Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pentateuch
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pinatutunayan ng maraming iba pang talata sa Bibliya na ang Pentateuch ay isinulat ni Moises. (Jos 1:7; Huk 3:4; 2Ha 18:6; Mal 4:4) Tinukoy ito ng mga taong gaya nina David (1Ha 2:1-3), Daniel (9:11), Ezra (6:18), Nehemias (8:1), Jesus (Mar 12:26; Luc 16:29; Ju 7:19), Lucas (24:27), at Juan (1:17) bilang akda ni Moises. Sa mas tuwirang paraan, kinilala ni Jesus na si Moises ang manunulat nito (Mar 10:3-5; Ju 5:46, 47), gaya rin ng ginawa ng mga Saduceo.​—Mar 12:18, 19.

  • Pentecostes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • May kinalaman sa iba pang mga handog (maliban sa handog na pansalu-salo), ang ulat ng Bilang 28:27-30 ay naiiba nang kaunti sa Levitico 23:18, 19. Sa halip na pitong kordero, isang guyang toro, dalawang barakong tupa, at isang anak ng kambing, na siyang mababasa sa Levitico, ang hinihiling sa Mga Bilang ay pitong kordero, dalawang guyang toro, isang barakong tupa, at isang anak ng kambing. Sinasabi ng mga Judiong komentarista na ang hain na binabanggit sa Levitico ay tumutukoy sa hain na kasama ng mga tinapay na ikinakaway, at yaon namang nasa Mga Bilang ay tumutukoy sa itinalagang hain para sa kapistahan, anupat parehong inihahandog ang mga haing ito. Bilang suporta rito, nang ilarawan ni Josephus ang mga hain sa araw ng Pentecostes, binanggit muna niya ang dalawang kordero na handog na pansalu-salo, at pagkatapos ay pinagsama-sama niya ang iba pang mga handog, samakatuwid nga, tatlong guya, dalawang barakong tupa (dapat ay tatlo ngunit maliwanag na nagkamali ang tagakopya), 14 na kordero, at dalawang anak ng kambing. (Jewish Antiquities, III, 253 [x, 6]) Ang araw na ito ay isang banal na kombensiyon, isang araw ng sabbath.​—Lev 23:21; Bil 28:26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share