PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mabubuting Gawa na Hindi Lilimutin
Puwedeng makabuo ng ulat ng mabubuting gawa sa sagradong paglilingkod ang bawat lingkod ni Jehova. Gaya ng maibiging magulang na nagpapahalaga sa nagagawa ng kaniyang mga anak, hindi rin lilimutin ni Jehova ang ating mga ginawa at ang pag-ibig na ipinakita natin para sa pangalan niya. (Mat 6:20; Heb 6:10) Siyempre pa, iba-iba ang ating kakayahan at kalagayan. Pero masaya tayo kapag ginagawa natin ang ating buong makakaya sa paglilingkod kay Jehova. (Gal 6:4; Col 3:23) Sa nakalipas na mga taon, libo-libong kapatid ang nakapaglingkod sa Bethel. Puwede ka bang magboluntaryo roon? Kung hindi, puwede mo bang pasiglahin ang iba na gawin iyon o tulungan ang isang Bethelite na patuloy na maglingkod sa ganitong natatanging paraan?
PANOORIN ANG VIDEO NA GAWING TUNGUHIN ANG MAGLINGKOD SA BETHEL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang dapat na maging motibo sa paglilingkod sa Bethel?
Ano ang sinabi ng ilan tungkol sa mga pagpapalang natanggap nila sa paglilingkod sa Bethel?
Ano ang mga kuwalipikasyon para makapaglingkod sa Bethel?
Paano ka makakapag-apply sa Bethel?