Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Ka Aalalahanin ni Jehova?
    Ang Bantayan—2000 | Pebrero 1
    • Paano Ka Aalalahanin ni Jehova?

      “ALALAHANIN mo ako, O Diyos ko.” Ilang ulit na nakiusap si Nehemias sa Diyos sa mga salitang iyon. (Nehemias 5:19; 13:14, 31) Talagang likas lamang na kapag ang mga tao ay napipighati, bumabaling sila sa Diyos taglay ang mga pagsusumamo na katulad niyaon.

      Gayunman, ano ang iniisip ng mga tao kapag nakikiusap sila sa Diyos na sila ay alalahanin? Maliwanag, sila ay umaasa na ang Diyos ay gagawa nang higit pa kaysa sa basta pag-alaala lamang sa kanilang mga pangalan. Walang alinlangan na sila ay umaasa sa katulad na paraan na gaya ng isa sa mga kriminal na pinatay kasama ni Jesus. Di-tulad ng isa pa, ang isang ito ay namanhik kay Jesus: “Alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” Hindi lamang niya nais na aalalahanin ni Jesus kung sino siya kundi na gawan din siya ng isang bagay​—na siya ay buhaying-muli.​—Lucas 23:42.

      Kadalasan, ipinakikita ng Bibliya na para sa Diyos, “ang pag-alaala” ay nangangahulugan ng paggawa ng positibong pagkilos. Halimbawa, pagkatapos na ang lupa ay apawan ng tubig-baha sa loob ng 150 araw, “naalaala ng Diyos si Noe . . . , at pinaraan ng Diyos ang isang hangin sa ibabaw ng lupa, at ang tubig ay nagsimulang humupa.” (Genesis 8:1) Pagkalipas ng mga siglo, si Samson na binulag at itinanikala ng mga Filisteo, ay nanalangin: “Jehova, alalahanin mo ako, pakisuyo, at palakasin mo ako, pakisuyo, nitong minsan na lamang.” Inalaala ni Jehova si Samson sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng lakas na nakahihigit-sa-tao upang maipaghiganti niya ang kaniyang sarili laban sa mga kaaway ng Diyos. (Hukom 16:28-30) At kung tungkol kay Nehemias, pinagpala ni Jehova ang kaniyang mga pagsisikap, at ang tunay na pagsamba ay naisauli sa Jerusalem.

      “Ang lahat ng mga bagay na isinulat nang una ay isinulat bilang tagubilin sa atin, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa,” isinulat ni apostol Pablo. (Roma 15:4) Kung aalalahanin natin si Jehova sa pamamagitan ng paggawa ng kaniyang kalooban, gaya ng kaniyang mga tapat na lingkod noong una, makapagtitiwala tayo na aalalahanin tayo ni Jehova sa pamamagitan ng pagtulong sa atin na makakuha tayo ng pang-araw-araw na mga pangangailangan, sa pamamagitan ng pagtulong sa atin sa ating mga pagsubok, at sa pamamagitan ng pagliligtas sa atin kapag pinasapit niya ang paghatol sa mga di-makadiyos.​—Mateo 6:33; 2 Pedro 2:9.

  • Tatanggapin Mo ba ang Isang Pagdalaw?
    Ang Bantayan—2000 | Pebrero 1
    • Tatanggapin Mo ba ang Isang Pagdalaw?

      Maging sa maligalig na sanlibutang ito, ikaw ay makapagtatamo ng kaligayahan buhat sa tumpak na kaalaman sa Bibliya tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang kamangha-manghang layunin para sa sangkatauhan. Kung nais mo ng higit na impormasyon o ibig mong may isang dumalaw sa iyo upang magdaos ng isang walang-bayad na pantahanang pakikipag-aral ng Bibliya sa iyo, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 30.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share