-
“Ating Pinahahalagahan ang mga May Edad!”Ang Bantayan—1986 | Pebrero 1
-
-
mumunting mga anak at yakap-yakapin sila,” ang sabi ng isang may edad, “sapagkat hindi magtatagal at sila’y lálakí na. Sila ang unahin ninyong asikasuhin. Sila ang inyong mahal na mga alagad.” “Pagka ginipit ka ng sistemang ito o pagka sinusubok ka ni Satanas,” ang payo pa ng isa, “kailanman ay huwag mong iiwanan ang katotohanan. Patuloy na sundin mo ito, sapagkat ang resulta nito ay kaligayahan para sa iyo.” Isang may edad nang mag-asawa na naglingkod nang may katapatan sa isang lugar sa New Zealand sa loob ng mga 43 taon ang nagbigay ng ganitong praktikal na payo: “Kung magagawa ninyo, mas mabuti ang dumuon kayo sa isang lugar, imbis na magpalipat-lipat. Ang katotohanan ay may lalong malaking epekto sa komunidad, at kayo ay patuloy na nakapamumuhay ayon dito, at sa gayo’y lalo kayong tumitibay.”
Totoo, marami sa ating matatanda nang mga kapatid ang hindi makalahok sa pagbabahay-bahay gaya ng paglahok ng mga nakababata. Ang iba ay nakaratay sa banig ng karamdaman. Ang iba naman ay dumaranas ng makirot na mga sakit. Ang sabi ng isang may edad nang sister, “Hindi sa ayaw kong tumanda. Ang ayaw ko ay yaong dala ng pagtanda.” Gayunman ay nagagawa pa rin niya na magpakita ng sigasig bilang Kristiyano!
Ikaw ba ay gumugugol ng panahon upang makilala ang iyong mga kapatid na may edad? Ikaw ba ay nagsisikap na tularan ang mga katangian na makikita sa kanila, mga katangian na dinalisay na tulad sa ginto sa paglipas ng panahon at sa pamamagitan ng karanasan? Tunay, ang ating mga kapatid na may edad ay isang mahalagang kayamanan kung gagamit lamang tayo ng panahon na sila’y obserbahan at kausapin. Sabi ng isang nakababatang Kristiyano: “Ang mga tapat na may edad ay naging mga uliran ko sa pagpapatuloy sa katotohanan, sa tunay na pag-ibig, sa pananampalataya na buháy, sa pagkamahabagin, at sa sigasig sa paglilingkod sa Diyos. Para sa akin ang kanilang kagandahan ay tulad ng mga punungkahoy na punúng-punô ng namumukadkad na bulaklak, at sila’y tulad ng nagniningas na apoy sa isang gabing malamig.” Oo, tayo’y may dahilan na pahalagahan ang mga kasamahang may edad!
-
-
Ang Mata ni Jehova ay “Nakatingin sa Matatandang Lalaki”Ang Bantayan—1986 | Pebrero 1
-
-
Ang Mata ni Jehova ay “Nakatingin sa Matatandang Lalaki”
ANG matatanda sa ngayon ay malimit na kinakailangang magpasiya na waring ang lawak ay lampas sa kanilang kaalaman at karanasan. Datapuwat, isaalang-alang ang situwasyon na napaharap sa mga ilang matatandang Judio noong kaarawan ni Ezra.
Pagkatapos na bumalik ang nalabing Judio buhat sa Babilonya, nagsimula ang may 16-na-taóng pagkahinto sa paggawa. Ang mga propetang si Hagai at si Zacarias ay nangyaring gumulantang sa mga Judio sa kanilang pagwawalang-bahala, at muling ipinagpatuloy ang gawain na pagtatayo sa nagibang templo ni Jehova. Subalit, hindi nagtagal at ang gawaing ito ay tinutulan ng mga opisyales ng Persia. “Sino ang nag-utos sa inyo na itayo ang bahay na ito?” ang tanong ng mga mananalansang.—Ezra 5:1-3.
Ang tugon sa tanong na ito ay maselang. Kung hinayaan ng matatanda na sila’y madala ng takot, dagling mapapahinto ang muling pagtatayo sa templo. Kung kikilos naman ang matatanda sa paraan na pupukaw sa galit ng mga opisyales na ito, baka kaagad ipagbawal ang gawain. Kaya’t ang matatanda (marahil pinangunahan ni Gobernador Zerubabel at ng mataas na saserdoteng si Joshua) ay bumuo ng isang mataktika ngunit mabisang tugon. Kanilang ipinaalaala sa mga opisyales ang matagal nang nakalimutang utos ni Ciro na nagbigay sa mga Judio ng pahintulot ng hari na magpatuloy sa gawaing ito. Sa pagkaalam sa patakaran ng mga Persiano na huwag kailanman baguhin ang nailabas nang batas, ang mga opisyales na ito ay may katalinuhan na nagpasiyang iwasan ang pagsalungat sa isang utos ng hari. Sa ganoon ay pinayagan na ang gawain ay magpatuloy hanggang sa nang malaunan nagbigay si haring Dario ng kaniyang opisyal na pagsang-ayon na ipagpatuloy ang gawain!—Ezra 5:11-17; 6:6-12.
Ang kagila-gilalas na resulta bang ito ay dahilan sa karunungan ng tao? Sa kabaligtaran pa nga, sinasabi ng salaysay ng Ezra na “ang mata ng kanilang Diyos ay napatunayan na nakatingin sa matatandang lalaki na mga Judio.” (Ezra 5:5) Maliwanag, si Jehova ang umakay sa kanila sa ganoong tugon nila at sa pagsang-ayon ng haring Persiano. Ang matatandang Kristiyano sa ngayon ay maaari rin namang kay Jehova humingi ng patnubay at giya pagka nakaharap sa mahihirap na disisyon o nakikitungo sa mga mananalansang. Ang katiyakang ibinibigay ni Jehova sa Awit 32:8: “Aking ipaáalám sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran. Papayuhan kita na ang aking mata ay nakatitig sa iyo.”
-