Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 6 p. 9
  • Ipakita ang Kahalagahan ng Teksto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipakita ang Kahalagahan ng Teksto
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Angkop na Introduksiyon sa Teksto
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Wastong Ikinapit ang Kasulatan
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Epektibong Konklusyon
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 6 p. 9

ARALINĀ 6

Ipakita ang Kahalagahan ng Teksto

Binanggit na teksto

Juan 10:33-36

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Huwag basta basahin ang teksto at pumunta sa kasunod na punto. Tiyaking malinaw na makikita ng mga tagapakinig ang koneksiyon ng tekstong binabasa mo sa puntong pinalilitaw mo.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Itampok ang mahahalagang salita. Pagkatapos basahin ang isang teksto, idiin ang mga salitang may kaugnayan sa pangunahing punto. Magagawa mo ito kung uulitin mo ang mga salitang iyon o magtatanong ka sa mga tagapakinig para matukoy nila ang mahahalagang salita.

    Praktikal na tip

    Kung gagamit ka ng ibang pananalita para muling ipakita ang ideya sa teksto, tiyaking malinaw pa ring makikita ng mga tagapakinig ang koneksiyon ng mga salita sa Bibliya sa iyong pangunahing punto.

  • Idiin ang punto. Kung sinabi mo ang dahilan kung bakit mo babasahin ang isang teksto, pagkatapos itong basahin, ipaliwanag kung paano nauugnay sa dahilang iyon ang mahahalagang salita sa teksto.

    Praktikal na tip

    Habang tinatalakay ang teksto, panatilihing nakabukas ang iyong Bibliya. Matutulungan nito ang mga tagapakinig na makita ang kaugnayan ng sinasabi mo sa tekstong kababasa mo lang.

  • Gawing simple ang pagpapaliwanag sa kahalagahan ng teksto. Iwasang magkomento sa mga detalyeng walang kaugnayan sa pangunahing punto. Isipin muna kung ano na ang alam ng mga tagapakinig tungkol sa paksa at saka magpasiya kung anong mga detalye ang kailangan para malinaw nilang maintindihan ang punto.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share