kaniya may kinalaman sa kaniyang personal na mga katangian, kung siya’y bukas-palad o maramot, madamayin o walang malasakit, mapagpakumbaba o palalo, matuwid o balakyot pa nga.

Tingnan si David. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinatunayan niyang siya’y matatag at di-urong-sulong. Kasabay nito, buong pagpapakumbabang inamin ni David ang kaniyang mga pagkakamali at pinagsisihan ang kaniyang malulubhang kasalanan. Makatuwiran lamang kung gayon na ipahiwatig ng propeta ni Jehova na si David ay “isang lalaking naaayon sa puso [ng Diyos].” (1 Samuel 13:14) Ang kabataang si David ay nagkaroon ng mabuting pangalan sa Diyos.

Kabaligtaran naman, si Haring Jehoram na taga-Judea ay gumawa ng masamang pangalan para sa kaniyang sarili. Itinalikod niya sa pagsamba kay Jehova ang kaniyang mga sakop at ipinapatay pa man din ang kaniyang anim na kapatid na lalaki at ang ilan sa mga prinsipe ng Juda. Nang maglaon, dinulutan ni Jehova si Jehoram ng isang makirot na sakit na humantong sa kaniyang kamatayan. Sinasabi ng Bibliya na si Jehoram “ay pumanaw nang hindi kinalulugdan,” o gaya ng pagkakasabi ng Today’s English Version, “walang nalungkot nang siya’y mamatay.”​—2 Cronica 21:20.

Ipinakikita ng naging buhay nina David at Jehoram ang katotohanan ng kawikaan sa Bibliya: “Ang alaala ng matuwid ay pinagpapala, ngunit ang pangalan mismo ng balakyot ay mabubulok.” (Kawikaan 10:7) Dapat kung gayon na isaalang-alang nating mabuti ang tanong na, ‘Anong uri ng pangalan ang nagagawa ko sa Diyos at sa aking kapuwa?’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share