Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hindi Kami Nakipagkompromiso
    2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
    • INDONESIA

      Hindi Kami Nakipagkompromiso

      Daniel Lokollo

      • ISINILANG 1965

      • NABAUTISMUHAN 1986

      • Isang special pioneer na nanindigan sa ilalim ng pang-uusig.

      Si Daniel Lokollo

      NOONG Abril 14, 1989, nangangasiwa ako sa pulong sa bayan ng Maumere, sa Flores Island, nang biglang pumasok sa bahay ang mga opisyal ng gobyerno. Inaresto nila ako at ang tatlong iba pa.

      Pinilit kami ng mga guwardiya sa bilangguan na sumaludo sa bandila. Nang hindi kami sumunod, binugbog nila kami, pinagsisipa, at limang araw na pinatayo sa kainitan ng araw. Sa gabi, nanginginig kami sa lamig sa sementong sahig ng maliit naming selda, hinang-hina, marungis, at kumikirot ang mga sugat. Paulit-ulit kaming sinasabihan ng warden na makipagkompromiso na, pero sinasabi namin, “Mamatay man kami, hindi kami sasaludo.” Gaya ng mga Kristiyanong nauna sa amin, isang pribilehiyo na ‘magdusa alang-alang sa katuwiran.’—1 Ped. 3:14.

  • Sumunod Kami at Naligtas!
    2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
    • INDONESIA

      Sumunod Kami at Naligtas!

      Blasius da Gomes

      • ISINILANG 1963

      • NABAUTISMUHAN 1995

      • Isang elder na nagmalasakit sa kawan noong panahon ng kaguluhan sa Ambon, bahagi ng Maluku Islands.

      Si Blasius da Gomes

      NOONG Enero 19, 1999, nauwi sa karahasan ang tensiyon sa pagitan ng Muslim at Kristiyano. Mga tatlong kilometro lang iyon mula sa amin. Kalunos-lunos ang naging sitwasyon.a

      Nang matiyak kong ligtas na ang pamilya ko, tinawagan ko ang ibang mamamahayag para kumustahin. Pinayuhan ko sila na manatiling kalmado at umiwas sa mga delikadong lugar. Di-nagtagal, dinalaw ng mga elder ang kawan para patibayin at pasiglahing idaos sa maliliit na grupo ang mga pulong.

      Tinagubilinan kami ng tanggapang pansangay na ilikas ang mga mamamahayag na nasa delikadong lugar, at ipinaalam namin iyon sa maraming pamilya. Isang brother na tumangging lumikas ang pinatay ng isang armadong grupo. Pero ang lahat ng sumunod sa tagubilin mula sa tanggapang pansangay ay naligtas.

      a Nanalasa ang kaguluhang iyon sa buong probinsiya ng Maluku at tumagal nang mahigit dalawang taon. Libo-libo ang napilitang lumikas sa kanilang tahanan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share