Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb20 Pebrero p. 5
  • Kung Paano Papatibayin ng Mag-asawa ang Kanilang Pagsasama

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Papatibayin ng Mag-asawa ang Kanilang Pagsasama
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Ingatan ang Inyong Pagsasama Bilang Mag-asawa
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Pagkatapos ng Araw ng Kasal
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Pag-aasawa—Isang Regalo Galing sa Diyos
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Pag-aasawa—Kaloob ng Isang Maibiging Ama
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
mwb20 Pebrero p. 5
Sina Abram at Sarai habang naghahandang umalis sa Ur. Buhat ni Abram ang isang malaking sako habang pinapatibay si Sarai, na naglalagay ng mga gamit sa isang basket.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Papatibayin ng Mag-asawa ang Kanilang Pagsasama

Sina Abraham at Sara ay isang magandang halimbawa ng mag-asawang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa. (Gen 12:11-13; 1Pe 3:6) Pero hindi perpekto ang pagsasama nila, at may mga problema rin sila sa buhay. Ano ang matututuhan ng mga mag-asawa kina Abraham at Sara?

Palaging mag-usap. Mahinahong sumagot kahit na nakapagsalita ang iyong asawa dahil sa inis o galit. (Gen 16:5, 6) Maglaan ng panahon para sa isa’t isa. Ipadama sa salita at gawa na mahal mo ang iyong asawa. At higit sa lahat, tiyaking matibay ang kaugnayan ninyong dalawa kay Jehova sa pamamagitan ng pag-aaral, pananalangin, at pagsamba nang magkasama. (Ec 4:12) Ang matibay na pagsasama ng mag-asawa ay nagpaparangal kay Jehova, ang Tagapagpasimula ng sagradong kaayusang ito.

PANOORIN ANG VIDEO NA KUNG PAANO PAPATIBAYIN ANG BUKLOD NG PAG-AASAWA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sa pagsasadula, ano ang mga senyales na napapalayo na sa isa’t isa sina Shaan at Kiara?

  • Bakit napakahalaga na maging bukás ang komunikasyon ng mag-asawa?

  • Paano nakatulong kina Shaan at Kiara ang halimbawa nina Abraham at Sara?

  • Ano ang mga ginawa nina Shaan at Kiara para patibayin ang kanilang pagsasama?

  • Bakit hindi dapat asahan ng mag-asawa na magiging perpekto ang pagsasama nila?

Mga larawan: Mga eksena sa video na ‘Kung Paano Papatibayin ang Buklod ng Pag-aasawa.’ Sina Shaan at Kiara na gumagawa ng paraan para patibayin ang kanilang pagsasama. 1. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng upuan. 2. Magkahawak sila ng kamay. 3. Masayang silang magkasamang nangangaral.

Mapapatibay mo ang pagsasama ninyong mag-asawa!

Para sa karagdagang impormasyon kung paano papatibayin ang pagsasama ninyong mag-asawa, puwede mong tingnan ang mga artikulo na nasa Gumising! at jw.org®:

  • “Kapag Bumukod Na ang mga Anak”​—g17.4 10-11

  • “Kung Paano Pag-uusapan ang mga Problema”​—g16.3 10-11

  • “Kapag Dismayado Ka sa Iyong Pag-aasawa”​—g 3/14 14-15

  • “Kung Paano Magiging Mabuting Tagapakinig”—g 12/13 12-13

  • “Kung Paano Maiiwasan ang Pagtatalo”​—g 2/13 4-5

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share