Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Amag—Kaibigan at Kaaway!
    Gumising!—2006 | Enero
    • epekto sa mga tao at hayop. Maaaring mahantad ang isa sa amag sa pamamagitan ng paglanghap, paglunok, o pagdikit sa balat. Pero hindi naman laging nakapipinsala ang amag, sapagkat may pakinabang naman dito.

      Ang Kapaki-pakinabang na Katangian ng Amag

      Noong 1928, di-sinasadyang natuklasan ng siyentipikong si Alexander Fleming ang kakayahan ng berdeng amag na pumatay ng mga mikrobyo. Ang amag, na nakilala sa kalaunan bilang Penicillium notatum, ay napatunayang pumapatay ng baktirya subalit hindi nakapipinsala sa tao at hayop. Nakatulong ang tuklas na ito upang maimbento ang penisilin, na sinasabing “nagligtas ng mas maraming buhay kaysa sa alinpamang gamot sa modernong medisina.” Dahil sa kanilang nagawa, si Fleming at ang kaniyang kapuwa mananaliksik na sina Howard Florey at Ernst Chain ay ginantimpalaan ng Nobel Prize para sa medisina noong 1945. Mula noon, may nakuha pang ibang substansiyang nakagagamot mula sa amag, kabilang na ang mga panlunas sa pamumuo ng dugo, sakit ng ulo na migraine, at Parkinson’s disease.

      Naging pampalasa rin ng pagkain ang amag. Kuning halimbawa ang keso. Alam mo ba na natatangi ang lasa ng mga kesong Brie, Camembert, Danish blue, Gorgonzola, Roquefort, at Stilton dahil sa ilang uri ng amag na Penicillium? Utang din ng salami, toyo, at serbesa ang masarap na lasa nila sa amag.

      Totoo rin ito sa alak. Kapag inani sa tamang panahon ang ilang uri ng ubas na may tamang dami ng tumubong fungus sa bawat bungkos, maaaring gamitin ang mga ito upang makagawa ng masarap na alak na panghimagas. Lalong pinatatamis ng amag na Botrytis cinerea ang asukal sa ubas, anupat pinasasarap ito. Sa imbakan ng alak, lalo pang ginagawang malasa ng amag na Cladosporium cellare ang alak habang pinagugulang ito. Ayon sa kasabihan ng mga gumagawa ng alak sa Hungary: ‘Gumagawa ng masarap na alak ang marangal na amag.’

      Kapag Naging Kaaway ang Amag

      Ang di-mabubuting katangian ng ilang amag ay may mahabang kasaysayan din. Noong ikaanim na siglo B.C.E., ginamit ng mga Asiryano ang amag na Claviceps purpurea upang lasunin ang mga balon ng kanilang mga kaaway​—isang sinaunang anyo ng biyolohikal na digmaan. Noong Edad Medya, ang amag ding ito na tumutubo kung minsan sa senteno, ang dahilan kung bakit ang maraming tao ay inatake ng epilepsi, nakadama ng hapdi ng katawan, nagkaroon ng ganggrena, at dumanas ng halusinasyon. Ang sakit na ito, na tinatawag na ngayong ergotism, ay binansagang St. Anthony’s fire sapagkat maraming biktima nito na umaasang makahimalang gagaling ang nagtungo sa dambana ni St. Anthony sa Pransiya.

      Ang pinakamatapang na substansiyang nagdudulot ng kanser ay ang aflatoxin​—lason na ginagawa ng amag. Sa isang bansa sa Asia, 20,000 taun-taon ang sinasabing namamatay dahil sa aflatoxin.

  • Paano Mo Sasagutin?
    Gumising!—2006 | Enero
    • MGA SAGOT SA PAHINA 31

      1. Dagat ng Galilea.​—Juan 6:1, 16.

      ◆ Jesus at Pedro.​—Mateo 14:26-31.

      ◆ Nag-alinlangan si Pedro; pero hindi si Jesus.​—Mateo 14:31.

      2. 539 B.C.E.

      3. 647 B.C.E.

      4. 1077 B.C.E.

      5. Samgar.​—Hukom 3:31.

      6. Jonatan.​—1 Samuel 14:27.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share