Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Sagot ni Jehova sa Isang Taos-Pusong Panalangin
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 15
    • 17. Anong kritikal na situwasyon ang napapaharap sa mga mananalansang sa ngayon, at anong mga salita ang maalaala sa malapit na hinaharap?

      17 Sabihin pa, alam nating patuloy tayong uusigin, pero patuloy pa rin tayong mangangaral ng mabuting balita​—maging sa mga mananalansang. (Mat. 24:14, 21) Gayunman, malapit nang matapos ang ibinigay na pagkakataon para sa gayong mga mananalansang na magsisi at maligtas. Ang pagpapabanal sa pangalan ni Jehova ay di-hamak na mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng tao. (Basahin ang Ezekiel 38:23.) Kapag nagsama-sama ang mga bansa sa inihulang pambuong-daigdig na pagtatangkang lipulin ang bayan ng Diyos, maaalaala natin ang mga sinabing ito sa panalangin ng salmista: “O mapahiya nawa sila at maligalig sa habang panahon, at malito nawa sila at malipol.”​—Awit 83:17.

      18, 19. (a) Ano ang naghihintay sa mga determinadong mananalansang ng soberanya ni Jehova? (b) Ano ang epekto sa iyo ng dumarating na pangwakas na pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova?

      18 Isang nakakahiyang wakas ang naghihintay sa mga determinadong mananalansang ng soberanya ni Jehova. Isinisiwalat ng Salita ng Diyos na ang “mga hindi sumusunod sa mabuting balita”​—na siyang dahilan kung bakit sila lilipulin sa Armagedon​—ay daranas ng “walang-hanggang pagkapuksa.” (2 Tes. 1:7-9) Ang pagpuksa sa mga mananalansang na ito at ang pagliligtas sa mga sumasamba kay Jehova sa katotohanan ay magsisilbing matibay na patotoo na si Jehova ang tanging tunay na Diyos. Sa bagong sanlibutan, ang malaking tagumpay na ito ay hindi kailanman malilimutan. Matututuhan ng mga ‘bubuhaying muli na matuwid at di-matuwid’ ang dakilang gawa na ito ni Jehova. (Gawa 24:15) Sa bagong sanlibutan, makikita nila ang nakakukumbinsing patotoo na talagang isang karunungan ang mamuhay sa ilalim ng soberanya ni Jehova. At ang maaamo na kasama nila ay agad na makukumbinsi na si Jehova lamang ang tanging tunay na Diyos.

  • “Ito Talaga ang Kabanal-banalan at Dakilang Pangalan ng Diyos”
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 15
    • “Ito Talaga ang Kabanal-banalan at Dakilang Pangalan ng Diyos”

      Iyan ang sinabi ni Nicholas ng Cusa sa isang sermong ibinigay niya noong taóng 1430.a Isa siyang tao na maraming pinag-aralan, gaya ng wikang Griego at Hebreo, pilosopiya, teolohiya, matematika, at astronomiya. Sa edad na 22, siya ay naging isang kilalang teologo ng Romano Katoliko at bihasa sa batas ng simbahan. Noong 1448, hinirang siya bilang kardinal.

      Mga 550 taon na ang nakalilipas, itinatag ni Nicholas ng Cusa ang isang nursing home para sa matatanda sa Kues​—na ngayo’y kilala bilang Bernkastel-Kues​—isang bayan na matatagpuan mga 130 kilometro sa timog ng Bonn, sa Alemanya. Sa ngayon, ang nursing home na ito ay ginawang aklatan ni Cusa na naglalaman ng mahigit 310 manuskrito. Isa sa mga manuskritong ito ang Codex Cusanus 220 kung saan makikita ang sermon ni Cusa noong 1430. Sa sermong iyon na In principio erat verbum (Nang Pasimula ay ang Salita), ginamit ni Nicholas ng Cusa ang Iehoua, ang baybay sa Latin para sa pangalang Jehova.b Makikita sa pahina 56 ang sumusunod na mga pananalita tungkol sa pangalan ng Diyos: “Ito ang pangalan ng Diyos na ibinigay niya sa kaniyang sarili. Ito ang Tetragrammaton, samakatuwid nga, ang pangalang binubuo ng apat na letra. . . . Ito talaga ang kabanal-banalan at dakilang pangalan ng Diyos.” Kaayon ng mga pananalita ni Nicholas ng Cusa ang katotohanan na ang pangalan ng Diyos ay lumilitaw sa orihinal na teksto ng Hebreong Kasulatan.​—Ex. 6:3.

      Ang codex na ito na ginawa noong unang mga taon ng ika-15 siglo ang isa sa pinakamatagal na umiiral na dokumento kung saan ang Tetragrammaton ay isinaling “Iehoua.” Ang dokumentong ito ay karagdagang patotoo na ang mga salin ng pangalan ng Diyos na kahawig ng “Jehova” ang siyang pinakakaraniwang anyo ng pangalan ng Diyos na mababasa sa mga literatura sa loob ng maraming siglo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share